Napabuga ako ng hangin. I must stop. I shouldn't go to church because of Eli. That is a very wrong reason to attend church.

Pero kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko, kusang hinanap ng mga mata ko si Eli at hindi naman ako nabigo dahil nakita kong kausap niya ang ilang lalaking youth sa simbahan. When he sees me, he immediately smiles and bids his friends goodbye before he walks towards me.

"Si Tita?" he asks and roams his gaze around. Nang makita niya si Tita Clara ay agad siyang bumati rito.

Napabuga ako ng hangin at pinakiramdaman ang puso kong maingay na dahil sa kaba.

"Cyra, kumusta?" One girl churchmate approaches me and I smile at her.

Lumipas ang service. Nakita ko na rin ang mommy at daddy ni Eli pati na ang kapatid niyang si Enoch. Tita Clara talked to them, too.

During the service, sa tabi ko umupo si Eli at tahimik na nakinig sa preaching. Hindi ko nga lang mapigilang pagmasdan ang maliliit na mga ginagawa niya tulad ng pagtaas-baba ng paa niya sa sahig, ang pagtingin niya sa inilahad niyang palad, at ang paglingon niya sa kung saan.

Gusto ko nang umuwi pero parang ayaw ko rin. 'Yan ang naglalaro sa utak ko sa mga nahuling sandali. I want to be with him a little bit longer kahit hindi naman kami masyadong nakapag-usap, pero ayaw ko rin dahil alam kong ipapahamak ako ng sarili ko.

But Tita Clara makes the choice for me. We have lunch with his family after the service.

We eat at a restaurant inside a mall. Magkatabi kami ni Eli sa pabilog na mesa at nasa kaliwa ko si Tita Clara who's beside Tita Nichola, Eli's Mom.

I'm pouting while playing with my food. Patapos na kasi ako at pasimple lang na nakikinig sa pag-uusap nina Tita Clara, Tita Nichola, at Tito Earvin, Eli's dad. Pinakikita kong nakikinig ako sa pag-uusap nila para hindi muna ako kausapin ni Eli. Hindi ko pa rin kasi kayang harapin siya ngayon dahil pakiramdam ko ay masyado nang halata ang mga kilos ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito.

Normally, I wouldn't make my feelings appear too obvious because I hate being awkward around Eli. Pero hindi ko yata kayang ignorahin si Eli dahil nagsimula siyang maglagay ng broccoli sa plato ko galing sa beef broccoli na in-order namin.

Napatingin ako sa kaniya. He's pouting while putting the vegetable on my plate. Kinunotan ko kaagad siya ng noo.

"If you don't like it, don't take it," pabulong na sita ko sa kaniya. "Stop putting it on my plate."

He hates broccoli. Sa lahat ng mga gulay, 'yon ang pinakaayaw niya. Okay lang naman sa 'kin kung sa 'kin niya ipapasa 'yon because I am really not picky with food.

"I don't like it but it's healthy, you know." Pagkatapos maglagay ng panlimang broccoli sa plato ko ay nilingon niya 'ko, may cute na namang ngiti sa mga labi niya. "You must be healthy." He winks playfuly at halatang nagloloko na naman sa 'kin.

Pinanlisikan ko siya ng mga mata. "Yeah, right," I mock. "Ang sabihin mo, hindi mo talaga gusto ang lasa at nanghihinayang ka kaya sa 'kin mo ipapaubos."

His eyes twinkle with amusement and his playful smile grows wider. "How did you know?" tanong niya sabay tawa.

Nakahinga ako nang maluwag dahil do'n. The awkwardness I was feeling starts to subside at sa wakas ay malaya ko nang nakausap si Eli.

Enoch would sometimes join our conversation as well. Pa-graduate na si Enoch ng junior high school at nagbabalak na sumunod sa TU para sa senior high school. Sa ibang school kasi siya naka-enroll ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit pinaghiwalay pa silang dalawa ni Eli.

Typical Heartbreaker (Heartbreakers Series #1)Where stories live. Discover now