Chapter II

1.2K 51 3
                                    

"Kailan next game niyo?" tanong ni Riva sa akin mula sa kabilang linya. Hawak ko ang aking telepono at kausap siya dahil ilang araw na ang huli naming pagkikita.

Naging madalas ang pag-uusap namin ni Riva ngunit t'wing may spare time kaming dalawa ay nagkikita pa rin naman kami. I always have time for her, pero siya ay hindi dahil busy siya sa pag-asikaso ng naiwang gawain na kailangan nang ipasa sa teachers niya. Her hardwork and passion in studying made her receive the "Leadership Award" of their batch. She deserve it, anyway.

"Hindi ko alam, wala pang update sa liga. Babalitaan kita kapag mayroon na akong alam sa liga namin," sabi ko sa kaniya.

"Punta ka rito, magdala ka ng manggang hinog," sabi niya sa akin.

"Bakit?" takang tanong ko pa.

"Anong bakit? Ayaw mo ba akong makita?" tanong niya. "May babae ka na siguro?" dagdag pa niya na halatang nainis pa sa sagot ko. Wrong move, Vein.

Sasagot pa sana ako ngunit pinatay na niya ang linya. Sinubukan ko siyang tawagang muli ngunit pinapatay na niya ang linya. Nang sumubok ako sa ikalawang pagkakataon ay cannot be reached na. Pinatay pa yata ang cellphone. Natawa pa ako dahil sa ginawa niya. Napakaselosa.

Masarap sa pakiramdam ang katotohanang nagseselos siya dahil alam kong ipinagdadamot niya ako mula sa sinuman. She wanted me all by herself, where in fact, sa kaniya lang naman talaga ako. Walang ibang nakakuha ng atensiyon ko bukod sa kaniya .

Lumabas ako ng kuwarto at naulinigan ang maingay na mga tao sa kusina. Dala ng kuryosidad, sinilip ko iyon at nakita si Nanay Flordelisa na siyang katulong namin sa bahay, nagbabalik mula sa maikling bakasyon sa kanilang probinsiya.

"Vein, hijo!" bati niya saka kumaway sa akin. Lumapit naman ako saka nagmano.

"Nay," simpleng sagot ko naman. Magkatulong sila ni Mommy na inayos ang mga dalang panlasa ni Nanay Flor.

"Nagdala ako ng hinog na mangga para sa'yo," aniya saka ibinigay ang isang plastic ng ripen mango.

"Salamat po," wika ko. Nang maisip ko si Riva ay minabuti kong magpaalam na para ihatid ang hinog na manggang ito sa kaniya.

"Saan ka pupunta?" tanong ng kapapasok lamang na si Daddy.

"Pupunta ho ako kay Riva. Dadalhin ko ang manggang ito," sabi ko sa kaniya saka nagmano na.

Gano'n rin ang ginawa ko kay Nanay at Mommy bago ako lumabas ng pintuan ng kusina.

"Mag-iingat ka, Vein," paalala ni Nanay.

"Dahan-dahan sa pagmamaneho," wika naman ni Mommy.

"Opo," sabi ko saka patakbong lumabas na ng bahay.

Itinali ko ang mangga saka inilagay iyon sa backpack ko. Sumakay agad ako sa aking Rouser 135 saka mabilis na nagmaneho paalis ng bahay. Hindi ko na inayos ang suot kong stripe black and white t-shirt na tinernohan ng black pants at black rubber shoes.

Hindi mabigat ang daloy ng trapiko kaya mabilis akong nakarating sa bahay nila Riva, tulad ng dati, sinalubong muna ako ng kanilang body guards at inalalayan ng maids papasok ng kanilang bahay. Wala do'n sina Tito Kristoff at tanging ang kanilang mayor doma na si Aling Fely ang naroon.

"Nasaan po si Riva?" tanong ko sa kaniya. Nilingon niya muna ako bago ituro ang magarbong hagdanan.

"Nasa taas," sabi niya saka itinuloy ang pagpupunas ng mga mamahaling pigurin sa living room.

"Salamat po," sabi ko saka pumanhik na papunta sa second floor ng mansiyon ng mga Fuentes.

Dumeretso ako sa pinakadulong bahagi sa kanang bahagi ng second floor saka kinatok ang kuwartong iyon.

Chasing The StarsWhere stories live. Discover now