“Sapphire.” Tumingin ako kay Gale. “May stock pa ba tayo ng The Time Keeper ni Mitch Albom?”

            “Ah, teka. Titingnan ko sa stock room.” Aalis na sana ako noong pigilan niya ko.

            “Kung meron, okay lang ba kung pakibigay doon sa lalaki sa General Fiction Section? Nakasuot siya ng black t-shirt. May tatawagan lang ako sa labas,” sabi niya at itinuro ang cellphone niya. Tumango naman ako sa kanya bago siya tumalikod sa akin at lumabas ng bookstore.

            Pumunta ako sa stock room at naghalungkat doon. Buti nalang at nakakita ko ng tatlong copies ng libro. Kumuha ko ng isa at lumabas na sa stock room. Pumunta ako doon sa General Fiction Section para hanapin ‘yung customer. Nakatatatlong hakbang palang ako sa gitna ng bookshelves noong mapansin kong walang tao doon. Bumalik ako at sinubukan sa Sci-Fi Section ngunit walang nakasuot ng itim na t-shirt sa mga bumibili doon. Pumunta naman ako sa kabilang side, sa may Young Adults Section, at doon ko na nga nakita ‘yung taong hinahanap ko. Mag-isa siya sa section na iyon at nakayuko ang ulo.

            “Excuse–” Napahinto ako sa paglalakad. Tumingin siya sa direksyon ko. May hawak siyang isang libro na hindi ko makita kung ano ang pamagat. Fit ang suot niyang itim na t-shirt dahil hapit iyon sa mga muscle niya sa braso. At tulad ng dati, may suot siyang itim na cap o sumbrero.

            Napalunok ako at pilit na pinakalma ang sarili ko. Anong ginagawa niya dito? Hindi siya gumagalaw at nanatili lamang nakatitig sa akin. His stare makes me uncomfortable kaya naman ako na ang unang umiwas ng tingin at naglakad papunta sa kanya. “I-Ikaw ba ang naghahanap ng libro?” tanong ko sa kanya at saka inilahad ‘yung libro.

            Tumingin siya doon sandali bago tumango. Kinuha niya iyon ng walang ibang sinasabi. Ang sabi ng utak ko sa mga paa ko ay “Umalis ka na!” pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Para akong napako sa pwesto ko habang nakatitig siya sa akin ng mataimtim. Itinaas niya ‘yung librong hawak niya kanina. Napatingin ako doon.

            “May book two ba nito?” Kumislot ang puso ko sa loob ng dibdib ko. Ito ang pangalawang beses na narinig ko ang boses niya. Para akong kinikilabutan na namamangha na ewan. Ang lamig kasi ng boses niya, mababa, at lalaking-lalaki.

            “P-Pakita,” medyo utal na pagkakasabi ko at saka kinuha ‘yung libro mula sa kamay niya. Tumalikod ako sa kanya at humarap doon sa bookshelf. Pilit akong nag-concentrate sa ginagawa ko pero nadi-distract ako sa presensya niya. Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong nakasandal sa bookshelf ang balikat niya. Hawak niya ‘yung librong binigay ko sa kanya kanina habang ang hinlalaki ng isang kamay niya ay nakakawit sa bulsa ng kanyang pantalon. At kahit na halos natatakpan na ng sumbrero ang mga mata niya ay ramdam ko parin ang bawat titig niya sa akin.

            Pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko dahil sa sobrang daming tanong kaya naman humugot ako ng lakas ng loob para humarap sa kanya at magtanong. “Sinusundan mo ba ko?” Wow, way to go Sapphire.

            Itinaas niya ng kaunti ang ulo niya at nagkatitigan kami. Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha niya, blangko parin at palaging parang walang pakialam. “Hindi,” matipid na sagot ni Nero.

Nero & Sapphire (hiatus)Where stories live. Discover now