4 7

1K 37 1
                                    

【 PEACH.】

...

Jusko, eto na yung araw ng auditions, at kami na ang susunod. Yes, kami. Kasi sa audition na gaganapin, sa isang kwarto, isa kaming grupo na mag a-audition.

At kakatapos lang ng kasama ko mag audition at tangina, sinabihan siya ng judge na "stop" mayghad, baka mapakanta ako ng "baby don't stop" ay char. Pero seryoso, hindi na ako mag e-expect na tatanggapin nila ako. Tangina ako na yung next, save me, huhu

Tangina mo, Koeun. Kapag magkikita na tayo, isasaksak ko talaga sa baga mo yung audition number ko, ngina mo.

Kaya, ayun. Pumunta ako sa harap at kumanta ng "Bad boy" ng Red Velvet. Ay syempre dapat galing rin sa SM entertainment yung kanta, baka mag tampo e, ay char.

"Stop." Tangina, unang part palang, stop na kaagad? Bigti tayo.

Kaya ayun, pumunta na ako sa gilid ng kwarto, huhu epic fail talaga. Hays, sayang naman.

Actually, oo nag audition ako para isaksak ko sa baga ni Koeun na wala na akong atraso sa kanya, pero may parte rin sa puso at isip ko na gusto ko ring maging idol, para may ipakita naman ako kay Mark. Na, hindi lang ako yung ordinaryong babae lang. Na hindi lang ako yung bestfriend niya. Na may kaya rin akong gawin. Na may ipagmamalaki man ako.

Kaso, baka hindi lang talaga ito yung para saakin...

...

Nang matapos na ang audition, kumain muna ako, para naman mabawasan ang emotional break down ko.

Habang masarap na kumakain, may nakita akong napakapamilyar na babae. Teka... Posible bang...

Si herin to?

Ayos ah? Big time na ah? Wala naman siya ngayon sa SM ent pero bakit gumala-gala siya dito sa auditions?

Kaagad rin naman akong umalis.

Sa totoo lang, ramdam ko parin yung konting galit o inis sa kanya.

Bakit nandito pa siya?

napkin.Where stories live. Discover now