Chapter 10: Epilogue

25.3K 484 41
                                    

"Daddy Finger, Daddy Finger, where are you? Here I am, Here I am. How do you do?" Nagising ako mula sa tinig ng anim na taon gulang kong anak na si Ravioli.

Napangiti ako ng lumapit ito sa akin at hagkan ang pisngi ko. Bigla ko naman naalala ang itsura at ang suot ko. Nakahinga ako ng maluwag na nakabihis na pala ako.

Napatingin din ako sa orasan at alas kwatro na pala. Ang siesta kasi namin ni Hutch ay nauwi sa mainit na kaganapan.

"Ravioli!" Sabi ko dito sabay halik sa tungki ng ilong nito. Natawa naman ito sa ginawa ko.

Nag-aya pumunta ang aking anak sa Garden dahil nandun daw ang ama at ang lolo nito na nagmemerienda.

After 15 years ay nagkabati na nga talaga ang mag-ama. Mahirap man sa umpisa pero sa huli ay naayos din. Sa ika-anim na taon kasi namin ni Hutch bilang magasawa ay siya ding panahon kung saan nanghina ang ina nito. Naging tanging kahilingan nito kay Hutch ay patawarin ang ama kaya nang nabawian ito ng buhay ay naging malungkot si Hutch at naging kaagapay nito si Kuya Hugo. Kahit tinataboy ito ni Hutch sa una hindi pa rin sumuko si Kuya Hugo na suyuin ito at punan ang pagkukulang nito bilang tatay. Habang tumatagal din ay natutunan nito na patawarin ang ama.

Sa loob ng labinglima na taon ay napakadami na talagang nangyari sa buhay namin ni Hutch. Nakakatuwa din isipin sa 15 years namin kasal ay hindi pa rin nawawala o nababawasan ang pagkahumaling namin sa isa't-isa. We our happy with our two kids and a mind-blowing sex life.

"Ravioli, come to Lolo." Sabi ni Kuya Hugo sa aking anak. Pinili ni Kuya Hugo na tawagin siyang Lolo ni Ravioli kaysa sa tito. Kahit legal na kasal na nga ito kay ate ay ito ang nagsuhestiyon na lolo ang itawag sa kaniya ng aming mga anak ni Hutch.

Hindi na rin kasi nabiyayaan ng anak si Kuya Hugo at Ate kaya naman ay nagaalaga na lang ang mga ito ng iba't-ibang breed ng aso. Ito ang nagsisilbing babies ng mga ito.

"Sugar." Bati sa akin ni Hutch at hinalikan ako sa mga labi.

"Look at them, ang cute cute nila." Pansin ko sa maglolo na naglalaro na ngayon.

"Yes, I remembered my childhood because of Ravioli." Natawa naman si Hutch sa naalala niya. Kamukha kasi nito ang anak na lalaki samantalang kamukha ko naman ang anak namin babae na si Ziti.

"Mom, Dad!" Napalingon naman kami ni Hutch sa kakadating na si Ziti.

"Sweetie." Halik ko sa aming anak. Nakipagbeso naman ito sa amin dalawa ni Hutch.

"How's school, Sweetie?" Tanong ni Hutch dito.

"Fine, daddy." Sagot nito na puno ng sigla.

"Kasama mo ba si Sevan, anak?" Tanong ko naman dito. Lagi kasi nitong kasama ang bestfriend nitong si Sevan na anak ni Thatcher at Anise.

"Yes, uhmm mommy aalis po pala ako mamaya." Pagpapaalam nito sa akin. Bigla naman umatake ang mother instinct ko.

"So—sino ang kasama mo, sweetie?" Tanong ko dito.

"Si Sevan po mommy. May gagawin po kaming project." Hindi ako makumbinsi sa sinasabi ng anak ko kaya tumaas ang isa kong kilay.

"Are you sure, Ziti?" Tanong ni Hutch sa anak.

"Ziti, Project or pupunta na naman kayo ni Sevan sa arcade?" Tanong ko dito. Alam ko na magbest friend ito at si Sevan. Magkasabay din kasi ang dalawa na ipinanganak kaya minsan ay napagkakamalan kambal ang anak at ang anak ni Anise.

"Ma'am, sorry. Sa-sa arcade po talaga and bibisitahin din po namin si Gwyneth but I promise po uuwi po kami ni Sevan ng maaga." Dirediretso na paliwanag ni Ziti.

Libidinous Series 10: Hutch Leif WechslerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon