Part 4 (unedited)

1.3K 59 2
                                    

"SA TINGIN mo ba hindi ko na sinubukan iyan?" tanong ni Maige kay Lex.

Sa isa sa mga banyo ng gusaling iyon siya dinala nito at ngayon nga ay sinasabon nito nang husto ang daliri niya upang maalis ang singsing.

"Hindi mo ba narinig ang kasabihang 'curiosity kills the cat'?" anito. "If you happened to be a cat, you'll be dead by now."

"Kasalanan ko ba iyon? Ikaw diyan ang bigla na lang bumagsak sa teritoryo namin at nag-iwan ng kuwintas na may singsing. Tao lang naman ako para ma-curious sa mga bagay na ganon."

"Yeah, but you don't have to wear it."

No matter how much she was annoyed by him, she still couldn't erase the fact that she liked his masculine scent. And manly height and body. Even the way he elegantly move.

Maige, the guy was trying to rip off your finger just to get his ring. Hello? Focus here, girl.

"Bakit ayaw matanggal?" nagtataka na rin nitong tanong.

"Sinabi ko na sa iyo. Wala rin naman akong balak na magtagal ang singsing na iyan sa daliri ko, 'no? I hate jewelries."

Itinaas nito sa harap niya ang kanyang kamay. "Then why is this thing here?"

"Curiosity." If he wasn't that annoying, he could really be more gorgeous right now. "Remember? The cat?"

"You can't wear my ring."

"At anong gusto mong gawin ko? Ipaputol ang daliri ko? Ano ako, bale? Saan ko naman isusuot ang wedding ring ko kapag ikinasal ako?" Nang akmang isusubo nito ang kanyang daliri ay malakas niya itong pinalo. "What the hell are you doing? Manyakis ka! Mayakis! Manyakis!"

"Huwag ka ngang paranoid. Gusto ko lang subukan kung matatanggal ko ang singsing sa ganitong paraan."

"Hindi ako paranoid!" Pilit niyang binawi ang kamay dito. "Ako na lang ang gagawa."

"Ako na."

Natural lang na hindi siya pumayag. Kaya nakipagtagisan siya ng lakas dito subalit wala ring nangyari. Naramdaman na lang niya ang mainit na pakiramdam na iyon nang tuluyan nitong maisubo ang kanyang daliri. She could feel his teeth pulling the ring out but she also couldn't deny the fact that the warm and soft feeling of his lips and tongue was doing wondrous and impossible sensation all throughout her entire system. She was getting aroused by the minute. At iyon ang nagpa-panic sa kanya nang husto.

Babawiin na sana niya nang todo ang kamay dito nang bigla namang bumukas ang pinto ng comfort room na iyon. They were caught in a very uncompromising situation.

"S-sorry, Sir," anito saka nagmamadaling lumabas.

"Teka, mali ang iniisip mo!" habol niya. But the woman was already gone. "We're not doing anything!"

Sa wakas ay pinakawalan na rin siya ni Lex, with the ring still stuck on her finger. "It's no use."

"Sabihin mo sa kanyang wala tayong ginagawang masama!"

"The ring wouldn't come off."

"Forget about the stupid ring! May nakakitang ibang tao sa atin sa hindi magandang pagkakataon. Alam kong nag-iisip na siya ngayon ng masama tungkol sa atin."

"My ring isn't stupid."

Gusto na niya itong sigawan. Batukan. Sabunutan. Pero sa dami ng nais niyang gawin dito, wala naman sa mga iyon ang makaya niyang gawn nang mga sandaling iyon dahil sa sobrang panggigigil. Kaya iniwan na lang niya ito at baka kung ano pa ang magawa niyang hindi maganda rito.

Ngunit ilang sandali lang ay nakasunod na rin pala sa kanya ang lalaki. Nahawakan na siya nito sa braso upang pigilan.

"Hindi mo puwedeng dalhin ang singsing ko," anito.

LOS CABALLEROS #2:  Simply Meant To Be (Completed)Where stories live. Discover now