Chapter 4

23.5K 470 20
                                    

"Here are the files you need. Complete yan lahat. Mula sa slambook niya hanggang sa resume." Gui handed me the files that I need at last malalaman ko na rin kung sino siya.

"Thanks bud." Sabi niya dito.

"Dimwit! It takes time to know who she is. Ipahanap mo ba naman ang taong hindi mo man lang alam ang pangalan yet thanks for the detailed description of her facial features may nagmatch." Sabi ni Gui sa akin.

"Don't worry bud, Sagot ko na ang tatlong batang pascholar mo hanggang college." Hiningi kasing kabayaran ni Gui na sagutin ko na lang daw ang gastos ng tatlong ischolar niya.

"Yeah. Anyways, She looks so pretty so I wonder why kung ano ang kailangan mo sa kaniya." Sabi nito sa akin.

"Sabihin na lang natin na may utang siya sa akin." Sabi niya sa kaibigan pero napailing iling na lang ito sa kaniya.

"If our friends will find out about this for sure tutuksuhin ka nila. also, I'm not convinced na may utang ang babaeng yan sayo financially but in other ways baka maniwala ako." Natatawang pahayag nito.

"Speaking of other ways akin na lang yun." Sabi niya kay Gui. Tumunog naman ang ring tone ng phone nito kaya agad nitong sinagot.

"I gotta go now Hutch hinahanap na ako ni Rox. Goodluck with your love journey." Natatawa nga itong lumabas sa opisina ko. Pagkaalis na pagkaalis nito ay binuklat ko na ang folder na binigay ni Gui.

Tama nga ito nandito ang slambook nito pati na rin ang resume.

Tahira Hetty Masipag.

Natuwa naman siya sa pangalan nito. Mukhang masipag nga ito dahil sa dami ng sideline na trabaho nito. Napagalaman niya na librarian ito sa umaga at tutor sa gabi. Sumasideline din ito minsan bilang cashier at barista sa isang coffee shop.

Natutuwa din siya sa nakita niyang achievement nito mula nung gradeschool ito hanggang college.

"Shit! I act like a stalker here." Sabi niya sa sarili kaya naman ay inayos na niya ang mga nakakalat na papel. Tamang tama at may kumatok sa pinto niya kaya agad niya iniitsa sa drawer ang folder.

"Frida, may problema ba?" Tanong niya sa pinsang si Frida. Nakangiti ito sa kaniya.

"Mukhang ikaw ang may problema diyan. Mukha kang nakakita ng multo. Anyways, may operation ka mamaya so get ready. Yun lang naman." Sabi ni Frida sa kaniya at umalis na rin ito.

Napatingin naman siya sa mga nalaglag na papel pati na ang mga picture at pumukaw sa kaniya ang isang picture ni Hetty kasama ang mga kaibigan niyo na nasa beach naka rashguard lang ito at black na swim shorts pero agad ako nakaramdam ng pangiinit.

"Fuck! Fuck! Shit!" He just feel his buddy awakens because of the photo. Damn! She looks innocent with that photo but it triggers his libido.

Itinago na nga muli niya ang picture sa drawer bago pa siya makaisip ng kung ano.

"Why are you making me hard like this Hetty? F*ck!" Hindi na siya nakatiis at may tinawagan sa phone niya.

—-
"Girl! Hindi ka pa ba napapagod? Pagkatapos na pagkatapos mo sa duty mo sa library. Heto ka ngayon kaharap ang brewing machine." Puna ni Kara sa akin. Sinamahan kasi ako nito sa shift ko sa coffee shop buti na lang at wala pa masyadong tao kaya naman malaya itong nakikipagdaldalan sakin.

"Alam mo naman na magpapasko at kailangan kong kumayod para sa mga bata." pagpapaliwanag niya sa kaibigan. Tuwing magpapasko kasi ay umuuwi siya sa probinsya nila para maging volunteer sa mga batang ulila.

"Tunay ka ngang isang masipag! Kung ganon hindi na kita aawayin diyan ikiss mo na lang ako sa mga bajetz kapag nagpunta ka ha. You know naman i'm on my vacay with my boyfie." Maarteng humigop pa si Kara ng iniinom na frappe. In love kasi ito kaya naman hinahayaan niya na lang.

Libidinous Series 10: Hutch Leif WechslerWhere stories live. Discover now