Chapter 29

1.6K 59 4
                                    

Chapter 29: "True love will always find a way to come back."



It had taken me a couple of hours on the phone with my mama before I was able to convince her to let me stay in Manila. She didn't wanna allow me to leave far from her, thus, I had no choice but to tell her my real reason for wanting to stay in Manila. Vince. She understood right away, but still worried about me. 

When Vince asked me to stay, I knew I would do anything he asked of me. Kaya ni hindi ako nagdalawang isip sa desisyon ko. Maaga akong gumising para ipag-bake siya ng cookies at magluto ng lunch. 

"Ayaw mo ba talagang magpatulong?" nakangiting tanong ni yaya Bebs. I smiled and shook my head. "Sana ay tuluyan na kayong magkaayos ni Vince."

"Sana nga po."

Nag-grab lang ako papunta sa company ni Vince. Tinulungan akong makapasok ni Bob kaya hindi ko na kinailangan pa ng appointment. His secretary informed him about me, and I was relieved when he told his secretary to let me in. Naabutan ko siyang subsob sa mga papeles sa harap niya. 

"Hi," I muttered softly.

He just gave me a brief glance then went back to what he was doing like I wasn't important to him. I chose to ignore the pinch in my heart. 

Lumapit ako at inilagay sa mesa ang dala ko para sa kanya. "I brought food for you."

"I'm surprised you haven't left yet," he said coldly.

"Because you asked me to stay."

Saglit na nasuspinde ang kamay niya sa pagpirma tapos ay nakangisi niya akong tiningnan. "The last time I asked you to stay, you still left, even when I begged you not to."

Hindi ako nakakibo. I swallowed the hurt. "Well, this time I'm staying for you."

He scoffed. "Right."

Pinilit kong ngumiti kahit nasasaktan ako sa trato niya sa akin. "Kumain ka na. I cooked your favorite food."

"I'm not hungry. Just leave it there."

"It's time for lunch. Sige na, kumain ka na."

The glare he gave me was enough to render me speechless. "I said I'm not hungry. I'll eat when I want to," sabi niya sa mababa pero mariing tono.

I still smiled even if I felt like crying. Hindi ako sanay na ganito ang trato niya sa akin. Walang kibong tumalikod na ako at lumabas dahil baka mapaiyak lang ako sa harap niya. Sa halip na magtaxi pauwi ay naglakad-lakad ako habang umiiyak. I didn't wanna be too sensitive, but I couldn't help the hurt I felt with the way he treated me. 

Dumaan ako sa simbahan at nagdasal. I asked Him to guide me, and tell me what I should do because I honestly didn't know what to do. 



Kahit ipinapahiya at hindi niya pinapansin ang dala ko para sa kanya ay hindi pa rin ako tumigil sa pagdadala ng pagkain para sa kanya sa opisina. Sunday ay pumunta rin ako ng maaga para ipaghanda siya ng breakfast. Ayaw sanang pumayag ng mga katulong niya pero nakiusap ako sa kanila. 

"What are you doing here?" kunot noong tanong niya pagkakita sa akin. Basa ang buhok niya. Halatang katatapos lang maligo.

"Good morning!" masiglang bati ko sa kanya. "I prepare breakfast for you."

His jaw clenched. "I don't eat in the morning." 

Nalaglag ang balikat ko ng talikuran niya ako. Tiningnan ko ang pagkaing inihanda ko para sa kanya. Masasayang lang ang lahat. Malungkot kong binalingan ang mga katulong.

Tears Of An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon