Chapter 2 : New Place

6 1 0
                                    

Precle's Pov

Maaga ako nagising. Ngayon ang araw ng alis ko, After 1 week nang sinabi ni dad na kailangan ko lumipat.

"Bye mom, Take care always and don't skip your meals Mom , okay? I will miss you Mom, I love you" Madamdaming sabi ko habang lumalabas ng gate.

"Aww.. Ang sweet ng baby girl ko , Yes honey and you too, okay? I will miss you too , And I always love you baby" Niyakap ako ni Mom at kiniss sa cheeks.

"Yes Mom, I'm going na Just tell dad that I love him and take care also" huling sabi ko kay Mom bago sumakay sa kotse.

Palihim kong pinasadahan ng tingin si Mom at ang bahay na kinalakihan ko. Pati narin ang paligid na naging kadamay ko sa 17 years ko.

"Tara napo manong" At nagsimula na kaming umalis

Iniisip ko ang mangyayari sa akin sa bagong lugar at school ko.

"Maam gising napo, Andito napo tayo"

Nagmulat ako ng mata. Nakatulog pala ako ng dahil sa kakaisip. Lumabas ako ng kotse at bumungad sa akin ang malaking bahay at ang malaking itim na gate. Hindi kalakihan tulad ng bahay namin sa probinsya.

Pinagbuksan ako ng gate ng isa sa mga maid. Ang laki ng bahay pero ako at mga maid lang ang nakatira, Hmm buhay nga naman .

"Good morning Miss Precle" nakayukong bati sa akin ng mga Maid.

"Good morning" tipid na sagot ko.

Nilibot ko ang tingin ko sa living room. Malawak at cream ang kulay ng pader, May paintings at color peach sofa ang nakapabilog sa gilid. May grand staircase patungo sa taas, mabuti nalang at alam nila ang pag ka gusto ko sa light colors.

Umakyat ako sa taas at tumungo sa dulong room na sinabi ng head Maid.
Bumungad sa akin ang color light pink na kwarto. May mga picture frame sa table malapit sa kama, may paintings din na nakasabit sa pader.

May sariling Veranda ang kwarto na ito, lumabas ako at nakita ang malawak na bakuran at ang maliit na pool.

"Ang saya sana dito kaso masyadong tahimik ang lugar" malungkot na bulong ko sa sarili ko.

I have a lot of money, yet I can't even buy some attention and love.

Bumaba ako at pumunta ng garden, Buti nalang at may maliit na table dito. Nature helps me to lessen the pain lalo na ngayon na walang - wala nanaman akong kadamay kundi ang sarili ko.

Hindi ko namalayan lumuluha na pala ako. I wish that someday I can feel what others felt to have a lot of care, attention and to be loved.

Itutuloy...

El moderno EscuelaWhere stories live. Discover now