•Chapter-1 [gigil si kyahh?]

3 0 0
                                    

------------BACK TO REALITY---------------
*Wuuuushhh*
hangin yan wag kayong ano

Pagbaba at pag baba ko ng last na hagdan bigla namang lumakas ang hangin. dahil Gabi naman pumikit ako para damhin ang simoy ng hangin

Hayyyyssstt~~ ang sarap sa pakiramdam. Feeling ko lumulutang ako sa mga ulap haayyy---

Natigilan ako ng biglang may papel na humarang sa maganda kong face. Grrr

Agad akong dumilat para kunin yon at binasa
*0*

Psh. Si Gabriel Santi Tolentino errr~ panira naman ng araw--este gabi tong mokong natooo. Bakit ako galit na galit sa lalaking ito? Hmm...simple lang. Diko din alam kung bakit. ang alam ko lang-- ( ano ba talaga?!)

Ang tanging alam ko lang kung bakit? Dahil masyado syang pacuuuuute masyado sa TV  ayoko ng katulad nya naiinis ako sa mga galaw nya. Hindi ko sya gusto masyadong makapal ang mga labi? Ano yon? Nakagat ba ng sandamakmak na bubuyog yung lokong yon? Ha! Grrr nanggigigil ako sa kanya !!

"Diko talaga sya gustoooo!!!" Biglang sigaw ko dahil diko na napigilan ang sarili ko at nilukot na ang picture nya na napunta sa maganda kong face at ibinato yon sa kung saan--

"Aray ko naman !! "Nagulat ako ng may nagsalita sa harapan ko

"Ano ba kasing ginagawa mo jan??" Tinignan ko ang lalaking nasa harap ko na naka jacket na itim, naka mask at tanging mga mata nya lang na may mahabang pilikmata ang makikita.

Psh. Ayos pormahan natin boii ah? Kala mo naman celebrity kung makapag-mask si koya..

"binato mo na nga ako ng papel tapos ikaw pa magtatanong kung anong ginagawa ko dito? Ha!! Malamang magkakape ako.." may gigil na ani nitong lalaki na ito

Ayt~~ qiqil si kyah?

"Eh? Bat dika mag kape sainyo? Nakikikape kapa? Tsee!" Mataray na ani ko rito

"Nakikita mo ba yang nasa likuran mo? Ha? 'Coffee shop' Edi magkakape ako jan engot!" Ani nya  at..


"Araayy!" pinitik nya ang noo ko errr~~

"Hoy?! Close ba tayo para pitikin mo ko sa noo? Ha?! Ha!? " Dagdag ko pa na inaambahan sya

Bigla nya naman akong nilagpasan at pumasok na sya sa shop. Grrr bat ba may mga ganong tao sa earth?

Nagtuloy na ako sa paglalakad. Dahil Gabi narin at gutom na ang mga Kapatid ko--(maka 'mga' Kala isang dosena ang Kapatid? Tatlo lang naman sila tse!).

Pumara na ako ng jeep para makauwi na
At agad na sumakay dito. "Bayad po! Paki suyo..." Ani ko na iniaabot ang barya sa babaeng malapit sa driver.. Pero mukhang hindi ako naririnig ah? "Bayad hoo!!!!!" Sigaw ko pa para marinig ako

Aba namaaann!~~

"Paabot naman po, ateng 'maganda' pleaaase~~" pagdidiin ko sa maganda para marinig nya. Agad naman na itong lumingon na parang  siguradong-sigurado na sya talaga yung tinutukoy ko -_-

Inabot nya ang barya at ibinayad na sa driver. inirapan ko nalang ito. Tse!

SA BAHAY.

"Ateeeeeee!!"bungad saakin ni maccoy pagkapasok ko ng pintuan at yumakap saakin

"Oh..maccoy? Nasan si monique?" Tanong ko naman dito

"Nasa kwarto po nag rereview.."

"Tawagin mo na at kakain na tayo..."ani ko rito at dumiretso na sa kusina para ihanda ang pagkaing binili ko kanina sa karinderya

Habang hinahanda ko ang mga pagkain...

*BLAG!!*

Biglang bumukas ng malakas ang pinto at pumasok don si mama na mukhang may hinahanap. Lumingalinga pa ito at natigilan nung makita ako...

"Oh? Ang aga mo naman ata ngayon?!" Aniya na nag krus pa ng braso at tumaas ang isang kilay

"A-ah kase ho nay--"
"Pahinge nga ng dalawan'daan. Babayaran ko pa yung kulang ko dun sa tong-itan!"pag puputol nya ng sasabihin ko

(A/N:)
Ang tong-itan kung di ninyo alam iyon..yun yung nilalaro nila gamit ang baraha..kung dimo parin gets? Balakadyan.

"Ah...kase...ho nay...diko pa ho sweldo---"
"Aba?! Problema ko paba iyon? Ha!? Akin na!!" Ani nya na nakapamewang at nakalahad ang kaliwang kamay

"Pero nay...pang baon pa ho ni monique para bukas yung natitira sa allowance ko..."

"Wala akong pakialam. Basta akin na!!!...Sige pag nanalo ako sa tong-itan bibigyan ko kayo...Dali !!" Aniya na parang nauubusan na ng pasensya

Wala na akong nagawa kundi ang bigyan sya ng dalawang daan...dahil baka lalo pang magalit saakin si inay...

At agad na itong umalis....

A/N:

hello again guys~~ wag mahihiyang mag vote *wink*
-Paki pindot lang ang (★)
-Salamuaaahhht~~
-Kamsahamnina chingu's! *HeartHeart*
-Enjoy reading!!

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Jun 01, 2018 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

THE NUMBER ONE BASHER BECOMES A P.A Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt