"Sa dinami dami ba naman kasi ng lalaki diyan Paola bakit siya pa? Sinabi ko naman sayong wala kang mapapala dun eh!" Sigaw sa akin Kuya Paolo
Kakauwi lang namin at pinapagalitan nanaman niya ako. Araw-araw yan ang sinasabi niya sa akin, memorize ko na nga eh.
Ako si Paola Ramirez at gusto ko ang best friend niyang si Koby este Kuya Koby daw hmp. Simula bata kami gusto ko na siya pero masungit siya kaya ang hirap lapitan.
Tuwing papasok kami sa school, sumasabay ako sa kanila Kuya para syempre makasama siya. Tuwing may practice sila ng volleyball sumasama din ako, ang lakas ng loob ko sumama pero nagtatago naman ako tuwing nanonood. Yung pinangarap ko na abutan siya ng tubig o gatorade o abutan siya ng pamunas, ni minsan hindi ko man lang yun nagawa. Tuwing break time nila ni Kuya, dumadaan talaga ako sa field kasi andun sila palagi. Tuwing uwian naman sumusunod din ako sa kanila, ang simpleng pagsulyap ay parang katumbas na lang din ng paglapit ko sa kanya, at masasabi kong masaya na ako sa pasulyap sulyap lang. Tuwing bibisita si Koby sa bahay, hindi ako mapakali napapa ayos ako bigla ng sarili na hindi ko naman kadalasan ginagawa dahil nasa bahay lang naman. Tuwing makikisleepover si Kuya kila Koby, minsan hiniling kong maging lalaki na lang para naman makasama ako. Tuwing iinom sila dito sa bahay at makakatulog sa porch ay kinukumutan ko si Koby at tititigan ang mukha niya, eto lang kasi ang pagkakataon na nakakalapit ako sa kanya, sa pagkakataon na ganito ay sinusubukan kong hawakan siya pero ang sabi ni Kuya ayaw ni Koby na naiistorbo sa tulog kaya palaging nabibitin sa ere ang kamay ko.
At lahat ng ito ay alam ni Kuya at paulit ulit na lang niyang ipinapasok sa kokote ko na wala akong pag asa kay Koby. Ano bang magagawa ko? Mahal ko eh. Sinubukan ko namang hindi siya isipin pero pucha nakakamatay!
Hanggang sa isang araw.
Inutusan ako ni mama na magdala ng merienda kila Kuya. Papalapit na ako sa kwarto niya nang marinig ko ang pangalan ko.
"Tol kaya ka hindi makahanap ng girlfriend kasi palaging nakasunod sa atin yang kapatid mo !"rinig kong sabi ni Koby kay Kuya
"Aba wala ka rin namang girlfriend ah! Yang kapatid ko na lang!"sabi ni Kuya at tumawa
"Gago, alam mo namang hindi ko tipo yung mga babaeng mas bata at kagaya ng kapatid mo. Oo maganda siya pero wala, hindi ko gusto." sabi ni Koby. Napahigpit naman ang kapit ko sa dala kong tray. Pucha ang sakit pala yung mismong sa taong gusto mo maririnig na ayaw ka niya.
"Tsaka nakalimutan mo na ba? Ikakasal ako kay Lexis, tol jackpot ako dun! Sexy, malaki ang hinaharap, maputi, ka-age lang natin, mayaman, at oo mabait din! Oh diba!" Ayoko na marinig. Tama na. Alam ko namang mukha akong chopping board p-pero sabi ng iba m-maganda naman ako medyo c-chubby lang, map-puti din naman ako ah! T-tsaka kasal?! Pucha ang bata pa naman namin ahh.
Ahh, ako nga lang pala ang bata dito. Ang sakit sakit tangina. Hindi ko namalayan na nabitawan ko na pala ang tray at napatakbo na lang ako sa kwarto ko.
Ilang taon ang nakalipas at ikinasal na din si Koby at Lexis. Si Kuya? Ayun engaged na rin. Ako? Eto tinitignan lang si Koby at Lexis paalis sa hospital na pinagtatrabahuan ko. Pucha, akala ko hindi matutuloy ang kasal nilang dalawa kaya sa mga nakaraang taon na yun. Nagpapayat ako at finally lumaki laki na rin ang hinarap ko. M-mukha na akong mature natuto na rin akong mag suot ng heels ng mga maiikling damit. Natuto akong magpaganda para kay Kody pero shit in the end sila parin.
"Paola" tawag sa akin ni Kody. Binisita ko si Kuya at sakto na nandito si Kody at Lexis.
Ang tanga ko ba? Kasi kahit alam kong may asawa na siya. Siya at siya pa rin ang taong gusto ko? Hindi mali, siya parin ang mahal ko.
Ngumiti naman ako sa kanila at sabay sabi "Congrats sa inyo" at pumunta sa kusina.
Nagulat naman ako ng biglang ipinatong ni Kuya ang kamay niya sa ulo ko. "Thank you" sabi niya kaya tumulo na ang luha ko. Agad ko namang pinunasan ito.
"Pshh dun ka na nga" sabi ko at uminom ng tubig
S-siguro hindi talaga kami para sa isa-t isa.
