"Ok" sagot ko

Bakit kaya parang galit si Jackson kay Francisco?

Ayon nga ang ginawa namin ay nalaman naming Vergel Aldrano ang pangalan ng bata at 9 years old lang ito.

Umiiyak ang magulang nito na malamang patay na ang kanilang nawawalang anak, pumunta kami sa Morgue
at nalaman naming tinanggal na ang balang nasa katawan ng bata.

"Maaari ba akong makakita ng mga balang nakita sa katawan niya?" Tanong ni Jackson

"Yes sr" sabi ng lalaki.Wait po sr

--

Maya maya pa ay binigay na nga ng lalaki ang Dalawang bala na naka plastik.

"Ito ang mga bala na natagpuan sa katawan ng bata" sabi ng lalaki

"Kasing laki ng balang katulad ng ginagamit mo sandra" sabi ni Michael.

"Oo nga noh" sagot ko

Napansin kong lalong natahimik si Jackson.May problema kaya siya?

"May problema ba Jackson?" Tanong ko kay Jackson at naglabas siya ng Baril sa kanyang Jacket

"Sayo ito Hindi ba sandra?"

Napatingin ako sa Baril at nakita kong saka marka duon ang Letter "S" katulad ng Baril na kunuha sa akin ni-

Nanlaki Bigla ang mata ko"Huh Baril na yan!Paano mo nakuha?"

"Ang baril na yan ang ginamit sa pagpatay sa Bata" Tiim bagang na sagot niya

"Huh?Pero paanong-"Itutuloy ko pa sana ang pagsasalita pero naalala ko si Francisco at mabilis akong nasaktan saka napailing

"Si Francisco ba? Inulit nanaman ba niya ang Pagpatay ng B-bata?"

"Oo" sagot niya

"Baka naman naitapon niya lang yan doon tapos iba talaga ang pumatay" sabi ni Michael."saka kung siya nga bakit niya itatapon sa lugar kung saan makikita!"

"Isa lang ang dahilan,Siguro para ipakita na kay Sandra na ang sarili mong baril ang ginamit niya para pumaslang ng inosenteng buhay" sabi ni Jackson."Alam ni Francisco na ang baril na gamit mo ay kahit kailan ay hindi pa nakakapaslang ng Inosenteng buhay kaya ginamit niya ito sa pagpaslang ng Inosenteng bata"

Natahimik ako sa sinabi ni Jackson.Tama kasi siya,kahit kailan hindi pa ako pumapatay kahit na may baril ako sa madaling salita ang baril na gamit ko ay hindi pa nakakapaslang bago ito mawala sa akin pero halos masaktan ako ng maisip na ginamit ito pamaslang ni Francisco ang masakit doon ay INOSENTENG Bata iyon na walang kasalanan hindi isang Criminal.at ang isa pang masakit sa akin ay ang isiping Nagawa ni Francisco na pumatay ng Bata na 9 years old!

"Ok lang yan Sandra wala kang dapat ikalungkot.Alam mo nung linggo nagdasal ako sa Diyos sa kanyang Tahanan,Hiniling kong magbigay sya sa akin ng sinyales na muli nating makakaharap si Francisco at naniniwala ako na ito ang sinayles na iyon makakaharap pa natin siya at maibabalik natin siya sa dati" sabi ni Jackson na ngumiti na

"Oo nga Tama si Bestpren!"

"Bakit ba naniniwala kayong mapagbabago ko si Francisco?Nakita niyo naman muntik niya akong patayin at pumaslang siya ng bata" bumigat ang dibdib ko at di na napigilan umiyak

"Dahil kaibigan kita at higit sa lahat Kaibigan din natin ang Diyos" Nakangiting sabi ni Jackson.Nabigla ako sa sinabi niyang iyon Dahil ako nalimutan ko na merong Diyos mula noon pero sapag sabi niya nyon ay para akong nagising. "tutulungan ka niya...tutulungan niya tayo na ilabas ang kabutihan sa puso ni Francisco. "Sabi ni Jackson

Police Story 1:  When a Criminal Fall in Love (Romance Action story)Where stories live. Discover now