Chapter 15

45.3K 928 17
                                    


SA LOOB ng halos ng isang buwan mula nang dumating sa asyenda si Jaime ay hindi ilang kadalagahan ang tuwina'y gustong makatawag ng pansin. May mga imbitasyon sa party na dumarating para sa lalaki na pinagbibigyan naman nito. At ang nakapagtataka'y hindi siya natutulog hanggang hindi ito dumarating.

"Bakit gising ka pa? Alas-dos na nang madaling araw," nagulat pa siya nang mula sa ibaba'y tumingala at nagsalita si Jaime. Bigla siyang umalis sa pagkakadungaw. Hindi niya maisip kung paano siyang nakita nito sa dilim. "Don't hide behind the curtains, Lara. Bakit hindi ka pa natutulog?" patuloy ito sa malakas na tinig.

Napilitang hawiin uli ng dalagita ang kurtina at dumungaw. "N-nagising lang ako sa pagdating ng sasakyan mo."

Mula sa malamlam na liwanag sa may portico ay nakita niyang nag-flash sa dilim ang mapuputing ngipin nito bilang pagngiti.

"Hindi ko gustong maniwala but I'll buy that. Now, be a good girl and get to sleep, sweetheart. I came home unscathed." At nawala na ito sa paningin niya bago pa siya makaisip ng matalim na isasagot.

Gusto niyang matunaw sa pagkapahiya at pinagdiskitahan ang unan.

Kabilang sa mga babaing nakakahalubilo ni Jaime ay si Lalie, who renewed her acquaintance with him. Nasa huling taon na ito sa kolehiyo sa bayan at may reputasyon sa pagiging flirt at playgirl.

Minsan ay dumating ito sa villa. Mula sa veranda sa silid niya ay kitang-kita niyang nakangiting sinalubong ito ni Jaime at tinulungang ibaba sa kabayo. Hindi niya maintindihan kung saan galing ang galit na umahon sa dibdib para sa dalawa. Mabilis siyang tumalikod at bumaba sa kusina. Naroon si Nana Sepa at tinutulungan ang kusinera.

"Gising ka na pala, Lara. Ano ang gusto mong almusalin?"

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. "Nasa labas si Lalie, Nana, kararating lang. Ano ang sadya niya dito? Hindi naman niya kasama si Doktor Luis, ah." Padabog siyang umupo sa kitchen stool.

"Siguro'y si Jaime," bale-walang sagot ng matanda at pinagpatuloy ang paglalabas ng pagkain mula sa ref. "Para ka namang bago nang bago sa babaing iyon," sinabayan nito ng iling. "Ewan ko ba kung bakit umuubra kay Doktor ang ginagawa ng anak."

Bago pa siya may naisagot ay bumukas ang screen door sa kusina at pumasok ang dalawang topic nila. Nakangiting bumati si Lalie.

"Hi, Lara. How's Emil?"

Bahagya nang umangat ang mga labi niya sa pilit na ngiti. Si Jaime ay nilapitan si Nana Felisa. "Puwede bang magkape kami, Nana?"

"Oo, anak," masuyong sagot ng matandang babae. "Teka at ipaghahanda ko na kayong tatlo ng almusal."

Halos matumba ang kitchen stool nang padabog siyang tumayo. "Wala akong ganang mag-almusal, Nana. Mamaya na lang," ni hindi niya tinapunan ng pansin ang dalawa at lumabas ng kusina. Nagkibit ng mga balikat si Jaime.

"Masama ang gising ng alaga ninyo, Nana," biro ni Jaime. Iiling-iling lamang ang matandang iginayak ang almusal ng dalawa.

NASA ilalim sila ng puno ni Emil at kayakap ang binatilyo.

"Ano ang nakain mo at pumayag kang makipagkita sa akin dito?" wika ng binatilyo na kinabig at hinagkan siya.

"Tumigil ka nang katatanong," banayad niyang angil at hinayaan ang binatilyong hagkan siya. Nang maramdaman niya ang kamay nito sa dibdib ay napaigtad siya sabay tabig sa kamay nito. "Off limits iyan!"

"C'mon, Lara," protesta nito. "Ano pa ba naman ang gagawin natin? Iyon lang naman, eh..."

"Basta," diin niya. "Kiss, okay lang. Pero ayoko ng ganyan."

"Wala namang ma—" nahinto sa sinasabi nito si Emil nang matanawan ang paparating na mangangabayo. "Sino'ng—si Jaime!"

At bago pa nakatayo ang dalawa sa pagkakasalampak sa damuha'y nasa harap na nila ang binata.

"Get up, Lara," utos nito. Hindi malakas ang tinig pero panganib ang ibinabadya ng mukha. "At ikaw, Emil, umuwi ka na..."

"Wala kang—!"

"Shut up, Lara," agap nito sa akmang protesta ni Lara. "Kung hindi mo gustong sa harap ng boyfriend mo tayo magtalo," banta nito. "Kuhanin mo ang kabayo mo at tayo nang umuwi."

Nilingon niya si Emil. Umaasang ipagtatanggol siya nito, subalit yuko ang ulo ng binatilyong lumakad nang patiuna patungo sa owner-jeep na nasa di-kalayuan.

"I hate you, Jaime! I always have hated you!" Sigaw ng dalagita. Nagpupuyos ang dibdib na tinakbo ang kabayo, sumampa dito at mabilis na pinatakbo pauwi. Sumunod si Jaime subalit hindi tinangkang makipaghabulan sa kanya.    

Sweetheart 5 - All My Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon