Sagabal

271 10 1
                                    

Chapter 68


Francisco POV

Ngayon nga ay nalaman na Patay na si Liam at Dahil si Kiko ang Nakita nilang nasa kwarto ni Liam at meron din duguang damit ay kaagad nilang naiisip na si kiko ang pumatay kaya pinagbubugbog nila ito.

"Wala akong kasalanan!" Paulit ulit na Sigaw ni kiko pero walang naniniwala sa kanya

"Kung ganon,kung hindi Ikaw ang pumatay eh bakit mo hawak ang patalim noong makita ka namin!at Bakit ka nandito!?" Tanong ni Harold

"Hindi ko alam!Maniwala kayo Wala akong alam!"

"Sinungaling ka" Sabi ni Jeff at sinapak si Kiko."sinabi na namin kay Boss Jericho ang ginawa mong pagpatay kay boss Liam at ngayon ipagdasal mo na ang sarili mo"

"Huwag please maniwala kayo Hindi ko magagawang patayin si boss Liam please pagmamakaawa" ni Kiko

"Hernan Ikaw na ang bahalang Tumawag kay Boss Jericho at sabihin mo ang ginawang pagtratraydor ni kiko at kami na ang bahala dito kay kiko!" utos ni Harold

"Ok No problem" Sagot ko

"Hernan please maniwala ka wala akong kasalanan hindi ko alam Bakit ako nagising na Nandito pero wala akong kasalanan alam mo yan" Sabi niya pero Hindi ko pinansin."Hernan!Please magkaibigan tayo diba?"

napataas ang kilay ko sa tanong niya

"Siguro kung Ipapaalam ko agad kay boss ang ginawa mo sa kapatid niya baka Bigyan niya ako ng pera Diba Hahahaha sorry mas mahalaga ang pera para sa akin kesa sa kaibigan" sabi ko pero ang totoo hindi pera ang nasa utak ko kundi paghihiganti

Mas mahalaga ang pag hihiganti!

Nakakaawang Kiko,ganyan talaga ang buhay pasensya na pagdating sa paghihiganti kahit sarili kong kaibigan tratraydorin ko

Iyon nga ang ginawa ko,tinawagan ko si Jericho at sinabing pinatay ni Kiko si Liam.Noong una ay hindi siya naniniwala pero nung sabihin ko na may mga ibedensyang nakita ay sandali siyang natahimik.

"Sige I-torture niyo siya buong araw at bukas na bukas pupunta ako diyan,hindi ako pwede ngayon dahil busy ako,pahirapan niyo siyang mabuti" sabi niya

"Opo Boss"

Sandra POV

Ini-interview ng mga reporter si Team leader habang ako ay kausap ko naman ang mga bata na kalaro dito ng batang pinatay para malaman kung tagasaan ito at kung sino ang magulang.

"Sandra may nalaman ka na ba?" Seryosong Tanong ni Jackson

"Oo alam ko na kung tagasaan ang bata mamaya pupuntahan natin para malaman kung sino ang magulang ng bata sagot ko

"Nakakaawa naman ang batang yan,ano kaya ang dahilan bakit siya pinatay?" Sabi ni Michael na nagiisip

"Sandra..."

"Bakit Jackson?"

"Hindi ba,nakuha ni Francisco ang baril mo noong oras na iyon?" Seryosong tanong niya

"Ah Oo,Bala nga nun yung tumama sayo eh Tapos hindi ko na nakuha sa kanya kaya wala akong baril" sabi ko

Nakita kong nag kuyom ang mga kamay ni Jackson at para bang naiinis siya pero hindi ko alam kung bakit.

Nakaramdam ako bigla ng kaba dahil sa reaction niya, nanlilisik ang mga mata niya at nagigting ang mga Panga niya

"B-bakit Jackson may problema ba?" Tanong ko

"Oo nga bestpren bakit parang nagiba yung mood mo ngayon?" Tanong ni Michael

"Wala,I'm Ok.Kapag nalaman natin kung sino ang magulang niya,alamin din natin kung anong uri nang balang ang tumama sa kanya"

Police Story 1:  When a Criminal Fall in Love (Romance Action story)Where stories live. Discover now