CHAPTER 8

23.7K 625 91
                                    

Akala ko dapat akong magrelax dahil hindi niya ako nakilala pero nung nabaling ang paningin ko kay Jamie, biglang naglaho ang mundo ko. Lumalakas dahil sa sakit ang kabog ng puso ko at parang gusto kong umiyak sa harap nilang lahat.

Gustong-gusto kong isampal sa kanya na anak niya si Jamie. Gustong-gusto kong ipapa-alala sa kanya na ako yung babae na naikama nya dahil parehos kaming nakainom. Gusto kong sabihin sa kanya na kahit di namin isinasadya yun, may nabou pa rin kami at hawak na hawak ko ngayon ang naboung yun.

It's been 5 years back then, when I ran away from you at the morning.

"Uhh, Shaui, are you okay?"

Natauhan ako sa tanong ni Principal. Alam kong sobra pa akong kinakabahan ngayon pero pinilit kong kumilos ng normal.

"Yes, yes. I'm fine."

Nasagip sa paningin ko ang anak kong titig na titig kay Chan, at sa titig na yun, mas dumoble ang kaba ko. Shaui, relax. Relax. Please lang.

"I'm asking you again, Ms. Have we?" Kumunot yung noo niya. "Have we met before?"

Isang ulit pa sa tanong na yan, iiyak na ako. Pilit kong itinaas ang noo ko, I need to have confidence. Yes, lalaban tayo Shaui!

"Pwede na ba tayong umalis? Magco-commute pa tayo, eh." Sabi ko.

"Ay oo nga pala. Sige na. Alis na kayu. 5 hours pa kasi ang biyahe nyu papunta dun, eh."-Principal.

Mukhang dismayado si Chan na tumingin sa'kin tsaka kinuha yung mga gamit nya at sinamahan kaming lumabas.

"Mom, can I play with kuya Chan later?"

Ayan na naman. Sabi ko relax lang eh.

"Haha baby, you really likes me hmm?" Boses palang nya kinakabahan na ako. Wala pa ring kupas. Hays.

Hindi ko nalang sila pinapansin habang nag-uusap.

"Baby Jamie pakisabi dyan sa mama mo na magsalita naman sya paminsan-minsan."

"Mommy, kuya Chan said you should speak sometimes."

Saglit kong ipinikit ang mga mata ko at tinignan mata sa mata si Chan. This guy is getting into my nerves.

"Woah, nakakatakot ka naman. Ba't ka ba parang nagagalit sa'kin?"

"Kung ayaw mong ipagsigawan ko dito sa Terminal na ikaw si Christian Nueva, tumahimik ka."

Mabuti't tumahimik naman sya agad. Siguro natatakot siyang may makaalam na nandito siya. You know, life of a celebrity is very hassle. Naka-mask pa ang lalaking to eh para hindi siya mamukhaan ng mga tao.

"Mom why are you mad?" He kissed me on my forehead.

"Nothing, nak. Wala lang ako sa mood, okay?"

"What do I need to do to make you happy?"

I smiled. "You don't need to do something. Having you in my arms is enough."

"Do you want a superhug, mommy?"

"Can I?"

"Yes of course!"

Jusko, sobrang higpit naman ata makayakap tong anak ko. Feeling ko sasabog yung puso ko sa higpit eh haha!

Nakasakay na kami ng bus, nasa may bintana ako at katabi ko si---aherm...si Chan. I'm watching every moves I made para hindi ko magalaw ang lalakeng to. Ayokong makausap siya. Kinakabahan pa ako eh.

"Are you sleepy?" Tanong ko kay Baby.

He nodded. Isinandal ko nalang yung ulo niya sa dibdib ko at dun na siya nagsimulang matulog.

"Hindi mo pa ako sinagot." seryoso yung boses niya kaya kinabahan na naman ako.

Gusto nya ba talagang sagutin ko yung tanong niya?

"Ba't familiar ka sa'kin?"

Naramdaman kong hinarap nya ako at parang inaalala yung mukha ko.

"Ang ganda mo pala."

"Ano???"

"W-wala. Sabi ko nagmana pala si Jamie sayo."

Kung alam mo lang, Chan. Kung alam mo lang. Sayo nagmana ang anak NATIN.

