CHAPTER 3

253 6 0
                                    

*The next day at work*

"HOY JEN, housekeeper duty kayo ngayon ni ms. Claire." Sigaw ni Manager.

"Ha? Paano nangyari yun?"

"Magrorotate ngayon, duh?"

Hay oo nga pala, every week, meron kaming rotation dito sa hotel. Kunwari yung mga bellboy magiging front desk, then yung front desk magiging housekeeper. Gets niyo na yun.

Naniniwala kasi yung may ari ng hotel na to na yun ang key para magkaintindihan ang lahat at na that's also the key to make us humble and down to earth kasi nagkakaroon kami ng sympathy sa isa't isa. The rule doesn't apply to managers and upper positions, though.

"Hoy bes." Lapit agad sa akin si Claire, "Now's your chance na talaga."

"Ano ba yan, yan nanaman nasa isip mo? hahaha"

"Of course, room 416, wait tanong natin front desk kung nagpapawake up call si sir."

Hinila niya na ako papunta sa front desk.

"Pat, nagpapawake up call ba si Tyler Castillo dyan?"

"Hi, ganda."

"Pat ha, tigil tigilan mo na ako, tingnan mo!" Tinaas niya agad ang kamay niyang may engagement ring.

"Oo na, sige na. Oo nagpapawake up call 8:00"

"Kami na bahala dun"

Napatingin si Claire sa rilo niya. "BES, IT'S 7:58, LET'S GOOOO!"

Pumunta kami sa 4th floor at tinulak ba naman ako. Iniwan niya ako! Siya tuloy naiwan sa elevator. Arghhhh. 

dahan dahan kong hinanap ang room 416, jusko poooo, lord help me please.

Ahh ayan na.

Kumatok ako ng tatlong beses. "Sir Castillo, it's time for you to wake up."

Walang nagrespond so inulit ko.

"Good morning sir Castillo, It's time for you to wake up."

Bumukas bigla ang pinto and oh my g o o d n e s s . Topless siya, bes, the abs!!!!

"Hmmm." nagsusuot palang siya ng t-shirt niya.

"Good morning sir Castillo, umm, it's time for your wakeup call?" Pataas na ng pataas boses ko woomaygas. Napayuko nalang ako.

"It's" tumingin siya sa phone niya "8:02, you're late."

Wow lang ha, ikaw kaya tumayo sa kinatatatayuan ko. Manggigising ka ng super hot na lalaki, kaya mo ba yun agad agad? I needed to breath in and breath out for a minute HAHAHA

"Oh, Sorry for ummm...." Nakakahiya na, omg. Lahat na tinitingnan ko except yung mga mata niya. I just can't.

"Sige, thank you nalang for waking me up." Pumasok na ulit siya sa kwarto niya.

GAAAAAAH DID THAT JUST HAPPEN. NAKAKAHIYAAAAA.

***********LATER**********

"So, how'd it go?" Tanong ni Claire habang naglalagay kami ng new towels sa pool area.

"it was alright" I just shrugged it off.

"bakit nga? ano nangyari?" tinapunan niya ako playfully ng towel.

"Wala nga."

"Fine, bahala ka."

After a while tinapunan nanaman ako ng towel.

"Ano ba Claire! Ba't ba tinatapon tapunan mo ako ng towel, ha?"

"Kasi it's your time to shine! give it to him." Sabay turo kay sir Castillo na nagsswimming sa pool.

Tinulak nanaman ako ni Claire kaya agad agad nanaman tuloy akong napaeye contact kay sir Castillo.

"Towel, sir? hehehe" Ngumiti nalang ako.

"Yeah, thanks." kinuha niya yung towel sa kamay ko.

Patalikod na sana ako nang "hey, Jen?"

"Yes, sir?"

" I was just joking kanina, I forgot to take it back haha" he chuckled.

Tumango nalang ako like a lady with class LOL JOKE di koo lang talaga alam kung pano ako magrerespond HAHAHAHA

"Bes, type ka rin nyan ni sir Castillo."

"Ha? Kung ano ano nanamang sinasabi mo!"

"Ganun ka ba talaga sa pag-ibig?"

"bakit ba? Hindi ko na nagegets kung ano nangyayari."

"H E C A L L E D Y O U B Y Y O U R N A M E" dahan dahan niyang sinabi sa akin.

"and so? Ito oh" tinuro ko yung name tag ko "duh?"

"wow lang. Guests don't usually read our name tags except kung attracted sila" minock pa ako "duh?"

"stop. Ano baaa."

"Tingnan mo ha."

"Sir, kilala mo ba ako? Ano pangalan ko sir?" sigaw niya kay sir Castillo.

HI GUYS. PLEASE PLEASE PLEASE COMMENT AND LET ME KNOW WHAT YOU THINK. :D



A Receptionist's Lovelife (SPG)Where stories live. Discover now