Part 12

1.3K 47 1
                                    

PINAGMASDAN NI Maige ang dinaraanan ng taxi na kinasasakyan niya. Ala sais na ng hapon ng lumapag ang eroplano nila galing ng Hong Kong. Halos isang linggo rin sila roon ng kanyang bigboss kasama ng iba pang writers sa kanilang kumpanya para sa three-day booksigning event. Successful naman ang lahat. Maraming mga Pilipinong nagtatrabaho roon ang dumating at nakisaya sa kanila. At dahil doon ay hinayaan sila ng kanilang amo na magliwaliw sa buong Hong Kong sa loob ng dalawang araw.

Siya lang ang tila hindi magawang makisali sa kasiyahan ng mga ito. Iniisip pa rin kasi niya si Lex. Mabuti na lang at wala namang nakahalata sa kanya. doon lang niya napatunayan kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ng mga komedyante sa telebisyon. Na ngumingiti pa rin at nagpapatawa sa kabila ng kanilang kalungkutan.

Kumusta na kaya si Lex? Iniisip pa kaya niya ako?

Hindi na kasi siya pumasok sa opisina ng MidGar pagkatapos ng naging komprontasyon nila ng kanilang mga magulang. Ipinadala na lang niya through email ang kanyang resignation letter na tinanggap naman ng bagong sekretarya ng binata.

Isinasama rin kaya niya ang bagong sekretarya niya sa mga sports events na pinupuntahan niya? Tinatawag din kaya niyang 'girlfriend' ang kanyang sekretarya? Would he let her have one of his rings as well?

Tiningnan niya ang daliri na dating kinaroroonan ng singsing nito. Parang laging kulang ang pakiramdam niya mula nang mawala iyon sa kanya. Nasanay na kasi siyang lagi iyong nahahawakan kapag kinakapa niya ang kamay at nakikita sa tuwing itinataas niya ang kamay.

Pinagalitan niya ang sarili. Ano ba itong pinag-iisip niya? Lalo lang niyang pinahihirapan ang kanyang sarili samantalang malinaw pa sa sikat ng araw na wala ng pakialam sa kanya ang lalaking iyon. Kaya marapat lang na tigilan na rin niya ang pag-iisip dito.

Pagdating niya sa kanilang bahay ay ang kanyang ina lang ang naabutan niya. Nasa homeowner's meeting daw ang kanyang ama.

"Okay ka lang ba, Maige?"

"Oo naman, 'Nay. Ang ganda ng Disneyland. Tsaka meron din akong pasalubong sa inyo." Hinalungkat niya ang laman ng kanyang maleta. "Tamang-tama ang damit na binili ko para sa inyo, 'Nay. Puwede na ninyong pang-rampa sa Christmas Party ninyo sa Health Center."

Volunteer health worker kasi ito sa health center sa kanilang barangay.

"Kapag nanalo si Tatay sa lotto, 'Nay, sabihin natin na ipasyal niya tayo sa Disneyland. Ang ganda kasi talaga roon. Ang daming mascots."

Bumungisngis pa siya. Ngunit napansin niyang tila hindi umiimik ang ina. When she turned to her, she saw the worries in her eyes.

"O, 'Nay, bakit nag-e-emote kayo riyan?"

"Nami-miss mo siya, ano?"

Ibinalik na niya ang atensyon sa pag-aayos ng mga gamit sa maleta. "Alam nyo ba, 'Nay, patok pala sa mga porendyer itong beauty ng anak ninyo. Ilang amerikano kasi ang lumapit sa akin at nakipagkilala. Pero siyempre, mas type ko pa rin ang mga Pinoy."

"Gaya ni Lex?"

"'Nay—"

"Huwag mo ng ikaila, Maige. Halata na kita. Pinagdaanan ko na iyan, eh."

"Huwag na natin siyang pag-usapan, 'Nay."

"Bakit hindi? Alam kong nami-miss mo na si Lex. Hindi ka naman pinagbawalan ng ama mo na makipagkita sa kanya kaya bakit hindi mo siya puntahan?"

"Ayoko."

"Walang magagawa ang pagsisintir mong mag-isa rito sa bahay. Hay naku, anak. Parang hindi na ikaw ang paborito kong dalagang anak kung umasta ka. Iyan ba ang nagagawa ng hangin ng Hong Kong? Nagiging denial queen?"

"Hindi ako in denial, 'Nay. Ginagawa ko ito dahil ito lang ang puwede kong gawin para makalimutan siya."

"Bakit mo siya kakalimutan? Akala ko ba mahal mo siya?"

"Pero mahal ba niya ako?"

"Tinanong mo ba siya?"

Hindi siya makasagot. Sapat ng kasagutan sa tanong nito ang inakto ni Lex matapos siya nitong halikan sa oceanarium. Ang ginawa nitong pag-iwas nang lapitan niya ito bilang tanda ng pag-o-open up niya ng damdamin dito. Mabuti na nga lang at hindi siya nagsalita noon. Kung hindi, mas malaki sigurong kahihiyan para sa kanya na marinig mismo rito ang magiging kabiguan niya.

"Dapat pala ay inamin mo na rin ang tungkol sa damdamin mong iyan noong magkaharap-harap tayo rito. E, di sana, hindi ka nahihirapan ng ganyan."

"Okay lang ako, 'Nay"

"Kaya? Maige, ikaw ang nag-iisa kong anak na babae. At ayokong makikita kang nagkakaganyan." Isinara nitong muli ang maletang hinahalungkat niya. "Puntahan mo si Lex at kausapin. Sabihin mo sa harap niya na mahal mo siya. Kapag sinabi niyang sorry at hindi ka niya maaaring mahalin, umuwi ka rito at umiyak. Pagkatapos, saka uli tayo mag-iisip ng panibagong strategy para mahulog ang loob niya sa niya."

Kahit paano ay napangiti siya sa sinabi nito. "'Nay, exage talaga kayo."

"Hindi ako nagbibiro. Kung kinakailangang ako ang manliligaw sa lalaking iyon para sa iyo, gagawin ko. Isasama ko pa ang tatay mo."

"Hindi na, 'Nay. Ako na lang ang bahala. Pasasaan ba at lilipas din ito."

"Pero, anak—"

"'Nay, please."

Sa wakas ay napakiusapan din niya ito. "Oo nga pala, ilang beses ng tumatawag dito ang nanay ni Lex."

"Nanay ni Lex?" May nangyari bang hindi maganda sa binata?

"Oo, itinatanong ka."

"Bakit daw ho?"

"Hindi ko rin alam, eh. Basta ang sabi niya, ipaalam daw sa kanya kapag dumating ka na at gusto ka niyang makausap." Her mother sighed. "I think nag-aalala din siya sa kanyang anak. Hindi nakaligtas sa akin ang itsura ni Lex nang umalis sila dito noong nakaraang linggo."

"May iniwan siyang contact number, 'Nay?"

"Meron. Pero bukas mo na siya kausapin. Magpahinga ka na lang muna ngayon at alam kong pagod na pagod ka pa sa biyahe mo."

Ngunit hindi rin naman siya makatulog sa kanyang silid. Nabungaran kasi niya ang laptop na iyon sa ibabaw ng kanyang kama. Ang laptop na siyang tanging alaala ni Lex sa kanya.

"Bakit ang nanay mo ang naghahanap sa akin imbes na ikaw?"

Her mom was right. She couldn't forget about him. Hindi rin niya maikaila sa sarili na hanggang ngayon, ni katiting ay walang nabawas sa pagmamahal niya rito. She looked at her wristwatch. Ala siyete pa lang ng gabi. Hindi niya maramdaman ang pagod at mas lalong hindi niya maramdaman ang antok. Nag-uumpisa na ring maghisterikal ang utak niya dahil sa boredom kaya bago pa siya maloka ay ipinasya niyang umalis na muna. Paalam niya sa ina ay dadalawin ang dating kaibigan na kapapanganak pa lang na malapit lang sa kanila. Ngunit sa ibang lugar siya dumiretso.

Bukas pa ang Speedzone sa Pasig nang dumating siya. Mabilis siyang sumakay sa go-cart at pinaharurot sa race track ang kanyang sasakyan. Kinalimutan niyang kailangan nga palang gumamit ng preno roon. Mabuti na lang at wala siyang kasabayan nang mga oras na iyon kung hindi ay nakadisgrasya na siya. When her hunger for speed was satisfied, nag-wall climbing naman siya sa Rockwell at nag-enroll sa taekwondo gym na nadaanan niya. And her first session was a mess. Ilang beses siyang humalik sa rubber mat dahil sa pagkadulas niya sa pagpipilit niyang taasan pa ang kanyang mga sipa.

But still those weren't enough. Pakiramdam niya nang gabing iyon, kayang-kaya niyang gumawa ng record na pinakamaraming extreme sport na nagawa sa loob lang ng isang magdamag. She felt giddy and restless. Excited and overwhelmed. Pero nagbago ang lahat nang mapadaan siya sa isang pamilyar na lugar.

Ang oceanarium. Naalala niya ang sinabi noon ni Lex. Na sa tuwing nais nitong kalmahin ang sarili ay doon ito nagpupunta. So she stepped out of the taxi and walked towards the oceanarium. Ngunit sarado iyon. Kaya laglag ang balikat na naglakad na lang uli siya palayo.

"Maige?" Si Ben ang nalingunan niya. Mukhang nagra-round inspection na ito ng lugar. "Anong ginagawa mo rito? Gabi na, ah."

"Wala. Napadaan lang ako at naisip kong baka bukas pa ito gaya nang magpunta kami rito...I mean, paalis na ako. Sige."

"Gusto mong pumasok muna?"

LOS CABALLEROS #2:  Simply Meant To Be (Completed)Where stories live. Discover now