Chapter 2: Accidentally

ابدأ من البداية
                                    

Paano ko nasabi?

Well, napansin ko lang 'yung mga ilang tao dito sa lobby especially mga girls, mga nakasuot ng branded bags and shoes. Paano ko nalaman?

Nasabi ko ba sa inyo, mahilig po ako sa fashion. Pangarap ko maging designer! :)

Pagkatapos kinausap ni So Ri 'yung receptionist, sumakay na kami sa elevator. 'Yung mga gamit namin susunod na rin daw. Pinindot ni So Ri 'yung 14th floor.

Maya-maya nagbukas na 'yung elevator. Nauna lumabas si So Ri habang nakasunod lang kaming tatlo.

Tumigil si So Ri sa isang pinto na maya nakalagay na 14-H. 'Yun ang name ng unit niya. Malamang naman. :P

"Here we are." Sabi ni So Ri.

May pinindot siya tapos ipinatong niya 'yung hintuturo niya sa fingerprint scanner. At voila! Nagbukas ang mahiwagang pintuan.

"Taray!" Sabi ni Gene.

Ang taray nga! Grabe sa TV ko lang napapanood 'yung mga ganito eh.

"Mukhang kumbinsido na ko na manager nga si So Ri ng EXO ah." Bulong ni Tin.

"Oo nga buddy. Take note pintuan pa lang 'to." Sabi ko. Yes, FYI buddy po ang tawagan naming magkakaibigan.

"Paano pa kaya 'yung loob diba?" Sabi ni Gene.

Tapos nagtawanan kaming tatlo.

"Girls, what are you still doing there, get inside na." Aya ni So Ri.

Sorry naman. Namangha kami masyado sa pintuan. XD

Wala kasi ganun sa Pinas. Door knob lang, keri na. :P

At pumasok na nga kami.

Wah Kim So Ri! You owe us that long story!

Wait, parang magka-rhyme? :P

▪▪▪

~Tin's POV~

It was indeed a long story.

Sa haba ng kwentuhan namin, di na namin namalayan na mag-gagabi na.

Grabe lang talaga 'yung nangyari kay So Ri. Ang suwerte niya!

Dahil lang sa isa niyang old friend nakapasok siya sa SM Entertainment. Akala niya pagiging isang ordinayong staff lang ang pinagapplayan niya pero nawindang siya nang inalok siya na maging manager ng isang KPop group na malapit na mag-debut and that is EXO. Nung una ayaw niya dahil alam niya hindi madali ang trabahong iyon and it's very complicated dahil siyempre kapag manager ka, kung saan ang mga alaga mo, doon ka. At tska mahiyain siyang tao.

Pero kinumbinsi siya ng old friend niya na iyon. Kahit nga ang parents at kapatid niya sabi sa kanya na wala naman mawawala kung susubukan niya. Kaya ayun, she grabbed the opportunity! Masaya nga siya at wala siyang pinagsisihan na isa siyang manager ng EXO dahil mababait naman daw sila at magaling makisama.

Naman noh! Agree ako diyan. Dahil bukod sa gwapo pa sila eh talented pa. Kaya nga mahal na mahal ko nga yang grupo na yan eh.

"Ui Tin! Nagri-ring ang phone mo." Sabi ni Lala.

Napasarap kasi kwentuhan namin kay Sori kaya di ko napansin na may tumatawag pala sa akin. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at chineck kung sino ang tumatawag.

Si Ate pala.

"Wait lang guys ha, si Ate tumatawag, sagutin ko lang." Sabi ko at tumayo papunta sa pinto.

"Huy Tin! Bakit ka pa lalabas? Dito ka na!" Sigaw ni Gene.

"Eh ang ingay niyo kaya baka di ka magkarinigan ni Ate." Sabi ko.

BIAS KO, IN LOVE SA'YO? ANYARE?! ( TAGLISH EXO Fan Fiction)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن