Part 7

1.2K 54 3
                                    

KANINA PA nakatunganga si Maige sa harap ng kanyang computer ngunit wala naman sa ginagawa niyang business report ang isip niya. She was still thinking of the things that happened at the drag racing circuit yesterday. Hindi nga lang siya nakapag-celebrate kahapon gaya ng sinabi nito dahil may isang importanteng kliyente na tumawag dito at humihingin ng immediate meeting. But it was okay.

She touched her cheek where his lips had been. She could still feel the tingling sensation it gave her. And she couldn't help herself from smiling. Nagsimula siyang mag-type sa kanyang computer. Subalit hindi iyon business report o kahit na anong dokumento ng kumpanya na kailangan niyang tapusin.

Isang magandang love story ang umiikot ngayon sa utak niya at kailangan niya iyong maisulat. At mukhang masyado siyang nalunod sa kanyang ginagawa kaya hindi niya namalayan na may naupo na pala sa gilid ng kanyang mesa at nakikibasa sa isinusulat niya.

"I think I'm gonna love you for the rest of my life."

Napasinghap siya nang marinig ang boses na iyon sa tabi niya. Lex was sitting, again, at the edge of her table. Reading her story! Mabilis niyang pinatay ang kanyang monitor.

"O, bakit mo pinatay? Come on, I'm enjoying your story." Sinubukan nitong hawakan ang power buttong ng computer monitor niya. "Turn it on."

"No!" she barked at him.

He backed out. "Okay."

Ang dagundong sa dibdib niya ay halos ikabingi na niya. Hindi na nga rin siya magtataka kung naririnig man nito ngayon ang ingay na likha ng tibok ng kanyang puso.

"A-anong...ano bang ginagawa mo rito?" Calm down, Maige. "M-may kailangan ka?"

"Medyo. Kukunin ko sana ang report sa Ion Constructions deal." Humalukipkip ito ngunit tila walang balak na umalis sa pagkakaupo nito sa mesa niya. "Tapos mo na ba?"

"Hindi pa, eh." Calm down, Maige. Kung hindi, mas lalo ka niyang mahahalata. Na ano? Na super excited siya na makita ito? Only a day after he had kissed her? "Dadalhin ko na lang sa opisina mo mamaya. Konti na lang naman at matatapos ko na iyon."

"Okay. By the way, nag-lunch ka na ba?"

"Ha?"

"Mamaya mo na lang tapusin iyan pagbalik natin from lunch. Hindi ko pa naman iyan kailangan agad." Sinipat nito ang relong pambisig. "It's almost lunchtime na. Let's go."

Nagpatianod na lang siya. Tutal naman, kahit anong gawin niya ay hindi ito mawala sa isip niya. Mabuti ng harapin niya ang gumugulo sa isipan niya ngayon. Naiilang pa siya nang hawakan nito ang kamay niya. Subalit nawala ang lahat ng magandang pantasya niyang iyon nang makita malapit sa elevator ang ina nito na nakangiting nakamasid sa kanila.

Again, he was just acting. Kagaya ng ginawa nito kahapon sa harap ng espiya ng ina nito. Binalak niyang bawiin ang kamay na hawak nito subalit naisip niyang wala rin namang mangyayari dahil siguradong hindi siya nito agad pakakawalan lalo na at nasa harap nila ang ina nito.

"You're going somewhere?"

"I'm taking her to lunch, Ma. Bakit nga pala nandito kayo?"

"Oh, I'm just visiting the company. How are you, hija?"

"Okay lang ho. Magla-lunch ho kami ng anak ninyo, baka gusto ninyong sumama. Libre ho ni Lex."

"Naku, maiistorbo ko pa kayong dalawa. Sige na, kayo na lang. Enjoy your date, ha?"

Tumango lang siya at nagpatianod na lang nang igiya siya ng binata patungo sa elevator.

"Oh, by the way, you look really cute on your picture."

LOS CABALLEROS #2:  Simply Meant To Be (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