1

3.2K 15 0
                                    

Jessey’s POV

What if lumaki ka kasama lang yung lola mo and then suddenly malalaman mong may kapamilya ka pala maliban sa kanya. Bigla lang kasing may mga taong nagsasabi na hindi na ko kayang alagaan ng lola ko. Hinahanap na nila ang mga kamag-anak ko at ngayon kaylangan ko ng tumira kasama nila. Yung pamilya naman na iyon susunduin ka sa harap ng high school nyo at sabihin sayong, “ Jessey, finally we found you.” ? Matutuwa ka ba? Maeexcite or kakabahan kayo gaya ko? Hindi naman sa umaangal ako, pero mas nakakatakot palang makita sila for the first time. Kasi pakiramdam ko, back to zero nanaman ako. Pakiramdam ko ngayon hindi ko nanaman alam kung sino ko. Isa pa, natatakot ako baka hindi ako tanggap ng mga taong yun.

Nasa Manila na ko ngayon, nakasakay sa mamahaling kotse. Kasama ko ay yung driver at isang matangkad na lalaki. Mukha syang principal sa suot nya. Nakablack na pants, polo at leather na sapatos. Nakasalamin pa sya tapos nakabrush up yung buhok nya. Nagpakilala na sya sakin pero hindi ko alam kung sino talaga sya. Nakatignin lang ako sa kanya, nakaupo sya sa passenger’s seat at tahimik na nakatingin sa daan. Nang mapalingon sya sa akin kinausap nya ako agad:

Shiu: Miss Jessey? May problema po ba?

Jessey: Hindi naman po kita tatay diba?

Shiu: Hindi po.

Jessey: Ang sabi po ng lola ko patay na si papa. Car accident daw po, totoo po ba?

Shiu: Sorry to hear po. Pero wala po akong masyadong alam sa papa nyo.

Jessey: So sino po yung natitirang kamag-anak ko?

Shiu: May kapatid ka po. Hinihintay na po tayo ng kapatid nyo sa bahay.

Jessey: Ok po.

FF: Nakarating sila sa bahay ng kapatid ni Jessey, huminto ang kotseng sinasakyan nila sa harap ng malaking bahay. Nang bumukas ang gate nito, pumasok ang kotse at dun nakita nya ang napakalaking garahe at garden sa harap ng bahay.

Shiu: Welcome home po. Simula ngayon eto na po ang magiging bahay nyo.

Jessey: Parang palasyo naman po dito.

Shiu: Hahaha, masasanay din po kayo. Pumasok na po tayo Miss Jessey.

Mika’s POV

Ang tagal naman dumating nila Shiu. Excited na kong makita yung kapatid ko, well kung kapatid ko nga talaga sya. Medyo may pagdududa no? Hahahaha! Kasi naman wala naman akong kaalam alam. Parehong perents ko eh patay na, car accident daw. Kasama ko lang dito sa bahay eh si Ara pinsan ko, at yung Tita ko wich is Mommy ni Ara at yung Tito nya, kapatid naman ng Daddy nya. Ang gulo no, in short saling Kitkat lang ako dito. Pero mostly si Ara at ako lang lagi dito pati yung katiwala naming si Shiu, kasi parehong Mommy at Tito nya (Ara) eh sa ibang bansa nagtratrabaho. Ayan na pala sila!

Mika: Shiu! Nandyan na pala kayo!

Shiu: Miss Mika, pinapakilala ko po sa inyo si Miss Jessey.

Mika: Hello! Ang cute mo naman.

Jessey: (nahihiya) Hi. Ikaw na ba yung kapatid ko?

Mika: Ahahaha! Shiu?

Shiu: Ah, si Miss Ara po?

Ara: (pababa galing hagdan) Nandito ko. May kaylangan ba kayo sakin?

Mika: Hala! Bat bigla kang sumungit? Si Jessey oh. Kung ayaw mo syang maging kapatid. Sakin na lang sya.

Jessey: (tanong kay Shiu) Sya po ba?

Shiu: Miss Jessey, kasi po—

Ara: Hindi mo ko kapatid! At Mika, baka ikaw talaga kapatid nya. Hanggat walang proof hindi ako maniniwala. Shiu, ready na ba yung driver? Lalabas lang ako para magpahangin.

Shiu: Ok na po Miss Ara.

Mika: Ang daya lalabas ka hindi mo ko sasama?

Ara: Magbonding muna kayo ng kapatid mo. (lumabas ng bahay para pumunta sa kotse)

Mika: Sorry ha, baka may red tide ngayon si Ara eh. (Sabi nito kay Jessey) Gusto mo bang kumain? Gutom na ko kakahintay sayo eh.

Jessey: Eh sino ba talagang kapatid ko?

Shiu: Miss Jessey, sorry po pero hindi rin po namin alam. Sa ngayon po wala pa po kaming maisasagot sayo.

Jessey: Pano po nangyari yun? (Nagsimulang umiyak)

Mika: Uy, wag ka namang umiyak! Ok lang yun pagbalik ng mga guardian namin malalaman din natin yung totoo. Tahan na ha!

Sino kayang kapatid ni Jessey. Wait lang po sa JeKa & JeVic moments ah. Thanks for reading comment lang kayo. 

--Sorry maiksi yung first chapter!

High LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon