CHAPTER 1

3.6K 102 3
                                    

#EvenTheNightsAreBetter

CHAPTER 1

Nakahiga sa kama si Tattered, katabi ang apat at magli-limang taong gulang na anak na kasalukuyan niyang tinitingnang natutulog. Tipid siyang napapangiti. Hindi maikakailang anak niya ang batang ito dahil sa malaking pagkakahawig nila lalo na sa mukha. Katulad niya, gwapo ang anak niya bukod pa roon, matalino at bibo rin ito.

Napatingin siya sa bintana na nasa kwarto niya. Bukas iyon at mula sa labas, nakita niyang madilim na ang kalangitan at may nagkalat na mga bituin. Napabuntong-hininga siya.

"Sumapit na naman ang gabi." Malungkot na wika ni Tattered.

Sa totoo lang, ayaw niya talaga ng gabi. Sa tuwing sasapit ito, nakakaramdam siya ng sobrang lungkot.

Isang pangyayari kasi ang kanyang naaalala sa tuwing sasapit ang gabi. Isang mapait na alaala na hanggang ngayon, nagbibigay sa kanya ng sobrang kalungkutan at sakit. Alaalang gusto na niya sanang kalimutan ngunit hindi niya magawa dahil siguro, nakatatak na iyon sa kanyang puso't-isipan.

5 MONTHS AGO...

Sabay na naglalakad sila Tattered at Yen. Nasa loob sila ngayon ng park. Gabi na nung mga panahong iyon kaya hindi na masyadong matao.Ipinagdiriwang nila ngayon ang ikalima nilang anibersaryo bilang magkasintahan.

Napapatingin si Tattered kay Yen. Nagtataka siya kung bakit ito tahimik dahil sa totoo lang, may kadaldalan ang kasintahan niyang ito na gusto naman niya dahil lahat ng kwento nito, kundi nakakatawa, nakakamangha.

Hindi lang naman ito ang unang beses na napansin niya ito, nung mga nakaraang araw rin, tahimik rin ito kapag magkasama sila. Kung tatanungin mo, one liner lamang ang nagiging sagot. Bukod pa roon, ramdam niya ang panlalamig nito na hindi na lamang niya binibigyang pansin dahil baka may problema lamang ito ng hindi niya alam.

Pero ngayon, hindi na siya makatiis sa kakaibang ikinikilos ng kasintahan. Hindi kasi siya sanay na ganito ito.

"Love." Pagtawag ni Tattered kay Yen. Sandali namang napatingin si Yen sa kanya pero bumalik rin ang tingin sa daan.

"May problema ka ba? Ilang araw ko na rin kasing napapansin ang pag-iiba mo... Nakakapagtaka lamang sa parte ko kasi hindi ka naman dating ganyan... Kaya naisip ko na baka may dinadala kang problema kaya ka ganyan... Pwede ko bang malaman kung ano?" mga sabi at tanong ni Tattered. "Kasintahan mo ako... pwede mo akong sabihan ng mga problema mo..."

Napahinto na lamang si Tattered sa pagsasalita ng bigla ring huminto sa paglalakad si Yen. Napatingin ito sa kanya. Napansin niya ang kalungkutan sa mga mata nito na mas lalo niyang ikinataka.

"Bakit?" pagtatakang tanong ni Tattered.

Napabuntong-hininga si Yen. Tinitigan nito ang chinitong mga mata ni Tattered.

"Tattered... Tapusin na natin ito." Malumanay na wika ni Yen. Magandang babae si Yen kaya naman hindi malayong magustuhan siya ni Tattered. Pero higit roon, mabait at talaga namang maalaga siya kaya naman mas lalong napamahal sa kanya si Tattered.

Bumakas ang pagkalito sa gwapong mukha ni Tattered.

"Tapusin? Tapusin ang alin?" nalilitong tanong ni Tattered.

Muling napabuntong-hininga si Yen.

"Tapusin na natin ang relasyon nating dalawa... Maghiwalay na tayo." Sabi nito na parang bombang sumabog kay Tattered. Nanlaki ang mga chinitong mata nito sa gulat sa narinig. Hindi niya inaasahang maririnig iyon sa mismong mahal niya at sa mismong araw pa ng kanilang anibersaryo.

EVEN THE NIGHTS ARE BETTER COMPLETE EPISODES AVAILABLE ON DREAME APPOnde histórias criam vida. Descubra agora