CHAPTER 17

740 49 4
                                    

" okay, here it goes," ani maymay at saka pinindot ang switch para umilaw ang mga fiber optics na ngayon ay nakakabit na sa kisame. Isinara nila lahat ng ilaw sa loob ng bahay para mas lumiliwanag ang mga bituin.
   Hannah jaw fell in amazement as she gazed over the hundreds of stars in the ceiling. "How marvelous!" She gasped.
   She smiled and watched as well. Parang totoong bituin sa kalangitan ang kanyang nakikita. Magkakaiba ang laki at liwanag para mas magiging makatotohanan ang epekto.  Na-test na nila iyon kanina kasama ng electrical engineer at interior designer kaya hindi na siya masyado ng namangha.
   "And romantic," dagdag niya sa sinabi ni hannah. Matagal pang pinagmasdan ng kausap niya ang mga bituin bago ulit nagsalita. "Paano kapag binuksan natin ang mga ilaw? Makikita pa ba 'yung mga stars?"
    "Subukan natin." Anita at pinindot naman ang switch ng mga ilaw. Nakababa ng two feet ang mga iyon mula sa kisame at nilagyan ng takip sa ibabaw ng bawat bulb para manatiling madilim sa kisame.
   "Wow! Kitang kita pa rin sila." Sambit ni hannah  nang lumiwanag ang paligid, ngunit nanatiling matingkad ang mga bituin. "Parang nasa labas tayo, ano?"
   "And there's more. Kapag nasa cake and wine ceremony na kayo, there will be a meteor shower effect."
   Lumaki ang mga mata nito. "Really?"
   "Yes, sorpresa ko 'yan sa inyo kaya bukas na ninyo makikita."
   "Hindi nga?"
    "Ayaw mo? Aalisin ko."
   "Joke. Ikaw talaga. Pero in fairness, ang ganda talaga. I think you're the best wedding planner that one can get."
   "You bet. Kaya aminin mo na. I did a great job and I am not sorry to see you getting married with Edward."
   "Oo na, talo na ako. Wala ako ni anumang complaint sa trabaho mo. I'll even give you a big bonus for this one."
   Napangiti siya. "Dapat lang. Ano, i-off ko na?"
   "Huwag muna. Ang sarap panoorin."
   Umopo silang magkatapat sa isang mesa at Sabay na pinanood  ang mga artificial stars. Bukas na kasal ni Hannah. Nakahanda na ang garden kung saan idaraos ang ceremony, at nakahanda na rin ang lahat dito sa loob ng mansyon kung saan gaganapin ang reception at program. Halos isang daang mesa ang pinagkasya nila sa loob maliban pa sa mga nakapuwesto sa terrace at sa backyard.
    " you know what?" Maymay said after a long silence. "This was my dream wedding."
    Napatingin sa kanya si Hannah "your wedding?"
   "Yap. Lahat ng mga ginawa ko dito, ito ang balak ko sa nang gawin kapag ako ang ikinasal, kasama na pati 'yung gown mo."
   "Talaga? Bakit mo ibinigay sa akin?"
   She heaved a deep sigh. Hindi rin niya maintindihan kung bakit niya ginawa iyo. "Probably to make up for what I did to you four years ago."
   Natameme ang babae sa narinig. Hindi siguro nito inakalang na sasabihin niya iyon.
   "I know I've been such a brat." Maymay continued. "I was young and very insecure na baka mawala sa akin ang boyfriend ko."
   Napangiting sinuklay ni Hannah ang buhok gamit ang mga daliri. "Well, I did hate you a lot. Hindi ko makalimutan 'yung pagtadyak mo sa likuran ko. Feeling ko hindi  na tao ang tingin mo sa akin noon, so I vowed to take my revenge on you when we meet again. Pero nag- iba ang nangyari. I end up liking you now, lalo na at ang ganda ng ginawa mo para sa kasal ko."
    "Kaya ba sinasadya mo akong pagselosan noon?" Tumango ito.  "Oo. Akala ko kasi may gusto ka pa hanggang ngayon Kay Edward, eh. But i am wrong."
   Hannah words shot through her. Nagkamali itong muli. Dahil ang totoo ay lubhang nahihirapan ang kanyang damdamin habang iniisip ang sapit ng kasalang ito. Napansin na rin ni pat ang kawalan niya ng sigla, at alam nito ang dahilan.
   "Kilala ko naman si Edward. He is very loyal man. Kahit siguro maghubad ako sa harapan niya, Hindi iyon ang magiging dahilan para iwanan ka niya."
    Tumango itong muli. " I have a confession to make, pero huwag kang magagalit."
    "Ano 'yun?"
    "I did try to seduce Edward noon sa office niya."
    Nanlaki ang kanyang mga mata. "You did what?" She exclaimed.
"Ayan, galit ka mga."
    Sumandal siya sa kanyang upuan para kumalma.
    "Totoo ba 'yan? May nangyari sa inyo?"
   "Ang sabi ko, I tried. Hindi niya ako pinatulan kasi ayaw daw niyang pagtaksilan ka."
   Dahan-dahang napangiti si maymay. Naging totoo nga  talaga si Edward sa kanya noon. It was difficult to imagine how things ended up this way.   "Malandi ka rin pala, ano!"
   "Hindi naman. Na-in-love lang ako nang gusto sa kanya. Alam mo kasi, napakabait niya noon sa akin. Halos siya na nga ang nag-aaral sa kapatid ko. Tapos ang guwapo pa niya. Kahit naman siguro sinong babae ay mahuhulog ang loob sa kanya. Gusto ko talaga siyang sulutin sa'yo noon..... But I failed."
   Parang gusto niya ngayon sabunutan ang kausap, pero alam na niya iyon. Apat  na taon na rin ang lumipas at kailangan na lang niya itong patawarin para kapwa na sila makapagpatuloy sa kani-kanilang mga buhay.
   "Sa tingin mo ba.... Mahal ako ni Edward?"
    Nagulat si maymay sa tanong nito. "Pakakasalan ka ba niya kung Hindi?"
     "Nagkibit-balikat ang kaharap. " Ewan ko. Pakiramdam ko kasi, his heart is somewhere else. Alam mo kasi 'yung late husband ko, talagang naramdaman ko na mahal talaga niya ako. Pero Kay Edward, parang may kulang.
     Hindi alam ni maymay kung ano ang dapat niyang sabihin, dahil kung maalala niya ang nakaraan niya Kay Edward, damang-dama niya noon ang pagmamahal nito sa kanya.
   " I don't think it's fair that you  compare your late husband to Edward. Siguro magkaiba ang paraan nila para i-express ang kanilang feelings. Nasanay ka siguro sa late husband mo, kaya hinahanap mo iyon  Kay Edward."
Sandali itong nag-isip at saka nagkibit ng balikat. "I don't know. Kaya nga ipinagpalitan Kong ikaw ang maging wedding planner namin kahit ayaw ni Edward, gusto ko kasing subukan kung talagang mahal niya ako."
   "What? Ba't mo naman ginawa 'yun ? Hindi ka ba natakot na baka sulutin ko 'yang  fiancee mo?"
   "Natakot din, pero bago kasi namatay 'yung husband ko, ang sabi niya sa akin kung mag-aasawa daw ako ulit, kailangan 'yung  magmamahal din sa akin na kagaya  ng pagmamahal niya. My husband was the best thing that happened to me. I don't want to fail him. Mas mabuting tumanda na lang akong biyuda kaysa mag-asawa ako ng isang lalaking Hindi naman ako mamahalin."
    Maymay was speechless. Naunawaan na niya si Hannah. Ipinalagay pa man din niyang nasisiraan na ng ulo ang babae dahil pinili pa siya nitong gawing wedding planner kahit batid na magiging karibal siya sa puso ni Edward.
   Alam mo.... Nerbyos lang 'yan. Bukas na kasi ang kasal ninyo, kaya kung anu-ano nang inisip mo. Magpahinga ka na kaya. Baka gusto mong may eyesbag ka sa araw ng kasal mo?"
   Parang natakot si Hannah  sa sinabi niya at kaagad na tumayo. "Sige  na mga. Ikaw din, uwi ka na at maaga pa kayo bukas."

MY DREAM WEDDING " MAYWARD" CompletedWhere stories live. Discover now