Kabanat 4

0 0 0
                                    

Magkaiba

Nang matapos ang bakasyon ay pasukan nauli kaya kaming dalawa ni Chantal ay nag aayos na.

“Ate makakasama mo ba sina ate Sam at ate Alexa?” sabi nya nang nag aayos ng baunan.

“Oo naman bakit mo na tanong?” tanong ko sa kanya habang nag-aayos ng neck tie.

“Wala lang ay ate nasa kwarto mo yung yearly check up mo di ko pa nababasa eh.” Sabi nya.

“Ahh sige kukunin ko na mamaya.”sabi ko sa kanya.

Nang matapos na ako ay pumunta ako sa kwarto para saglitin iyon at nang kinuha ko ito ay napaluha  na lamang ako. Bakit ganun? Kaya pinunit ko ito at tinapon na lang ito.
Habang naghihintay ako ng bus ay may pumarada sa harap ko na magarbong kotse kaya tinignan ko ng maigi kung sino ang nasa loob nuon at nagulat ako na si Zander pala iyon.

“Hi naghihintay ka?” tanong nya nang naibaba na yung bintana ng kotse nya.

“Ahm.. oo eh ng bus” saad ko sa kanya.

“Tara sakay ka nalang dito tutal duon din naman ang tungo ko ehh.” Sabi nya sakin habang binubuksan ang pintuan.

“Ah.. sige, salamat” pasasalamat ko sa kanya.

Umabot din ng 30 minuto ang pag byahe patungo ng paaralan ng nasa parking lot na kami ay nakita ko ang logo at ang pangalan ng eskwelahan.
Nang makababa ako ay nagpasalamat ako sa kanya at sinabi nya sakin na may event na mangyayari mamaya kaya dapat daw ay nanduon ako kaya sumang ayon ako sa sinasasabi nya.
Pumunta muna ako ng office at binigay sakin kung ano ang schedule ko at sinabi rin na sa fifth floor ang room ko.kaya umalis na ako para makapagsimula na nang maglakad ako ay nagandahan ako sa ka high-tech ng school puro lahat ay mayayaman na kabatang katulad ko may mga grupo at mga sikat. Nang marinig ko ang cellphone ko na tumutunog ay kinuha ko ito at sinagot.

“Hello?” tanong ko.

“Chan nasan ka naba?” tanong ni Sam.

“Nandito ako sa corridor hinhanap ko ang room ko” sabi ko sa kanya.

“Wag ka munang pumunta ng room dumertso ka sa canteen nandito kami tsaka tinignan ko sa office yang sched mo magkaparehas lang tayo ni Alexa.” Pahayag nya.

“Ganun? Sige” sabi ko habang patungo na nang canteen sa pamamabilis ko ay may na bangga akong grupo ng mga babae kaya napatingin ako sa kanila.

“What the!” sigaw ng babaeng na bangga ko.

“Sorry” hingi ko ng paumanhin sa kanya o sa kanila.

“I don’t need your apology! who are you, where you came from!?” pasigaw na tanong nya.

“Sorry pero kailangan ko na pong umalis nagmamadali na ako” saad ko sa kanila.

“No dear we’re not yet done” sabi nung isang babae.

“You’re right Anika.”sabi nya sa babaeng nakupo sa gilid ko.

“Chloe just make it faster we’ll watch Zander on stage.”tugon ng babae.

“Ok, But hey girl I will be the mess of your life” banta nya sakin at tinulak ako paatras.

Yumuko na lang ako at pinagsawalang bahala na lamang iyon at nagmadali na lamang papunta sa canteen.

“Oh tagal mo naman”sabi ni Sam

“Oo nga girl”sabi naman ni Alexa na uminom ng apple juice.

“Pasensya na may nangyari lang” sabi ko.

“It’s ok but we need to go we’ll support Zander they have a new song. Let’s go” sabi ni Alexa

“Sige” sabi ni Sam.

Kaya sumunod na lang ako nang makapunta kami sa harap ng stage ay nag-aayos na ng instruments yung mga kabanda  ni Zander. Nang  lumabas na sya ay hinanap nya sina Sam kaya nang Makita nya kami ay ngumiti sya kaya ang mga kababaihan ay humiyaw sa kanya.

“This song that I wrote is for the girl I want and she’s here so yeah I want her to know that this song is dedicated to her.” Pahayag nya sa lahat.

“Di ko na isip na darating pa ang isang tulad mo saking pag iisa at ngayo’y buhay ko ay nagbago ito’y dahil sayo.. At nasabi kong na di na iibig pa...
Ikaw pala ang hanap ko ang nais ko ang hinihintay ng puso ko tunay nga kung sya ang kapalaran mo darating sa buhay mo..
Ikaw pala ang langit ng pag-ibig kong binuhay mo ang puso ko sana kalian ma’y hindi mag babago…”

Kanta nya na lahat ang nakikinig iba naman ay naluluha at sumisigaw kaya nang naisipan ko na umalis roon at maghanap muna ng makakain ay nagpaalam na ako sa kabilang banda ay nakita ko rin yung mga babaeng nabangga ko na humiyaw.
Siguro ganun nga talaga na magkaiba ang mundong ginagalawan k okay Zander at sa mga kaibigan ko pati na rin sa mga estudyanteng na rito.
Mahirap lalo na at may sakit ako na wala nang lunas kaya hindi ko na alam at ayoko rin sabihin sa iba ang tungkol duon lalo na sa pamilya ko.
Nang makarating ako ng canteen ay humanap na ako ng makakin at pati na rin ang upuan wala masyadong tao rito dahil na rin siguro sa event na meron kaya halos lahat ay naroroon.

Gusto ko sanang ikaw langWhere stories live. Discover now