“Pangako, Riva. Ipaglalaban kita,” sabi ko sa kaniya.

Ngayon ay hinihiling kong sana’y hindi namin pinairal ang kapusukan at kuryosidad. Ako ang lalaki ngunit hindi ko pinigilan ang sarili. Mula nang magsugpong ang aming mga labi, nasira ko na ang iniingatan kong tiwala ng magulang ni Riva. Anong klaseng nobyo ako? Bakit ako nagpadala sa nangyari?

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa pag-iisip.

Nagising ako dahil sa ingay ng motorsiklo mula sa labas ng aming bahay. Kinapa ko ang katabi kong kama at wala na si Riva doon. Tumingin ako sa orasan sa tabi ng kama ko at alas singko na pala ng hapon. Halos tatlong oras na ang nakalipas mula nang gawin namin iyon.

Nagbihis muna ako bago bumaba ng bahay at naabutan ko doon ang aking ama’t-ina na nanonood sa sala.

“Ang tagal ng tulog mo anak,” bungad ni Daddy sa akin.

“Nasaan ho si Riva?” tanong ko sa kaniya.

“Aba! Sinundo na ng kaniyang driver,” wika naman ni Mommy. “Hindi ka pa ba nasanay kay Andrea at Kristoff? Gano’n talaga sila mag-alaga ng kanilang anak.”

“Anong oras na at hindi ka pa kumakain,” sabi pa ni Daddy.

“Umupo ka muna dito at ipaghahanda kita ng tanghalian. Mukhang pagod na pagod ka,” wika ni Mommy na nagpakaba sa akin.

Sa taas ang kuwarto ko. Posible bang narinig nila ang ginawa namin kanina? Nakngtokwa, h’wag naman sana. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kapag nagkataon.

“Son,” tawag ni Dad kaya lumingon ako sa kaniya.

“Yes, Dad?” sagot ko sa kaniya.

“I heard, you, along with your teammates, joined the inter-school basketball tournament?” tanong niya sa akin.

“Yeah,” simpleng sagot ko. Dumating si Mommy saka inilapag ang kakainin ko. Late lunch. “I’ll play as the Team Captain of the team. The prices are all good so we decided to join. Payag naman na ang admin at si coach na rin mismo ang naglapit no’n sa sports committee ng school.”

“Good,” sabi niya pa. “Make sure na hindi mo pababayaan ang studies mo,” dagdag pa niya.

“Oo naman po,” wika ko saka sumubo na.

Minadali ko ang aking pagkain para simulan na ang output na ip-pass ko bukas. Tahimik lang sa bahay mula nang kumain ako at nagsimulang gumawa ng output. Alas otso na ng gabi nang bumukas ang aking kuwarto at nakita si Mommy na pumasok doon na may dalang sandwich at juice.

“Tapos ka na?” tanong niya sa akin saka sinilip ang ginagawa ko.

“I’m almost done, Mom,” sagot ko.

“Good, h’wag ka masyadong magpupuyat,” paalala niya sa akin saka lumabas na.

Pasado alas nuwebe ko natapos ang aking ginagawa. Bumaba ako para idala sa kusina ang tray at baso na ginamit ko nang makita ko ang picture naming dalawa ni Riva na nakapatong sa lamesa sa tabi ng TV. Bumalik na naman sa isip ko ang nangyari sa aming dalawa.

Nakngtokwa, nabastos ko siya ng todo.

Pagkabalik ko sa kuwarto ay tinawagan ko si Riva through video call. Wala talagang kupas sa ganda ang girlfriend ko. No wonder she’s the reigning face of the school.

“Babe!” tawag ko sa kaniya nang nakangiti. Pansamatala kong kinalimutan kung anong nangyari. Past is past. Nangyari na at wala na akong magagawa ro’n.

“Vein,” nakangiting tawag niya sa akin. “Pasensiya na at hindi ako nakapag-paalam sa’yo kaninang umalis ako sa bahay ninyo. Hinihintay na kasi ako nila Brandon sa kotse, eh. Pagagalitan ako nila Mommy kapag hindi ako nakauwi ng maaga,” aniya. “Isa pa, tulog na tulog ka kaya hindi na kita ginising,” dagdag niya pa.

Chasing The StarsWhere stories live. Discover now