“What are you thinking about?” tanong ni Samuel sa dalaga. He was watching her watch him. He was watching her intently.

Agad napaiwas ng tingin ang dalaga. She was caught staring. Halos maghuramentado ang puso ng dalaga.

“Some... things." she hesitated answering.

“What things?” tanong naman agad ni Samuel.

Pakiramdam ng dalaga ay sinilaban ang kaniyang mukha. Bakit ba siya binobombahan ni Samuel ng mga tanong gayong wala siyang kalaban-laban dahil lumilipad ang isip niya?

“Elias... and how he should have been there to help me instead of you.”

It was the wrong choice of answer. Napaigting ni Samuel ang kaniya panga ng marinig ang sagot ng dalaga.

“Of course. He’s your boyfriend.” sambit ni Samuel ng may pagkunot ng noo bago dumistansya sa dalaga. “Are you uncomfortable with me?” bigla ay tanong ni Samuel at saka tinignan ang dalaga.

Iniwas ni Ady ang kaniyang tingin kay Samuel at saka nagfocus sa kalye sa labas. “No.” tipid niyang sagot at hindi na muli pang nagtanong ang binata.

“Saan po tayo, Sir Samuel?” tanong ni Mang Dom na patuloy pa rin sa pagdadrive. Napansin ni Ady na wala sila sa daan patungo sa kanilang village.

“Nearest hospital—”

“No!” bigla ay sigaw ni Ady sa gulat sabat lingon sa binata. Kumunot ang noo ni Samuel.

“Why?”

“Malalaman ni Mama na nasa hospital ako.” nahihiyang sagot ni Ady at saka ay umiwas muli ng tingin sa binata.

Napabuntong hininga na lamang si Samuel at saka nilingon muli ang driver, “Nearest pharmacy na lang, Mang Dom. Bili ka ng peroxide at bulak, tas gauze at medical tape.”

“Doon lang po, Sir? Next stop po?”

“Pinaka malapit na makakainan. Drive thru is fine.” sagot agad ni Samuel at saka nilingon si Ady, “Are you hungry?”

Tumango na lamang dalaga at tipid na ngumiti. After all that happened, she needed strength para masikmura ang lahat. “Thank you, Samuel.”

Uminsan-tango lang si Samuel sa dalaga at saka ay lumingon na lang rin sa katapat nitong bintana.

***

“So, susunduin ba kita?” tanong ni Elias kay Ady kinabukasan ng hapon.

Nasa harap na ng vanity table ang dalaga at narolyo na rin sa curlers ang buhok nito. She asked for a lighter make-up from Hera. Nagpahinga lang siya saglit from taking care of her look dahil tumawag si Elias.

She was sitting on the couch at the other side of Ady’s room, while Ady was sitting on the swivel chair.

“I was thinking about it, Ellie... Samuel kind of told me na sabay kami...” sagot naman ni Ady.

“Sabay kayo?” tumawa si Elias, “Like he will fetch you?”

Napapikit ang dalaga. Hindi nga pala alam ni Elias ang sitwasyon nila. Pero hindi naman niya puwedeng sabihin na lamang ito sa lalaki.

“Basta, just wait for me there. Okay?” she ended the call bago pa man makapagreply si Elias. Agad na inilapag ni Ady ang kaniyang cellphone sa vanity table.

Kumunot ang noo ni Hera na hinila ang kaniyang katawan patayo mula sa malambot na couch.

“Hindi ka magpapasundo sa boyfriend mo, Miss Ady?” gulat na tanong ni Hera sa dalaga.

Forgetting SamuelWhere stories live. Discover now