"Fine," maarte niyang sagot.

Pinili ni Mara na mag-usap sa kung saan kakaunti lang ang mga tao. Hindi na 'ko nakisalo pa sa pag-uusap nila at dumistansya na lang para bigyan sila ng privacy.

"What?!"

Napalingon ako sa kung saan nakatayo ngayon sina Eli at Mara. Nakasandal ako ngayon sa pader, sapat ang layo para hindi ko marinig ang mga sinasabi nila, pero mukhang galit si Mara kaya napasigaw siya.

Nakita kong nakakunot na ang noo ni Eli habang nakatingin kay Mara. Mukhang badtrip na siya sa nangyayari. Kung ako si Mara, hindi na 'ko magsasalita pa. She wouldn't like it if Eli gets angry.

Kung iisipin ay kanina pa 'yang masamang mood niya. Siguro dahil nga sa kanila ni Mara.

"Are you kidding me right now?!" muling sigaw ni Mara at napaayos na ako ng tayo.

She must tone her voice down! Kung marinig kami ng isa sa mga staff o faculty, baka mas lumala pa 'to!

Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid at nagpasalamat na wala nang halos estudyante sa parteng 'to ng building. Kung sa bagay, walang masyadong umaakyat sa pinakamataas na floor ng senior high school building maliban na lang kung gagamit ng computer rooms, library, at laboratories. Nasa parte kami ngayon kung nasa'n ang mga laboratories. Bihira ang pumupunta sa parteng 'to dahil hindi naman palaging ginagamit ang lab. I can smell the chemicals we use in the lab during class.

Nakita kong may sinabi si Eli. He looks calm, yet I know and I can feel that he's pissed right now.

Galit ngunit mahinang nagsalita si Mara kaya hindi ko na alam ang takbo ng pag-uusap nilang dalawa. Later on, Mara stomps her way out of the scene, galit at mukhang iiyak.

When she sees me, she glares at me before she walks past me.

"Let's go." Napalingon ako kay Eli. He's looking straight at me at hawak niya ang braso ko para siguro kunin ang atensyon ko.

"Are you okay?"

Bahagyang napatawa si Eli. "Of course. Silly." He holds my shoulder and we walk back to our class side by side. "Getting rid of her was easier than I thought."

I feel sorry for Mara. Ayaw ko man sa kaniya, hindi ko maiwasang maawa sa kaniya. But deep inside, medyo nakaramdam ako ng saya dahil wala na akong aalalahaning babae ni Eli. At least, for now, hangga't hindi pa siya ulit nakakahanap ng bago.

When we get back, Chester asks us for details. Eli doesn't tell him anything kaya hindi rin ako nagkwento.

"Come on, Eli! Spill it!" nagpupumilit na sabi ni Chester.

Bakit ba hindi na lang siya maglaro sa phone niya tulad ng palagi niyang ginagawa?

"Stop it, Ches," iritadong sinabi ni Eli at umubob ulit sa chair ko. He even holds my phone and makes it his pillow.

Tinawanan ko si Chester at hindi sinasadyang napatingin ako kay Laura. She's looking at us. No. She's looking directly at Eli and I see something in her eyes. Like she's conflicted or something and she wants to say something to him.

Nagtama ang mga tingin namin ni Laura nang mag-angat siya ng tingin. She stares directly into my eyes for three whole seconds before she looks away.

Napakunot ang noo ko. That's so unusual. She's normally too shy to stare at someone, especially in the eyes.

"Do you have something to do later?"

Napatingin ako kay Eli na nakatingin na sa 'kin ngayon, nakapatong pa rin ang ulo sa mga braso niyang sumasakop sa armchair ko. Narinig kong nag-vibrate ang phone kong tinatabunan ng mga braso niya. I try to get it but Eli blocks my hand.

"Let's eat somewhere after class," he says and I stare at him. "Come on, Cy. I'm so stressed." Ngumuso si Eli, nagpapaawa.

Pero nang siguro ay hindi niya na napigilang pigilan, he smirks playfully at me. His usual captivating smile. Like he knows he gets what he wants.

"Tayo lang?" utal na tanong ko dahil sa ngiti niya.

Don't avoid his gaze, Cy! It will make him know!

He smiles more at mas lalo lang nagwala ang puso ko.

"Of course we'll bring Chester. You won't come if it's just us two." Mahina siyang napahalakhak.

Ah. That's what you think. I am willing to come anywhere if you're with me. I'm just scared about accidentally letting you know that I like you.

Natahimik ako at napatitig sa kaniya. Ngumiti lang si Eli at pumikit.

Maybe he remembers the times when I didn't want to go with him because it was just the two of us. Ang minsang 'yon ay dahil hindi yata kakayanin ng puso ko na manatili sa tabi ni Eli nang kaming dalawa lang.

And I am always afraid.

I always get scared that he might notice how much I like him. He might notice how much I want us to be more than just friends.

Napabuntonghininga ako at inilibot na lang ang mga mata sa loob ng classroom para magmasid sa mga kaklase. But no matter how much I try to not think about Eli, hindi talaga siya mawala-wala sa isipan ko.

icon lock

Show your support for HANNAH, and continue reading this story

by HANNAH
@overthinkingpen
Limited Time: 50 Coins or less! September Sale Alert! From fresh sta...
Buy a new story part or the entire story. Either way, your Coins help writers earn money for the stories you love.

This story has 47 remaining parts

See how Coins support your favorite writers like @overthinkingpen.
Typical Heartbreaker (Heartbreakers Series #1)Where stories live. Discover now