Chapter Forty

327K 9.2K 2.3K
                                    

🚫

HOW dare him?

Parang lason na gumuguhit sa mga ugat niya ang magkahalong muhi at sakit. Malalaking hakbang na lumapit si Jeasabelle sa lalaki. Gusto niyang marinig kung ano na naman ang paliwanag nito sa kanya ngayon.

Hindi niya alam kung anong sasabihin niya dito kapag nakalapit. Ang makita lang niya ang reaksyon nito na nahuli na naman niya ito ay sapat na sa kanya.

"Oh, I'm really excited about the baby, Gianna.. So what's the plan?"

Napahinto si Jeasabelle at parang may sumuntok sa sikmura niya. Lumipat ang tingin niya sa ginang na nagsalita. Nakaukit ang maganda at nananabik na ngiti sa labi ni Hilda Hidalgo, ang ina ni Danrick.

"Oo nga, Danrick. What's the plan?" ang ama naman ng binata ang nagsalita. "You two should start planning about the wedding. Mas maganda kung magpakasal na kayo habang hindi pa malaki ang tiyan nitong si Gianna."

Tila nagsama-sama ang lahat ng masasamang bangungot kay Jeasabelle. Naramdaman niya ang panlalamig ng katawan niya kasabay ng panginginig ng buong pagkatao niya.

Anong ibig sabihin ng mga ito? Buntis si Gianna? Tumingin siya kay Danrick. Seryoso lang ang mukha nito habang nakatingin kay Gianna. May pagkabalisa sa gwapong mukha niya, ngunit walang pagtutol na kumawala dito.. At hindi niya maintindihan.. Wala siyang maintindihan. Hindi lubos na magproseso sa isip niya ang narinig. Buntis si Gianna? Si Danrick ang ama? Oh, God. She need to breath.. Need to get away from them..

She need to think! Humakbang siya paatras.

"Jeasabelle!" May bumunggo sa kanya. Pag-angat niya ng tingin ay bumungad sa kanya ang masiglang mukha ng Tito Berto niya. "Nasaan na si Da--bakit parang namumutla ka?"

Umiling siya. Nagbukas sara ang bibig niya para magsalita ngunit walang kahit isang salita na lumabas doon.

"Uy, ano'ng nangyayari sa 'yo?"

"I-I'm okay, Tita. I just need to breath."

"Ha? Sige, huminga ka lang." parang litong-lito na rin ito sa kanya. Tumingin siya sa pwesto ni Danrick. Eksakto na napalingon ito sa kanya at nagtagpo ang mata nila.

Nakita niya ang panic sa gwapong mukha nito. Agad na tumalikod siya at mabibilis na humakbang. Tinawag siya ng Tita niya pero patuloy lang siya. Si Danrick na ang sunod na tumawag sa pangalan niya. At palapit ito ng palapit sa kanya.

"Babe, please, wait!"

"Fuck you!" Hindi sapat ang lakas niya para tuluyang makalayo sa lalaki. Mas maliksi ito sa kanya at maagap siya nitong nahawakan sa braso.

"Jeasabelle, listen to me, babe."

Hinarap niya ito kasabay ng isang malakas na sampal. Tangina, mas malakas pa 'yun sa sampal ni Monica kay Nicole, at pakiramdam niya sumakit din ang palad niya. Pero sigurado siya, wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman niya ngayon. How dare him? Anong karapatan nito para lokohin siya ng ganito? Noong una na nakita niyang kahalikan nito si Gianna sa opisina nito tinanggap niya ang paliwanag nito.. Tinanggap niya ito kahit nararamdaman niyang may mali pa rin.

Dahil tanga siya.

Iyon siya. Handang magpakatanga sa lalaking ito.

Dahil mahal niya.

At handa siyang bigyan ito ng pangalawang pagkakataon kahit na magkamali ito. But this is not what she expected.

A baby? Nabuntis na nito ang ex-girlfriend nito.. O ex-girlfriend pa rin nga ba? Malay ba niya kung nagkabalikan na ang mga ito habang nakatalikod siya. Wala siyang alam kaya siguro patuloy lang siyang niloloko ni Danrick.

Seducing Danrick Hidalgo (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon