Malaman, dahil nga kahit na maikli lang ito ay marami itong kahulugan..

“Woahh!! Nakaka-relate na sya! Ang lalim ng hugot mo hyung.. May pinag dadaanan ka no'? Babae ba yan??” biglang singit ni Tim.. Bigla namang sinimangutan ni Cody hyung si Tim..

“Ikaw!” bigla tumayo si Cody hyung at tinuro si Tim.. “Wag na wag mong masubok-subukang humingi sa akin ng tulong ha. Tignan lang natin, mapapatay kita talaga” at saka uli ito bumalik sa pagkaka upo sa kama ko at kumain nalang..

“E-ehh. Hyung, alam mo namang nagbibiro lang ako e” sambit pa nya pero di na ito pinansin pa ni Hyung at tinuloy ang panunuod..

Si Tim naman ang lumapit sa akin at inakbayan din ako.. “Pero oo nga hyung, tama naman yun e. Kung ayaw mong makitang malungkot si tita. Bakit di mo sya bigyan ng pagkakataong maging masaya? At kung salaki mang masaktan sya.. Andyan na ka naman para pasayahin sya..” napa-tango nalang ako sa sinabi ng taong to.. Saan nya kaya hinuhugot yang mga sinasabi nya? Sa ilong nya kaya??..

“Sa tingin ko mas, masakit para kay tita ang nangyare nung nawala si tito, pero kinaya nya yun. Kaya kung masaktan man sya ngayon” nilingon kami ni Cody hyung. “Sigurado akong wala nalang yun sa kanya” sambit nito at ibinalik ang tingin sa TV..

Tama nga naman.. Alam ko kung gano kahirap nun para kay mommy.. Nawala si daddy ng di nya inaasahan.. At gaya ng sabi ni Cody hyung, nalampasan nya ito.. Hindi lang siguro dahil kailangan kundi dahil alam nyang andito pa ako, at di nya kailangang habang buhay na magdusa dahil nga kasama nya pa ako..

At dahil dun, kailangan kong ibalik sa kanya ang mga sakripisyong ginawa nya.. Kahit na ayoko, siguro nya mas kailangan ni mommy ang maging masaya, hindi lang sa akin kundi kailangan nya pa ng tunay na pag-ibig na mas magbibigay sa kanya ng pag-asang mabuhay pa..

~*~

Matapos naming mag movie marathon, agad naming sininop yung mga kalat namin sa kwarto ko.. Kinuha ko yung mga bowl na ginamit namin para dalhin sa kitchen sa baba.. Samantalang sina hyung naman ay nag-shower..

Pagbaba ko nagtungo agad ako sa kusina. Nakita ko naman si mommy na may ginagawa, pumasok ako ng kusina..

“Oh, anak.. Tapos na kayo?” tanong nito sa akin. Nilingon ko naman si mommy at nginitian..  “Halika dito, tikman mo tong ginawang kong cake para sayo” sabi nito..

Dahan-dahan akong lumapit kay mommy, paki-ramdam ko para akong tanga sa nararamdaman ko. Nahihiya ako na na g-guilty kay mommy.. Nahihiya ako dahil sa ginawa ko nun, nakakapag usap naman kami pero hindi na gaya ng dati.. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong magdamdam ng ganito kay mommy dahil lang sa tanong nayun, hindi naman nya na yun in-open-up sa amin tuwing magkasama kami e.. At hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi ko padin ito magawang alisin sa isip ko..

At guilt, dahil nagalit ako sa kanya, dahil nagtampo ako. Dahil hindi ko man lang sya magawang pagbigayan sa alam kong kaligayahan nya... At alam kong ginagawa nya ang lahat para magkaayos kami at bumalik sa dati..


“Masarap ba??” tanong nito habang naka-ngiti sa akin..

Tumango naman ako.. “Opo, masarap”

“Talaga?. Naku. Sabi ko na nga ba at magugustuhan mo to'. Diba eto ang favorite nyo ni William” napa-tingin ako bigla kay mommy..  Bigla naman itong napahinto sa paghati ng cake at biglang napatingin sa akin..  “Uhmn.. Sorry anak.”

Napa-hinga nalang ako ng malalim.. Sa totoo lang naiisip kong siguro nga talot lang akong makitang nasasaktan si mommy, pero gusto ko namang makita syang masaya.. At noon ko pa gustong makita syang ganun.. Kaso nga lang hindi ko alam kung paano.. At eto na siguro yun, eto na ang pagkakataon para hayaan ko nang sumaya ang mommy ko..

Words of my heartOnde as histórias ganham vida. Descobre agora