Sila ang pumatay sa tatay mo

389 9 0
                                    

Chapter 29

Ilang araw pa ang lumipas at naging kaibigan na nga ni Francisco ang Magkapatid na sila Jericho at Liam,naging mabait ang dalawang ito sa kanya dahil magaan ang loob ng dalawa sa kanya at gusto na nga niya ito ipakilala sa kanyang ina pero ang hindi niya alam ay may matutuklasan pala siyang Hindi niya ikatutuwa.

--

Francisco POV

Oras na ngayon ng kainan dito kaya halos lahat ay nakapila,pipila sana ako ng bigla akong tawagin ni Boss Jericho "Huwag ka ng pumila di na kailangan"sigaw ni Boss Jericho
"Oo nga Kaya halika na dito sumbay ka na sa amin"sigaw naman ni Boss liam

"Huh bakit kaya??"Nakita kong may dalawang presong naghatid ng pagkain sa kanila."Ah Oo nga pala sila nga pala ang hari dito kaya malamang pinagsisilbihan sila,ngayon ko lang napansin ngayon lang kasi sila nagaya sa aking saluhan sila

--

Mga Boss Tanong ko lang Bakit nga pala kayo nakulong? tanong ko kayla Jericho at liam habang kumakain kami

Nakatinginan sila bago sumagot

22 years ago merong isang tao ang malaki ang kasalanan sa akin sagot ni Boss Jericho.Kapatid ko siya,bunso sa aming magkakapatid at pinatay niya ang Kaisaisang babaeng nagmamahal sa akin kaya pinatay ko siya. Aksidente lang yung pagkakapatay ni sa Babaeng mahal ko pero wala akong pake! Ginawa ko ang lahat para makaganti

Pero si Liam bakit siya nakulong?

Tinulungan ko si kuya Jericho kasi tulad ni Kuya ayaw ko rin sa bunso namin masyado kasing pabida!Hindi namin maitindihan kung bakit lahat ng tao mahal siya!Samantalang kami walang may gusto sa amin!Galit na sabi ni Boss Liam

Nakaramdam ako ng lungkot. Naiintindihan ko ang nararamdaman nila ang pakiramdam na walang may gusto sayo Alam ko yun.

Bakit?Tanong ni Jericho ng mapansin ang reaction ko.

Naiintindihan ko kasi ang nararamdaman niyo sagot ko

Huh?

Ang pakiramdam ng walang may gusto sayo at  pagiisa na parang walang wala ka m, lahat yun alam ko.

Kung ganon parehas pala tayo sabi ni Liam Kuya Jericho sa tingin ko Dapat natin siyang isama

Huh?Ano?gulat kong sabi dahil di ko maintindihan ang ibig niyang sabihin

Tanungin mo muna siya Sagot ni Jericho

Ano bang sinasabi niyo?Tanong ko

Sa Linggo ng umaga balak naming Tumakas kasama ang ibang bilanggo sagot ni Liam na nakangisi sa akin.pagkatapos Bubuo kami ng isang Maliit na Grupo Mang Hoholdap tayo,rape,at lahat ng klase ng kasamaan gagawin natin kahit na ang pagpatay!

Nanlaki ang mga mata ko at halos kinilabutan ako sa mga sinabi niya "papatay?"

Bakit ayaw mo ba?di ba pumapatay ka rin naman?Tanong ni Boss Jericho

Pumikit ako at huminga ng malalim at saka muling dumilat

Ayaw ko...Nangako na akong magbabago para sa babaeng mahal ko, at saka mali ang pumatay ng mga inusenteng tao

Pero sabi mo Naiintindihan mo kami!Galit na sabi ni Boss Liam

Oo pero niligtas ako ng Babaeng mahal ko sa kalungkutan ko noon kaya hindi ko sasayangin ang ginawa niya

Ano?Niligtas!Ang labo mo naman eh!Akala ko ba tulad namin walang may gusto sayo kaya nga naging criminal ka diba?

OO noon yun pero ngayon may babaeng nagmahal sa akin at mahal ko rin siya kaya para sa kanya magbabago ako

Naiintindihan namin ang Desisyon mo.sabi ni Boss Jericho

Huh Kuya!

Liam dapat mong maitindahan na magkakaiba ang mga criminal merong gustong magbago at ayaw magbago sa sitwasyon natin ngayon kabilang siya sa gustong magbago,Hayaan natin siya anong malay mo balang araw ay maintindihan niya ang Criminal ay criminal pa rin.sagot ni Boss Jericho

Alam ko ang ibig niyang sabihin pero tulad nga ng sinabi ko Magbabago ako para sa mahal ko at magagawa ko yun para sa kanya

Maraming Salamat sapag intindi Boss Jericho pero sa tingin ko hindi darating ang balang araw na sinasabi mo Dahil Hanggat mahal niya ako patuloy akong magbabago para sa kanya, Lahat ng pagsubok na susubok sa akin  kakayanin ko Basta't nakangiti si Sandra na nonood sa akin.

---

Ilang araw pa ang lumipas at sawakas ay dumalaw na nga uli sa akin si Sandra kasama si Inay,masaya kaming nag kwekwentuhan ng makita ko sila Jericho at liam na lumabas sa selda dahil may kinausap sila sa telephone,naisip kong kailangan silang nakilala ni Inay kaya ng makita kong tapos na sila makipag usap sa telepono ay kaagad akong lumapit sa kanila

Anak saan ka pupunta? sigaw ni inay sa akin

Sandali lang po inay

Mayamaya ay nakalapit na nga ako sa kanila

Mga Boss gusto ko sanang ipakilala kayo sa inay ko pwede ba?Tanong ko

Pwede naman mahinang sagot ni Jericho

Pagkatapos ay nakalapit na nga kami sa pwesto ni Inay

Inay masayang sabi ko

Anak saan ka ba-Nakita ko ang panlalaki ng mata ni inay ng makita ang mga kasama ko

Tita Shara sila po yung sinasabi ko sa inyo nakangiting sabi ni Sandra

Napansin ko na may kakaiba kay inay dahil parang may takot sa mga mata niya at nanginginig ang mga kamay niya...Noong nakita niya si Boss Jericho

Bakit po inay?tanong ko

Ah wala tarana Sandra umuwi na tayo malamig na sabi ni inay

Pero Tita-itutuloy pa sana ni Sandra ang sasabihin pero agad hinila siya ni Inay

Long time no see Shara? Sharalyn Maguire,Buenaventura Bangit ni Jericho sa buong pangalan ni inay Dahilan para mapatigil si inay sa paglakad

Nagulat ako ng marinig na kilala niya si Inay kaya napatitig ako kay Jericho

Magkakilala kayo? Tanong ko at lumapit ako kay inay na hindi makatitig sa akin,Kilala mo po sila inay?

Oo sila mga Tyuhin mo sagot ni inay at napaluha siya

"Tyuhin ko?"

Matutuwa sana akong malaman na Tyuhin ko sila pero naalala ko ang sinabi nila tungkol sa pinatay nilang kapatid nila.

Kaya naman pala kapangalan at kamukah ka ng aming kapatid dahil anak ka pala niya

Tyuhin ko kayo?Ibig sabihin-

Oo tatay mo ang pinatay namin sagot ni Liam na nagEvil smile sa akin

Hindi! Imposible naging mabuti kayo sa akin kaya imposibleng-

Sila ang pumatay sa tatay mo!Naalala ko pa kahit 22 years na sariwa parin!Walang puso niyong pinatay si France!SARILI NIYONG KAPATID  PINATAY NYO MGA DEMONYO!Sigaw sa kanila ni Inay pero tumawa lang ang Demonyong si Liam

Tara na Liam iwan na natin ang mga basurang yan sabi ni Jericho

Labis na galit at puot ang naramdaman ko Dahil sa nalaman ko at hindi ko din mapigilang pa luha dahil masakit palang malaman na ang mga taong inaakala kong kakampi sila pala ang mga pumatay sa tatay ko

Bakit sila pa!Nirerespeto sila!Hinangaan ko sila!BAKIT SILA PA

Francisco Banggit ni Sandra sa pangalan ko Dahil Hindi ko napansing tumulo ang luha ko at niyakap niya ako.

Police Story 1:  When a Criminal Fall in Love (Romance Action story)Where stories live. Discover now