Chapter 3

59 3 0
                                    

Angelou's POv

"Bye son, take care always"
"Bro! Mag-iingat ka"
"Son, okay na documents mo. Makakapasok kana agad sa MU, maganda din yung condo na binili ko. Ipapasama ko sayo si manang at anak nya para may makasama ka." Nakangiting sabi ni dad.

Agad ako nag tungo sa eroplanong pagmamay-ari din namin. Papunta na ako ngayon sa sinabing lugar ni dad. Kung saan naroon si rein.

Napabuntong hininga nalang ako, at sinalpak ang headset sa aking tainga dalawang oras pa daw ang byahe kaya't umidlip muna ako.

"Waaaw ang ganda pala dito sa cebu manang" sabi ko habang manghang mangha sa tanawin. Hindi ito tulad ng manila na puro usok at puro maiingay

Presko ang hangin at talagang nakakaginhawa, papunta na kami ngayon kung saan sinabi ni dad ang biniling condo para sakin.

"Lous, bukas papasok kana ba?" Sabi ni manang habang nililipit ang mga gamit na aming dala, kakarating lang namin kayat pagod talaga ako sa biyahe.

"Opo manang, bukas din po pupunta ako sa mga hotel namin at restaurant" sabi ko habang kumakain ng salad na binili ko sa labas kanina.

Kinabukasan...

Hindi ako masyadong makatulog, dahil sa lalim ng aking iniisip. Si rein kailangan kong i focus sarili ko bukas hays. At kung magkita man kami.. Di na dapat ako magreact o mag paapekto.
"Angelous de vera! Tatagan mo sarili mo bukas okay!!!!" Matapang kong sinabi sa aking sarili..

Unang beses ko pa lamang sumakay sa jeep at medyo naiirita ako dahil kanina pa nakatingin mga tao dito sakin. Ngayon lang ata nakakita ng gwapong nilalang hehehe

-_-

Malapit na ako sa gate ng MU ng may mapansin akong may mga lalaking nag kukumpulan, hindi ko na lamang ito pinansin at tuloy tuloy akong naglakad.

"Ihatag nimo ang kwarta sa amo" ( ibigay mo ang pera mo samin) sabi ng lalaki ngunit hindi ko ito naintindihan kayat di ko ito pinansin.

"Umalis na kayo!! Parang awa nyo na!! Nabigay ko na lahat!!" Mangiyak ngiyak na sabi ng babae.
Tumigil ako sa paglalakad at agad nagtungo sa kanila.

"Binatawan nyo sya, hindi ba kayo nahihiya sa sarili ninyo? Maaring hindi kayo nag aaral sa paaralang ito. Subalit sana'y hindi ninyo ginaganyan ang babae" mahinahon kong sinabi sa tatlong lalaki, di hamak na matangkad ako sa kanila kaya't hindi agad sila nakakibo.

"Kinsa man ka?!" (Sino ka) hindi ko naintindihan, ngunit bakas sa tono nito ang inis.

"Ako si kamatayan, at susunduin ko na kayo" matapang kong sinabi, akmang susuntukin ko sila ngunit nagkaripas ito ng takbo.

Napatingin ako sa babae at nakita ko itong umiiyak padin sa takot.
Lumapit ako sa kanya at agad agad kong niyakap upang mapatahan.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat at agad inaalis sa pagkakayakap ko, kahit ako nagulat sa ginawa ko ugh! Nakakahiyaaa

"I-im sorry," sabi ko sa babae na nakayuko din sa hiya, maganda sya maputi talagang simple din kagaya ni rein. Biglang kumirot ang puso ko ng mabanggit ang pangalang iyon.

"O-okay lang, s-salamat nga pala. M-matagal na akong hinihingin ng pera ng mga 'yon" malungkot nyang pagkasabi. Nakaramdam naman ako ng inis, Ewan ko ba kahit ako naguguluhan sa nararamdaman ko.

"Don't worry, hindi ka na guguluhin ng mga iyon. Mabuti nalang at nagtagalog ka kanina kaya naintindihan kita" napakamot ako sa ulo ng sabihin ko iyon.

"Tagalog talaga ako, b-btw im Mia Buenaventura" sabi nya habang nakayuko parin, hindi ata to nangangalay kakayuko haha

"Im Angelous De Vera, nice meeting you" nakangiti kong sabi

Always Choose YouHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin