Chapter 1

14 3 0
                                        

Starine Bryx Piere

"Good Morning, President Piere!", tumatakbong lumapit siya sakin nang makita ako.


"Morning, Calix. May kailangan ka ba?" 


"Wala naman, Pres.! Gusto ko lang sabihin na nilagay ko na sa table mo sa SC room yung mga kinolektang suggestions para sa event next month.", nakangiting sabi niya.


"Ah sige, salamat.", nginitian ko siya.

Nauna akong umalis at pumunta sa SC room.


Ako nga pala si Starine Bryx Piere. Part ako ng student council ng Jang Academy. Ako ang president at si Calix naman ang vice president.


Magkakaroon ng event next month dito sa school namin kaya kailangan na naming paghandaan.


Movie Booth, Cafe, Marriage Booth, Battle of the Bands, Jail Booth


Napahawak ako sa noo ko ng mabasa ulit tong mga to. Every year puro ganito ang mga suggestion na natatanggap ko. 


"Oh pres., buti andito ka pa? Magsisimula na first subject." 


Napatingin ako sa pumasok. Ang secretary ng SC, Si Megu.


"Baka mag skip na ko, tatapusin ko na muna 'to."


Tumango nalang siya habang nakangiti at umalis na matapos niyang iwan yung iba niyang gamit sa table niya. May table ang lahat ng members ng SC dito sa room. 


Excused naman ako kahit mag skip ako dahil bilang president dito,  madami talagang ginagawa. Lalo na ngayon at may event na gaganapin.


Nagsimula na ko ulit mamili ng mga pwedeng gawin sa event.


Bata palang ulila na ko at dito lang ako nakatira sa dorm nitong academy kaya sa school napupunta lahat ng oras ko. 


Tuloy tuloy lang ako sa ginagawa ko nang mapagod ako. Pupunta nalang ako sa rooftop para tumambay.


Malaki ang academy kaya magandang tumambay dito, wala pa masyadong araw at mahangin.


Pumikit ako at sinalubong ang hangin.


Gusto niyo bang malaman ang sikreto ko?


Hindi ko na gusto dito.


Buong buhay ko palaging ibang tao ang iniisip ko. Gusto kong bigyan ng oras ang sarili ko.


Gusto kong mapunta sa ibang lugar. Sa lugar na magpapasaya sakin.


Kaso malabong mangyare yun. Para akong humihingi ng milagro. 


Natawa nalang ako sa sarili kong kalokohan.

Fairy Academy: The Chosen HumanHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora