CHAPTER 21

814 53 5
                                    

   Naninikip ang dibdib ni Edward habang pinapanood si maymay na naghahabol Kay Hannah sa ilalim ng ulan. Damn him! Kasalanan niya ito! Kung Hindi sana kasi siya tumitig Kay maymay.
   But he couldn't  help it. Awang-awa siya sa hitsura nitong nagpapakaalila Kay Hannah. He couldn't quite understand how a once spoiled brat would now humble herself that low just to serve her longtime rival. It was both pitiful and admirable.
    Anuman ang gawin ni maymay. Hindi rin nito napigilan si Hannah na pumasok ng van. Desperate, tumakbo sa kanya si maymay
   "Please, do something!" Pakiusap nito sa kanya. Hindi niya natigilan ang sariling haplusin ang basa nitong buhok. "That's enough, maymay. You've done enough."
   Bumaba siya ng hagdanan at nilapitan ang van. Hindi rin niya alintanang nababasa siya ng ulan. Ayaw pang buksan ni Hannah  ang sasakyan, pero pinuwersa niya ang pinto hanggang sa nakita niya itong umiiyak sa loob
   "Hannah let's go," he said softly. "Everyone's waiting." Umiling ito. "Why do you want to marry me?"
   "Because I promised to,"
    "What else?"
    "What else do you want?"
   "Edward, how could  you marry me if you don't  even love me?"
   "Don't say that."
   "Then tell me that you do and I will believe you. Tell me right now."
    Hindi siya nakaimik. He wanted to tell her he loved her to put an end to all this commotion, but the words just wouldn't  come out of his mouth.
   "Hannah, when we agreed to get married, you said that love would came later."
   "I did. I was hoping na sa mahal mo na siguro ako.... Pero Hindi pa rin. Your heart is still stuck in the past, but still you are too foolish to insist to marry me kahit si maymay pa rin ang mahal mo."
   Her words hit him hard like she just stabbed a knife right through his heart. For a moment, he looked away. He didn't want her see the truth in his eyes.
   "After this day, Hindi na ulit kami magkikita ni maymay. I promise you that."
    Tumitig ito sa kanyang mukha, as though weighing the circumstances in her mind. He thought he had convinced her to ho through with the  wedding, but to his surprise, she shook her head.
   "I'd rather live with my husband's memories than marry a man who'd  be thinking of another woman on our honeymoon," anito at isinara ang pinto ng van.
    Edward did not do anything more as the van drove away. Kung iyon ang desisyon ni hannah, Hindi niya ito mapiilit.
   Slowly, he turned around and found maymay sitting on the stairs with pat, crying like a child who was lost in the wilderness.
    "What are you doing?" Pasigaw nitong tanong habang papalapit siya rito. "Why did you let her go?"
   Tumayo siya sa harapan ng dalaga. "I tried maymay." Tulalang nakatingala sa kanya ang dating nobya saka ito muling umiyak. "I worked so hard for this wedding. What did I do wrong?"
   Hinaplus-haplos ni pat ang balikat nito para kumalma. "Wala lang kasalanan. It's not your fault."
    Tumango siya nilang pagsang-ayon sa sinabi ng babae. "She right. It's my fault," Aniya at iniwan ang dalawa para harapan ang mga tao. He had to make an announcement that this wedding would not push through.
   Papasok sa pinto ay nakita niya ang ama niyang nakaabang doon. Mukhang kanina pa nito pinapanood ang mga pangyayari.
" let me speak with the guests, son," anito sa mahinang Boses ? "We will skip the ceremony, but we will still serve dinner. Para naman Hindi masayang ang lahat ng ito."
   Edward nodded. It's all up to you." Sagot niya at umakyat ng hagdanan patungo sa kanyang kwarto.
   His heart was breaking into pieces. Hindi lamang si Hannah ang sinaktan niya kundi pati si maymay na siyang nagpakapagod para lamang sa okasyon na ito, at ang pamilya at mga kamag-ina niya na nasasabik na makita siyang maikasal. He failed them all.

MY DREAM WEDDING " MAYWARD" CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon