Mukha mang nanunumbat ako pero wala na akong magagawa. Ito na lang ang tanging paraan para hayaan niya kaming makilala ang tunay na siya.

"Fine. Tomorrow, I'll show what you're looking for. It will be a great show." sabi ni raven

"Ahm Raven can I ask?" tanong ko

"Go on" sabi niya

"Did you ever considered us a friend even just once?" I asked. Raven's mischievous expression turned stoic, and Chloe's eyes widened.

Ang totoo niyan wala to sa napag-usapan namin ni chloe pero gusto ko talagang mang galing mismo sa kanya ang mga salitang gusto kong marinig.

"Can you just leave Lia, Chloe? Its just that I'm really tired today" sabi ni Raven kaya naman napatungo ako.

"A-ah sige Raven. Mauna na kami. Pasensya kana kay Lia ah." sabi ni chloe at hinila ako paalis. Di na sumagot si raven at tumango na lang.

Pagkalabas namin ng dorm ni raven ay tinignan ako ng masama ni chloe.

"Ano kaba naman Lia?! Bakit bigla kang nagtanong ng ganun?! Pano kung mahalata ni raven na naghihinala na tayo sa mga kinikilos niya?! Baka mas lalong di niya ipakita satin kung sino ba talaga siya!" frustated na sabi ni chloe napatungo naman ako

"Sorry chloe. Gusto ko lang naman malaman mula sa kanya kung tinuring niya ba talaga tayong kaibigan. Kasi simula noong malaman ko na nagsisinungaling siya sa atin nagkaroon ng pagdududa ang puso ko. Kasi kung tinuring niya tayong kaibigan kahit minsan lang di niya magagawang magsinungaling at itago ang totoong pagkatao niya satin!" umiiyak na sabi ko kaya naman niyakap ako ni chloe

"Shhh.. Tahan na Lia. Bukas. Bukas malalaman natin ang sagot sa lahat ng tanong natin" pag-aalo ni chloe .

"Sana nga. Sana nga chloe" sabi ko

Sana nga masagot na ang lahat ng mga tanong na gumugulo sa isip namin bukas.

AKISHA'S POV

Pagkaalis ni lia ay agad akong humarap sa salamin. Hinawakan ko ang mukha ko.

Bukas babalik na ko sa dati. Sa totoong ako. Di ko na kailangan pang magpanggap. Bukas ang tamang oras para ibunyag sa lahat ang totoong Akisha Raven Scott.

Simula bukas mas lalong gugulo ang lahat. Mas maraming dadanak na dugo. Mas maraming buhay ang mawawala. Mas maraming masasaktan.

ASH'S POV

NGAYON na ang grand ball. Kasama ko sila brent dito sa tambayan. Dito namin naisipan na magkita-kita para sabay-sabay na kaming pumunta doon sa hall. Kanina pa kami naghihintay dito pero wala parin yung mga babae. Bakit kaya ang tatagal mag-ayos ng mga babae? Masyado silang nagpapaganda. Pero di rin naman sila napapansin ng mga taong gusto nilang pumansin sa kanila. Nagsasayang lang sila ng effort.

Maya-maya ay bumukas ang pinto at bumungad samin si Lia at chloe. Napanganga naman yung dalawang katabi ko. Aaminin ko mas lalong gumanda sa ayos nila.

Mabilis na lumapit si Troy kay chloe at hinapit ito sa bewang na kinapula naman ng mukha ni chloe. Teka. Parang may kulang? Tama si akisha di nila kasama.

"Nasan si akisha? Bakit di niyo siya kasama?" tanong ko

"Sabi ni Raven mauna na lang daw tayo. Doon na lang daw niya tayo kikitain sa party" sabi ni lia

Napatango naman ako. Sinuot na namin ang mga maskara namin at lumabas na kami papunta sa hall. Pagkadating namin doon sa party ay naglakad kami sa red carpet. Nakita naming napapalingon halos lahat sa direksyon namin.

Magisch Academy: The Heartless PrincessDove le storie prendono vita. Scoprilo ora