Prologue

42 1 2
                                    


"Asan na ba yang pinagmamalaki mong architect ha Elmo? Matagal na natin yung hinihintay ah!" Hindi ko mapigilang pagtaasan ng boses si Elmo habang naglalakad papasok ng café. Padabog kong binuksan ang pinto. Nakita ko namang nakapila na ang mga empleyado.

"Good morn---" Itinaas ko ang aking kamay stopping them from greeting me at dirediretsong naglakad papunta sa office ko.

"Kyrie" Tawag ni Elmo sakin

Pano ba naman kasi wala pa yung architect na nirecommend ni Elmo sakin. Halos magdadalawang linggo na hindi parin namin namimeet. Kapag tinatawagan naman ang daming palusot asa bakasyon, maraming client and he'll contact us as soon as he's not busy anymore daw. Nagcommit na siya samin na siya ang magiging architect ng susunod na branch ng café ko tsk!

"Alam mo namang dapat ng masimulan'to diba?" Sa sobrang galit ko padabog kong nilapag ang bag ko sa mesa.

"Sis kalma. Kung ayaw niya edi wag, maghanap na lang tayo ng iba" Nilapitan niya ako at binigyan ng tubig

"I don't need that. I. Need. A. Good. Architect." Madiin kong sabi

"Tsk. Paano na ba 'to?" Inunahan niya akong umupo sa swivel chair ko at umaktong nagiisip. Umupo na lang ako sa mesa. Gagang 'to inagawan pa ko ng upuan!

"And besides he's one of the best, do you think sa time na binigay sa atin may mahahanap pa tayong magaling na architect?" Napahawak ako sa ulo ko at kumikirot na naman.

"I know someone" Nakangiti niyang sabi

"Bakit ngayon mo lang sinabi sakin?" This gay is so unbelievable. Jusko sumasakit ang ulo ko sakanya

"Girl, I've talked to my archi friends and they're all recommending someone na magaling talaga daw and I did a background check---" agad ko siyang pinigilan

"Wait! What? Anong background check?" Kunot noo kong tanong sakanya

"Yes. Aba malay mo masamang tao yun" Sabi niya at umaktong nandidiri

"That's not necessary, Elmo" My tone became serious.

"For our pprotection lang naman. Tsaka alam mo namang ayaw ni Tito na kumukuha lang tayo ng random people to work with and for us. Basta ayun nameet ko na din siya---" I raised my hand to stop him

"Anong nameet mo na? Bakit hindi mo ako sinama?" Inis kong tanong

"Eh busy ka! Sis, isa pang sabat at ibubuhos ko 'to sayong tubig" Pagbabanta niya sakin, kinuha niya ang mug ko at akmang itatapon ang lamang tubig sa damit ko

"I'll fire you!" Banta ko sakanya. Agad niya namang binaba ang mug ko at nag peace sign.

"Ugh. So anyway, yung archi?"

"Grabe girl nakakatibo—aray!!" Ayan nabatukan ko hindi kasi nagseseryoso

"Sakit nun girl! Pero seryoso ang ganda niya" Umakto pa siyang nagde-daydream

"I don't care. So ano nangyare sa meet up niyo?" Pagtataray ko

"Well ayun, nagexplain ako kung anoplano nating gawin sa café and she said she can do the job. In fact may mga naisip na siyang ideas. I asked for her calling card" Pagkasabi niya nun nilabas niya ang wallet niya at kinuha yung card. Tiningnan ko ito.

"Clarke Fajardo? Babae ba talaga to? Pang lalaki ang pangalan eh" Sabi ko habang sinisave ang number niya sa phone ko

"Oo, babae yan sis! Natibo nga ako diba?" Malanding sabi niya

"Baliw! Lumabas ka na nga dun at magbantay" Utos ko kay Elmo

"FYI, business partner mo ako hindi security guard" Pagtataray niya at lumabas. Napailing na lang ako sa kaartehan ng best friend ko.

Buti na lang may nahanap na kaming kapalit sa gagong Paulo na yun hays.

*Bzzzzt Bzzzzt~ Bzzzzt Bzzzzt~*

Honey Calling...

Agad ko naman itong sinagot.

"Hello hon" Masiglang bati ko

"Hello hon, asa office ka na ba?" Nung marinig ko ang boses niya, napangiti ka agad ako

"Yes. Kakarating ko lang kani-kanina" Dahil sa kilig nagpaikot ikot ako sa swivel chair

"Dinner tonight at 8?" Tanong niya sakin

"Sure, don't pick me up na ha? May dala akong car eh"

"Okay hon. I'll text you na lang kung saan. Love you" Hindi pa ako nakakasagot binaba niya na ka agad ang call

Hays ano ba yan di man lang hinintay sagot ko hmp!

Inikot ko ulit ang upuan ko paharap sa desk ko ng may nakita akong kahon sa maliit na table near the door. Tumayo ako at pinuntahan ito

"Elmo!" Tawag ko kay Elmo

Ng makarating siya sa pwesto ko, tinuro ko ang kahon

"Ano 'to?" Tanong ko

"Hindi mo ba nakausap si Clarke?" Takang tanong niya

"Sinong Clarke?"

"Yung bagong architect natin sis! Pumunta siya dito, kakaalis nga lang eh" Kinuha niya ang kaho at dinala sa desk ko

Bakit hindi niya ako kinatok?

"Ano kaya 'to?" Binuksan ni Elmo ang kahon

"Uy cake! Mukhang masarap sis!" Dali dali siyang kumuha ng kutsilyo at dalawang platito at tinidor

"Oh sis" Binibigay niya sakin ang platito at tinidor pero tinaggihan ko ito.

"Oh sige na back to work" Tinulak ko si Elmo patayo

"Oo na. Teka, akin na to ha? Tinirhan kita ng isang slice! Babush" Kinuha niya ang kahon at lumabas na

Pumunta ako sa desk ko at tiningnan yung slice ng cake.

"Nope" Kinuha ko ito at nilagay sa coffee table. Ipapakuha ko na lang to kay Elmo kapag bumalik siya dito sa office di ko naman kakainin eh.

Bumalik ako sa desk ko at binuksan ang laptop, chineck ko ang mga emails ko at halos lahat ng ito ay galing kay dad. For sure pinapamadali niya na ako sa pagpapatayo ng next branch ng café namin, sakit lang yun sa ulo at nakakapressure kaya hindi ko na ito binuksan. Sinarado ko na lang ang laptop ko at itinabi.

"Ugh" Okay aaminin ko na, natatakam ako sa cake na yun.

"Mukha namang masarap" Kinuha ko ang cake

Bahala na. Pikit mata ko itong tinikman...

"Ang sarap!!!" Sumubo ako ulit hanggang sa naubos ko na pala

Lalabas sana ako para humingi pa ng cake at Elmo ng may nakita akong papel sa ilalim ng table malapit sa pinto. Kinuha ko ito at binasa.

'Lunch date on Wednesday? I'll pick you up here at 11. – Clarke'



Save me, ClarkeWhere stories live. Discover now