15

341 20 7
                                    

 Isang ambulasya ang mabilis na dumating sa emergency room nang hospital. Dala nang ambulansya na iyon si Ara na wala nang malay dala nang lason na pinilit ipainom sa kanya ni Perry. Habang tulong tulong ang mga tao sa hospital na ibaba ito mula sa sasakyan. Kitang kita ang takot sa mga mukha nila Danica at Jessey na sumunod na bumamaba sa ambulansya.  

Kasunod namang dumating ang isa pang ambulansya. Lumabas pa ang ilang nurse at doktor para salubungin ito. Isang sugatan naman ang laman nang mabulansya na iyon, dahil sa tama nang bala. 

Nurse: Gunshot wound po sa tagiliran. Mukang marami nang dugo ang nawala, mahina na din po yung BP nang pasyente. Nagpahanda na rin po ako nang isang OR. 

Doctor: Ok team, pakibilisan na lang mahalaga ang bawat segundo.

Jessey's POV

Ang bigat nang pakiramdam ko, wala namang masamang nangyari sakin pero pakiramdam ko nabugbog ang buong katawan ko. Kasama ko si Danica sa waiting area malapit sa ER. Magkatabi kami sa upuan magkahawak ang pareho naming kamay. Parehas kaming nanginginig dahil sa nangyari. At wala ring  makapagsalita samin.

Ilang minuto pang lumipas, tuloy pa rin ang mga tao sa pagtakbo parito at paroon. Lalong tumataas ang kaba sa buong katawan ko. Hanggang sa isang nurse ang lumapit sa amin.

Nurse: Kayo po yung kasama ni Miss, Galang and Miss Reyes?

Danica: Jessey? *sabay siko dito*

Jessey: Ay opo, kami nga po.

Nurse: Ano po bang nangyari?

Jessey: Kasi po...

Danica: Hinostage po kami, yung isa po naming kasama nilason at yung isa nabaril po.

Nurse: May gusto po ba kayong patawagan? 

Jessey: Si Shiu! Nakalimutan ko syang tawagan Danica.

Danica: Yung Guardian po nila. 

Nurse: Sige po. 

Danica: Samahan ko na kaya yung Nurse Jessey para matawagan si Shiu. Ok lang ba?

Jessey: Sige Danica, salamat.

Danica: Dito ka lang ok?

Nurse: Dito na lang po sa nurse station ma'am.

Umalis si Danica kasama nang nurse. Mabuti na lang nandito sya, hindi ko din kasi kayang makausap si Shiu. Ako kasi ang may kasalanan kaya nagkaroon nang pagkakataon na magawan ang masama ni kuya Perry sila Ara at Mika. 

Ilang saglit lang may isang doktor na lumapit sakin. 

Doc: Miss, ikaw po ba yung kasama ni Miss Mika? 

Jessey: *napatayo ito sa kinauupuan nya* Opo.

Doc: Ok naman na po sya. Mabuti na lang at daplis lang sa braso yung nangyari sa pasyente. Nalinis na namin yung sugat, hindi naman na kayalangang tahiin. Pero may tama daw sya sa ulo kaya inoobserbahan pa sya. Mamaya lang dadalhin na namin sya sa kwarto para makapag pahinga.

Jessey: Makoconfine po sya?

Doc: Opo, kaylangan din kasing obserbahan eh.

Jessey: Ok po, salamat po sa pag asikaso sa kanya.

High LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon