That's the girl from yesterday. That Mara.

Mukhang napansin ni Chester na natigilan ako kaya napalingon din siya sa tinitingnan ko.

Sumipol si Chester at mabilis na tumayo nang makita rin si Eli na nasa bukana ng klase. Patakbo pang lumapit si Chester do'n habang hawak pa rin ang hiniram na papel galing sa 'kin at binati si Mara na bumati naman sa kaniya pabalik. Nagpakilala si Mara sa kaniya at gano'n din naman si Chester.

I sigh before I try to read my reviewers again. I must study. Kapag ibinagsak ko ang quiz na 'to, mahirap bawiin.

Hindi sila nagtagal do'n. Mabilis na nakabalik si Chester na naupo kaagad sa tabi ko. Narinig ko ang mura ni Eli.

"D'yan ako nakaupo!" sita niya kay Chester.

Pangalawa kami sa row mula sa dulo ng klase, kaliwang aisle. Ako ang nakaupo sa tabi ng pader at si Eli dapat ang katabi ko. Si Chester, dapat, sa harap ko siya nakaupo pero inokupa niya ang upuan ni Eli ngayon dahil nanghiram siya ng reviewer.

"Eli, ako muna rito! Magaling ka sa calculus kaya kaya mong pumasa!" sabi ni Chester.

Minura ulit ni Eli si Chester at sinubukang hatakin ang braso nito, but Chester immediately hugged my arm. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Isang mura pa ang pinakawalan ni Eli, nakasimangot na dahil napipikon na kay Chester.

Sa huli, Chester goes back to his seat dahil hindi naman pumapayag ang teacher namin na umalis ang mga estudyante sa kani-kanilang mga upuan. Isa kasi ang klase namin sa calculus ang kailangan ng proper seat.

Eli comfortably sits beside me. I don't greet him. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Wala akong mabuong mga salita sa utak ko at kapag nagsalita ako, I will surely stutter kaya 'wag na lang. Handa naman kasi ako kanina...pero sumulpot si Mara kaya nawala na ang lahat ng hinanda ko.

"Nag-review ka?" kaswal na tanong ni Eli sa 'kin habang nakahilig siya sa gawi ko. Nakatukod ang siko niya sa arm chair ko at nakatingin sa mga papel na nasa harapan ko.

"Yup."

"Pakopya." He grins at me.

Walang emosyon ko siyang tinitigan at kaagad siyang napahalakhak.

Maagang na-dismiss ang klase dahil quiz lang ang ipinagawa. Panay ang text ni Eli sa phone niya habang nakaupo pa rin sa upuan niya while Chester, on the other hand, is looking at us.

"Kain tayo," ani Chester habang ibinababa ang yellow paper na pinagsulatan niya ng sagot sa quiz kanina.

I got the second highest score. Si Eli ang una. Si Chester ay nasa mga panlima.

Inangat ni Eli ang tingin niya kay Chester at tumango.

"Ikaw, Cy?"

Tumango ako at nagligpit na rin ng mga gamit.

I don't have any girl best friends dahil wala akong maka-close nang katulad ng pagka-close ko kina Chester at Eli. Karamihan din kasi ng mga babaeng nakikipagkaibigan sa akin, nagugustuhan si Eli that sometimes I feel that they are just friendly with me because I am close with him.

Panay pa rin ang text ni Eli sa phone niya kahit kumakain na kami kaya ako ang dinadaldal ni Chester na in-entertain ko naman dahil ayaw kong panoorin lang si Eli sa pagti-text niya kay Mara. Maaga kaming natapos kumain. Matagal pa ang next class pero naglakad na kami pabalik sa classroom dahil mas malamig do'n.

Inakbayan ni Eli si Chester nang ilang sandali niyang maalis ang tingin sa phone at may ibinulong dito. Tumango si Chester at tiningnan lang ang likod ni Eli na nagja-jog na palayo.

I look at Chester who also looks at me.

"Where is he going?"

Ngumisi si Chester sa 'kin bago sumabay sa paglalakad ko. "Monkey business." He laughs, but don't find any humor in it.

