Chapter 1

86 4 2
                                    

Angelous POV

"Dad! Bakit ako? Alam mo namang 18 years old lang ako para dyan" T_T

"Son, i want you to do this for me okay? Ang Kuya mo, at mga ate mo. Naghahandle na sila ng business natin. So please son listen to me"

Ughh kainisss kung Hindi lang talaga ako mabait na anak, hays kanina pa ako nandito sa swimming pool area kasama ang tatlo kong kapatid. Na pinapuyahan ako hays kung alam lang nila kung bakit ayaw ko sa Mazey's University na yon...

Flashback

Nandito ako ngayon best friend ko na si Andy. Nagpaplano kung paano namin susupresahin ang pinakamamahal Kong si rein ang bumuo sa pag katao ko.

"Pre dito yan, tapos yang flower ilagay nalang natin sa lamesa"

Di ko mapigilang di ngumiti. Halos isang taon na kami ni rein at ito ang araw na pinakahihintay ko... Ang anibersaryo naming dalawa.

Mahigit kalahating oras na kaming nandito sa bahay ni andy, dito ko ginustong ganapin ang surprise ko. Dahil gusto ko mag effort malaki ang garden nila Andy dito sa kanilang bahay. Maganda ang view kung kayat dito ko ginanap.

Napatigil kami sa paguusap ni Andy ng biglang sumulpot ang isa sa katulong ni Andy.

"Sir Andy, narito na po si mam Rein"

"Alright then, papuntahin mo na dito"
Tinanguhan lang nito si Andy.

"Oh pano ba, its your turn mister handsome man" sabay kindat nito sakin at naglakad papalayo dahil may pupuntahan daw syang ewan ka one night stand yata.

Napatigil ako sa pag-iisip ng may biglang tumawag sa pangalan ko at pagharap ko.... Si rein, simpleng damit, nakalugay ang maganda nyang buhok... Napakaganda nya

Agad akong lumapit sa kanya habang nakatulala. Tila bang may sailing buhay ang aking mga paa na di makontrol papunta sa kanya...

Ng makalapit ako sa kanya, agad nag play ang music mula sa speaker.

*playing Perfect by edsheeran*

Agad kong kinuha ang kanyang mga kamay at inilagay sa aking balikat. Hudyat ng isasayaw ko sya. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil lumuluha sya. Dahil siguro sa tuwa, niyakap ko sya at tinitigan sa mga mata nito.

Parang may mali, kinakabahan ako. Sa maari nyang sabihin.
"Love? Hindi mo ba nagustuhan?"
Nakangiti kong sabi ngunit pilit

"Nagustuhan ko love" maikli nyang sagot habang may butil ng luha ang patuloy na umaagos sa kanyang mga mata.

"Mahal na mahal kita rein, hindi ko kayang mawala ka saakin. Hindi kp kakayaning ang babaeng mahal ko ay makitang hawak ng iba. Wag mo sana akong iiwan hanggat maari.. Rein.." Lalo itong napahagulhol ng sabihin ko ang mga salitang iyon. Niyakap ko ng mahigpit si rein.

"Love, i-itigil n-natin to" nanlaki ang mga mata ko ng sabihin nya ang mailing salita na yon.. Naramdaman ko na lamang na may likidong dumampi sa mga pisngi ko.. Luha... Lumuluha ako.. Naguguluhan.. At nasasaktan..

Agad syang bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya, at.... At tumakbo papalayo. She left me without saying word without explain.

End of flashback

Napatigil ako maramdaman kong lumuluha na pala ako, nakatingin lang sakin ang mga kapatid ko na alam ko namang ayaw nilang banggitin ang nangyari saakin noon.

Nalaman ko lang na doon pala nag aaral si rein sa mazey's university sa kanyang mga kaibigan.

Always Choose YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon