CHAPTER 21

17.1K 378 120
                                    

JAZREL'S POV

Nasa studio kami ngayon sa isang TV Show dahil pinatawag ang ilan sa mga artista. Wala akong ideya kung bakit pero siguro may isang project na naman. Kung alam nyu lang, nakakapagod na talaga. Sunod-sunod na nga yung hosting, acting at guesting ko, may dadagdag na naman?

7 na kaming nandito at isa nalang ang hinihintay namin. Sino pa ba? Edi si Christian Nueva. Siya kasi talaga yung pina-priority dito eh. I don't know why. Si Joyce din andito na. May nilagay siya sa mukha niya dahil sa sampal ko tss.

Nga pala, kahit gustong-gusto ko siyang layuan, hindi ko pa rin pwedeng gawin kasi may mission pa ako. Mission kong malaman ang mga binabalak niya.

Hindi kami magkatabi dahil---wala. Type lang namin. Minsan kasi may mga oras din na hindi kami nagpapansinan lalo na kapag both kaming wala sa mood.

Tahimik lang ako dito sa tabi. Yung mga lalake ang ingay-ingay nila. Akala mo isang taon silang di nagkikita. Para sa aming mga artista, one day is the longest time na hindi kami nagkikita. Mostly kasi araw-araw kaming nagkikita.

Sadyang mga maiingay lang talaga sila kaya grabe kung makatawa. Yung hagalpak talaga eh! Minsan gusto ko ding makitawa dahil sa mga biro nila but nah, ewan parang wala ako sa mood.

Sumulpot bigla sa harap namin si Direk Billy. "Kunting paghihintay lang tayo para kay Christian, ha? Alam nyo naman ang taong yun, priority ang mag-ina niya."

Kaming lahat napalingon kay Joyce dahil sa malakas nyang pag smirk. Oh, ha? Ano ka ngayon? NGANGA HAHAHA!! You daughter of the b*tch.

"Ahm. Dahil hinihintay pa naman natin siya, may lalakadin lang ako saglit." tapos umalis na siya.

"Aba't akalain nyu yun? Si Chan may mag-ina na."-Jasper.

"Akala natin walang balak magka-pamilya ang taong yun eh."-Shawn.

"Kaya nga. Pero akalain nyu yun? Yung ina ng anak niya hot teacher haha! Sayang hindi nag model o artista man lang."-Donny.

"Pasadong-pasado sa showbiz."-Alliyah.

"Gusto ko ring makita sa personal ang anak niya."-Hannah.

"Nakita ko na. Dinala nya kasi dito nung isang araw. Nagmana sa kanya ang cute-cute tsaka napakatalino."-Shawn.

"Sana mag artista yung anak niya."-Hannah.

"Oo nga."-Jasper.

Sige, tsismis pa more. Wala kayo sa'kin. Tahimik lang ako dito pero nakita ko na sa personal ang mag-ina nya. Tsaka nakausap ko pa anak niya haha! Talo kayo sa'kin mga dre!

Ilang minuto pa ay nakarating na si Chan. Agad naman siyang nakipag high-five sa mga tropa nya lalo na sa kay Donny na best buddy nya noon pa.

Si Donny ay isa ding artista/singer/dancer but he never accept an offer about hosting. Ewan kung bakit, siguro hindi pabor sa kanya ang hosting.

Sinilip ko si Joyce. Kulang nalang tumulo na yung laway nya sa kakatingin kay Chan. Pffft~ stop having a daydream hahaha! Kawawa kang aso ka.

"Mga dre." panimula ni Chan. Nakangiti pa siya na parang kinikilig.

"Oy. Anong balita natin dyan? Haha!"-Donny.

"Bakit parang ang tamis ng ngiti mo ngayon?"-Shawn.

"Iba talaga tong friend natin haha!"-Hannah.

"Naku Jazrel at Joyce, may nanalo na haha pakisabi ng mga fans sa naglaloveteam sa inyo na tigilan na nila yang kabaliwan nila hahaha!"-Alliyah.

Nginitian ko lang si Alliyah habang sinungitan naman siya ni Joyce. Kung marunong lang sanang mag dirty-finger to si Joyce kanina pa niya yun ginawa kay Alliyah hahaha!

La Familia Series 1: His Father Is A CelebrityWhere stories live. Discover now