Chester sees my dark expression at medyo napangiwi siya. "Let him be, Cy. Maglalaro lang sandali." He ruffles my hair. "And the girl wants it anyway." Napatawa si Chester. "I mean, she knows he's a player. She brought herself to her own grave."

Napailing ako. What's new, anyway? Eli's an expert at this.

"Babalik din 'yon after break. You know that he hates skipping classes."

I bite my lip as a thought passes through my mind. It is very evil of me to wish that Eli would finally break Mara's heart so all of this would finally end.

Masama ka naman talaga, Cyra. Ilang beses mo na bang hiniling 'yan sa lahat ng babaeng nakarelasyon ni Eli?

Kaya naman mas lalo lang akong nawala sa mood nang bumalik kami sa klase. Chester tries to cheer me up, pero sa huli, nang ma-realize niyang puro irap lang naman ang maibibigay ko sa kaniya, naglaro na lang siya sa phone niya.

True to what Chester said, bumalik na si Eli sa classroom nang ilang minuto na lang ang natitira bago ang susunod na klase, nakakunot ang noo at mukhang masama ang disposisyon.

Kinundisyon ko na ang sarili ko kanina na hindi ko papansinin si Eli kahit ano pa ang mangyari dahil hindi ko kayang makipagplastikan sa kaniya. But his irritated state breaks my weak wall of ice.

Nakadikit kaagad sa kaniya ang nagtatanong kong mga mata.

Then I notice his collar. Magulo at wala sa ayos. Ang mga butones din ng uniform niya sa bandang leeg ay magulo. I purse my lips in a thin line before I try to look at his slightly red lips. Parang may kaunting bakas ng lipstick sa gilid ng mga labi niya pero napahiran na at nabura.

Natahimik ako at nakaramdam ng paninikip sa dibdib ko. Napahugot ako ng hininga at napapikit.

I am the jealous type. At alam kong gusto ko si Eli. Matagal na. Kaya kahit na alam ko naman na mapaglaro lang talaga siya, hindi ko pa rin maiwasang masaktan.

I am the territorial type. Pero aanhin ko 'yon kung hindi ko naman siya teritoryo? I want to grab Mara's hair pero alam ko namang sa huli, pati ako ay tatanungin ko ang sarili ko kung bakit ko ginawa 'yon at kung ano ang karapatan kong gawin 'yon.

Kaibigan lang naman ako.

"Eli, bakit ka badtrip?" tanong ni Chester, natatawa nang mapansin ang masamang disposisyon ni Eli.

Hindi ko tiningnan si Eli. Instead, I stare at my phone and try to answer a chat from Lester that I received this morning.

I just need to get my mind off from this. From Eli. Masyado kasing sumisikip ang dibdib ko.

Lester de Ayala:
Hey. 'Sup?

Cyra Lim:
I'm good.
Ikaw?

Lester is not online kaya naman inabala ko na lang ang sarili ko sa pagba-browse sa Facebook. Hindi ko na pinansin pa ang pag-uusap nina Eli at Chester.

When our teacher arrives, we immediately sit properly on our original seats. Itinago ko na ang phone ko at inilabas ang libro para sa subject na 'yon. Natigilan lang ako nang nang lumingon ako sa bag ko ay naabutan kong nakatitig sa akin si Eli.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "What?" tanong ko.

"Sungit." Umirap si Eli sa akin at kinunotan ko naman siya ng noo.

Lumingon si Chester sa row namin, nag-e-effort na kausapin si Eli. "Eli, I know someone who's different from Mara."

Napakunot ang noo ko. Ano ang problema ni Mara? Bakit parang naghahanap ng ibang mairereto 'tong si Chester?

Tumango si Eli, bahagyang sumusulyap sa 'kin. "Let's talk later," sabi niya kay Chester pero nasa 'kin ang tingin.

"Ano 'yon?" tanong ko kay Eli pero nginisian niya lang ako at sinenyasang tumahimik dahil may teacher na kami.

Agad kong inirapan si Eli at nakaramdam ng iritasyon. Pakiramdam ko, kapag hindi pa ako nakapagtimpi ay masasabunutan ko na 'tong si Eli.

Typical Heartbreaker (Heartbreakers Series #1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα