Chapter 12

42.1K 848 3
                                    


"JAIME!" Patakbong salubong ni Aurora nang iparada ng lalaki ang sasakyan sa harap ng malaking bahay. Kasunod nito si Roberto.

Jaime.

Napigil sa paglabas ng sasakyan ang dalagita sa narinig na pangalang isinigaw ng ina. Nagsalubong ang mga kilay na tinitigan ang lalaki na nilingon siya kasabay ng pagtaas ng sulok ng bibig sa tila tipid na ngiti.

"Nice to see you again, Lara," he said huskily, pagkatapos ay binuksan ang pinto sa tabi nito at lumabas. Binuksan lang nito ang pinto sa bahagi niya at humakbang na patungo sa malaking bahay. Hindi siya kumikilos mula sa pagkakaupo.

"Magkakilala kayo?" Nalilitong tanong ni Emil.

She was shock. Hindi alam kung ano ang iisipin. Mula sa bintana ng sasakyan ay nakita niyang mainit na niyakap ni Aurora ang lalaki sa pagkailang nito. Si Roberto'y tinapik sa balikat ang bagong dating.

"Hey," si Emil uli. "Hindi mo na ako sinagot. Magkakilala pala kayo'y hindi ka nagsasalita riyan."

"I... I... didn't recognize him," wala sa loob niyang sagot.

"Sino siya?"

"My... my grandmother's adopted grandson." Ni hindi halos lumabas sa bibig niya ang sinabi. Nakita niyang nagulat pa ang mga magulang niya nang makita silang dalawa ni Emil sa pickup. Nauulinigan niyang nagtatanong ang mga ito kay Jaime.

Sweetheart 5 - All My Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon