Prologue

12 1 1
                                        

"C. R. U. S. H."

Nagmasid-masid si Giana sa paligid niya habang naglalakad papunta sa school nila, six o'clock at maaga pa naman pero marami ng mga students na naka-civillian clothes ang excited at binibilisang pumunta sa school since first day of classes at sigurado excited na nila makita ang mga kaibigan nila at malaman kung magkaklase ba sila at pati na rin makapagkwentuhan. Napabuntong hininga na lang siya at mas binilisang maglakad dahil malayo ang bahay nila sa school at sigurado naghihintay na ang mga sarili niyang kaibigan.

"Gia! Bilis! Halika dito!" Agad naman hinanap ni Giana kung saan galing ang boses na iyon, sigurado siyang mga kaibigan niya ang tumatawag sa kanya pero sa dami ng tao ay hindi niya nahagilap agad. Nagulat na lang siya nang bigla nagdilim dahil sa mga kamay na nakabalot sa mata niya,

"Resh! Jane! Sapphire! Madilim na ang mundo ko pagkasama ko kayo, hindi niyo na kailangan takpan ang maganda ko'ng mata!" Pagsusungit ni Giana sa kanila, umismid at tumawa ng kaunti sila dahil alam naman nila na nagbibiro lang ang kaibigan, pero imblis na bumitaw bigla nila siyang kinaladkad kung saan man.

Tumigil sila sa harap ng gate ng school at binitawan si Giana, agad naman pinukulan ng nakakatakot na tingin ang sarili niyang kaibigan.

"Gia! Papasok na tayo sa Leonardo High School!" Sigaw ni Resh, malaki talaga ang bunganga niya kaya hindi na nagulat silang magkakaibigan nang mapatingin sa kanya ang ilang estudyante.

"Oo nga! My gosh, parang kailan lang noong pinasok tayo ng parents natin sa kindergarten!" Excited na sabi naman ni Sapphire habang nakatingin lang sa malaking red at black gate na gawa sa bakal na may malaking sign sa gitna,

Leonardo   High   School

"Ikaw lang ang may pakiramdam niyan kasi isip bata ka pa rin!" Ngumisi si Jane sa kanya rason para sumimangot si Sapphire.

"Guys, maghawak kamay na tayo at sabay-sabay pumasok. Dahil finally grade seven na tayo ngayon!" Dugtong pa ni Jane at hinigpitan ang hawak niya sa kamay nila, nasa left si Sapphire at Jane habang nasa right si Giana at sa tabi niya si Resh.

"See! Pati naman ikaw! Makapagsalita!" Umismid siya, napatawa na lang si Giana sa kanilang dalawa at kay Resh na nagniningning ang mata dahil sa sobrang saya at hindi makapaniwala.

Ngayon ang unang araw nila bilang junior high school students, kaya gusto nila sabay-sabay sila pumasok sa loob since never pa sila nakapasok o makalagpas man lang sa gate. Kahit noong araw ng enroll-an hindi nila pinayaganang isa't isa pumasok, gusto rin kasi nila na sabay-sabay sa pagpasyal sa loob ng campus.

"Papasok na tayo sa Leonardo High School in 3..." bulong ni Resh pero tama lang para marinig nilang lahat.

"Two... " lahat naman sila ang nagsalita habang tinititigan iyong sign.

High school na kami, God, sana i-guide niyo pa rin kami, alam ko po na syempre mayroon pa rin mga problema pero alam ko naman na hindi niyo kami papabayaan at parang katulad lang ito noong elementary, masaya, challenging, thrilling at magtuturo ng maraming bagay sa amin. I declare because I know, na lahat ng pwedeng mangyaring maganda ay mangyayari.

"One!"

"Isa!"

Dalawang hakbang pa lang ang nagagawa ng magkakaibigan nang may dalawang lalaki ang naghahabulan at dumaan sa gitna nila Jane at Giana, dahilan para matumba si Giana kaya napaatras si Jane at naitulak naman si Resh. Muntik na matumba paatras si Resh pero nagulat na lang siya noong napasandal siya sa dibdib ng isang lalaki at hawakan siya sa magkabilang braso niya.

Noong napaatras si Jane, gulat na gulat siya at agad nainis, handa niya ng sungitan at awayin ang kasama ng lalaking natumba na nakatayo lang sa harap nila na mukhang inip na inip, pero nang hinarap na niya siya ay napatigil at napanganga siya.

Makakatatlong hakbang na lang si Sapphire pero sa kasamaangpalad, noong umatras si Jane, nabangga niya ang likod nito at mapadapa sa right foot nito at mapahiga na nakaharap sa ground. Umikot siya at ngayo'y nakaharap, titignan niya sana kung anong nangyari nang may nahagilap siyang lalaki na may glasses ang dumaan sa tabi niya habang nakangiti at nagbabasa ng libro.

Habang si Giana naman ay nakatitig lang sa lalaking natumba rin kasama siya pero ngayo'y mabilis na tumayo, nagkatitigan pa sila, akala niya tutulungan siya nito pero instead tumakbo ito hinabol ulit ang kasamang lalaki.

First day...

Iyon ang unang araw na nakilala nila ang Crush nilang lahat.

"C. R. U. S. H. " Where stories live. Discover now