It's in your heart and mind

11 0 0
                                    


Never gonna give you up,

Never gonna let you down.

Never gonna run around and desert you.

This song totally irritates me. I promise. But hey, this is sooooo classic. Nakakaindak.

Never gonna make you cry,

Never gonna say good bye.

Never gonna tell a lie and hurt you.

"Macy! Agahan na!" I heard then a loud knock on my nearly-broken door. Hindi ko pa pala 'to napapa-ayos.

"Susunod na po."

"Macyyyyyy!" Hindi ata ako narinig.

"Opooo! Ito naaaaa." Tugon ko sabay tayo sa higaan. Pinatay ko na ang tugtog na tumutugtog sa cellphone ko.

I stretched my body for a minute, baka kasi hambalusin ako ni ina dahil nag-attempt na naman ako ng suicide kagabi lamang.

Nababaliw na ba ako? Hindi. Hindi ako nababaliw at alam ko 'yon sa sarili ko. Naiiba lang ako sa iba at alam 'yon ng mga magulang ko.

Anong suicide way ang sinubukan ko kagabi kung matanong niyo. Hmmm, I just banged my head on the door, kaya nga nearly-broken diba ang pinto ko. 

Bumaba na ako at umupo sa hapag-kainan.

"Hindi ka man lang nag-hilamos muna." Singit ni mama habang kumakain ako ng pandesal na may scrambled egg. Sarap ng pagkakaluto ni mama ngayon ah?

I just shrugged at nagpatuloy na sa pagkain at pagsipsip ng mainit na Milo. Bakit pa maghihilamos kung maliligo rin naman ako bago pumasok?

"Papasok ka ba ngayon?" Tanong ni mama sa'kin habang busy siya sa paglalaro ng Candy Crush.

"Opo. May test kami ngayon sa Geometry kaya dapat pumasok."

"O sige, bukas na tayo pupunta ng hospital para matingnan 'yang ulo mo."

Hindi na ako sumagot pa, at nang matapos na akong mag-almusal ay dumiretso na ako sa kwarto ko at hinanda ang mga dapat kong isuot at dalhin sa school. Sabay charge ng phone ko, 87% na lang ito at gusto ko sanang 100% 'to pagpasok ko.

Naligo na ako't naghanda na para pumasok. Pulbo na lamang ang kulang at okay na.

Pumunta ako sa salamin at syempre, nakita ko na naman ang sarili ko. May benda ang ulo, buong ulo dahil sugat sugat ang bandang noo ko, hindi lang naman isang side ang ini-untog ko sa pintuan 'no. At ang eyepatch sa kanan kong mata. Resulta rin 'to sa suicide attempt ko dati. Nahiwagaan kasi ako kung mamamatay ba ako kung mawawalan ako ng isang mata sa paraang pagsaksak ng makalawang na nail cutter rito. At sa kamalas-malasan e 'di ako natuluyan dahil nakita ako ng ama ko na nakahandusay sa sahig at may nail cutter sa mata.

Sigurado akong nagtatanong na ang mga isip niyo kung bakit gustong gusto ko na mamamatay. Syempre, para mapadali na. Lahat naman tayo ay mamamatay sa huli diba?

"Ma, tutuloy na po ako." Tumango si mama bilang pagtugon. Naglakad na ako papuntang school na pinapasukan ko.

Paniguradong usap-usapan na naman sa klase ko 'to kapag nakita nila 'yung benda sa ulo ko. At hindi nga ako nagkamali.

Tell Me Where the Freaks AtWhere stories live. Discover now