"What's going on?" Nagtatakang tanong ni Nina.

Sinundan na lang ni Noah si Reed. Without hesitating, gumalaw na rin ang mga paa ko. Gusto kong malaman kung bakit biglang nagkaganoon na lang si Reed. Wala namang nagawa si Nina kundi ang sumunod na din.

"What the hell, where are you going people?" Narinig kong reklamo ni Nina subalit hindi ko binigyang pansin ang kanyang hinaing. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa hindi gaanong mataong lugar.

"Reed, Noah." Tawag ko sa kanilang mga pangalan trying to catch up to them. Mukhang wala silang intensyong tumigil subalit bigla na lang huminto si Reed. Kaya ganoon din kami.

Lumipat ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa harapan ni Reed. Kahit pa nakatalikod ito ay ramdam ko ang galit sa kanyang presensya. Kitang-kita ko rin ang biglaang pagkukuyom ng kanyang mga palad. Subalit magkagayon man, prente lang akong nakatayo sa aking kinatatayuan. Nakagat ko ang ibabang labi. He was...

Bigla niya akong nilingon. Nahalata mata ang kanina ko pa pagmamasid sa kanya. His gaze shot up, cold and emotionless. Nang makita ako, saglit iyong nagbago ngunit agad ding nanumbalik ang kanyang tinging mapanganib.

Behind me were Nina and Noah, they kept quiet for a moment.

The sight before me stole my breathe away. I stared at him. Perseus Sylverio.

I didn't dare to move. Hindi makapaniwala ang aking mga mata.

"Percy." My voice come out hushed and weak. But the tears for unknown reason threatening that moment we're holding me that place. Direkta ngayon ang mga mata ni Percy sa direksyon ko pero tila hindi nito nirerecognize ang presensya ko.

"Sydney..." Bumagsak ang luha ko ng marinig ang kanyang tinig. My bestfriend's voice. The last time I heard him talk, it didn't exactly end well. At ngayon may pair at diin ang paraan ng pagtawag niya sa aking pangalan. Humakbang ako palapit sa kanya subalit mabilis na akong nilapitan ni Reed para pigilan ako dahil maagap niyang hinuli ang aking braso, causing me to stop.

Naging mabilis ang nangyayari. Percy was pushed on the dirty ground as Noah was holding him.

"Huwag Noah, don't make another mistakes again." Halos pasigaw ko ng sabihin iyon. Hindi ko alam kung bakit ang isipin at puso ko ay tila ba may bahagi sa aking sistema ang nakaramdam ng emotional reunion. I know Percy might hate me now. Kinamumuhian nito ang dugong dumadaloy sa akin. Kinamumuhian na anak ako ng taong muntik ng pumatay sa kanyang pinsan.

"Sydney." Reed pulled me closer to him. Holding me tightly pinned against his hard body. Masyadong malapit ang distansya naming dalawa. I could feel his heart  perfectly beating. Pero ang gusto kong gawin sa puntong iyon ay ang umalis palayo. Ang pagnanais na puntahan si Percy. Reed wanted to protect me. Ayaw nitong makita ko ang galit ni Percy sa akin. Pero kailangan ko iyong harapin.

Noah's eyes shot to mine. Mukhang hinihintay ang desisyon ko.

"Please." Ika ko saka humugot ng malalim na buntung-hininga. Ilang sandaling pananahimik ang namagitan. Hindi maalis ang paningin ni Noah sa akin, but soon enough, tiningnan niya si Percy at inabot ang kamay dito.

Percy slowly started stumbling on his feet as Noah moved a few feet backwards, almost like he was guarding all of us behind him. Hindi nawala ang paningin ni Noah kay Percy, sinusundan ang bawat galaw ng binata.

"Paano mong malamang Mandiri kami?" Mayamaya lang ay tanong ni Reed. Ang tinig nito ay nag-echo sa lugar na iyon. Nothing else but woods.

Percy sent him a murderous glare. Ang kanyang mga mata ay palipat-lipat sa amin ni Reed. Ilang sandali, nakita ko ang sakit na naglalaro sa kanyang mga mata pero agad ding iyong naglaho. "Totoo nga. Alam kong buhay ka, Syd." Napangisi ito. "Totoo ding kasama mo siya."

So I Married The Mafia Boss 2: SymbiosisWhere stories live. Discover now