Hinayaan ko nalang siya kahit kinakabahan na ako. Kahit feeling ko hinuhuburan na niya ako sa masagwa nyang isip. Kung makatingin kasi ang lintik eh. Tsk. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at nagpapanggap na natutulog.

"Ba't ganun? Di kita maaalala. Samantalang sigurado naman ako na naka encounter na kita noon." Sabi niya at bigla siyang gumalaw. Nag ayos siguro ng upo.

I slowly opened my eyes at tinignan siyang nakapikit na. Kahit naka mask siya, hindi ko pa rin maitatanggi na ang gwapo niya. Yes I'm his fangirl noon pa, pero bakit? Bakit nagsisisi ata akong naging fangirl niya? Fangirl nya ako kasi mahal ko siya. Pero parang mali ata na minahal ko siya.

Hindi man halata pero feeling ko malapit ng sumabog ang puso ko sa kaba. Iniisip ko palang na makakasama ko siya sa hotel, nababaliw na ako. Makakasama nya ang anak namin. Sana maging mabait si tadhana sakin this time at para uuwi akong walang problema at safety si Jamie about his identity.

Hays! Ano ba yang pinag-iisip mo, Shaui! Makinig ka, uuwi kang walang naiibubunyag na sekreto kay Chan. Okay?

4 days lang naman yun eh. Kaya yan. Fighting!

We arrived exactly at 12:00 noon. Medyo nagugutom na din kami kasi tanghali na. Jamie is sucking his milk bottle habang kargang-karga ko pa din.

Yes, papasok na kami ngayon sa hotel na tutuloyan namin. Room 26 daw kami.

"Teka, diba si Christian Nueva yun?"-babae 1.

"Hala oo nga! Ba't sya nandito??"-Babae 2.

"Ewan. Wahhh! Ang gwapo niya!!"-Babae 3.

"Oo nga mga dai! Tara pa photograph tayo!"-Babae 4.

Hindi pa nakalapit sa amin ang mga babae ay inagaw na ni Chan ang anak ko tsaka tumakbo. "Tumakbo ka, Shaui, bilis!!"

Bago pa kami maabutan ng mga fans nya ay tumakbo na din ako papunta sa elevator. At sinirado agad yun ni Christian.

Hiningal ako dun ah? Bwesit kasi na lalaking to. "Ba't ba kasi tinanggal mo pa yang mask mo!"

He grinned. "To expose my handsome face?"

"Baliw kaba?? Dinamay mo pa ako sa kakatakbo mo!"

"Huwag kang mag-alala. Runner ka naman eh. Ang bilis mong tumakbo kanina hahaha!"

Hinayaan ko nalang siya at nakabusangot talaga yung mukha ko dito. Baliw na lalake talaga. Kainis.

Tsaka ko pa naalala na nasa kanya pala si Jamie. I looked at them. Bigla akong nakaramdam ng kaba na may halong kilig when I saw them cute to each other. To the point na sa unang tingin mo pa lang sa kanila, malalaman mo talagang mag-ama sila. Plus, Jamie really looks like Chan.

"Akin na yang anak ko."

Kukunin ko na sana si Jamie kaso umiling lang ang bata at mas hinigpitan nya ang yakap kay Chan.

"No, Mom. I'll stay with Daddy."

Para akong binagsakan ng libo-libong hollow blocks sa sinabi ng baby ko. Anong Daddy pinagsasabi niya??

I saw Chan smiled sweetly at ginulo pa talaga ang buhok ko. "Looks like he likes me more than to his Mom."

Inirapan ko nalang siya. "Baby, Kuya Christian is not your Dad."

"Nah, just let him be." Ulit, ginulo na naman niya ang buhok ko at pinisil ang pisngi ko.

CHAN WILL YOU PLEASE STOP?!

Relax, heart. Stop beating like a running horse.

"Mommy, I wanna call him DAD."

Looks like I got no choice. Mapait kong tinignan ang mukhang nakangisi ni Chan. Iirapan ko na sana siya kaso nawindang ako sa kindat niya.

Heart, I said RELAX.

La Familia Series 1: His Father Is A CelebrityWhere stories live. Discover now