CHAPTER 5:

2K 81 0
                                    

Ang bilis ng araw at weekend na agad, singbilis ng paglaho ng feelings niya char~ wala akong lablayp para makiuso sa mga ganyan-ganyan. Forever single ako! (A/N: Pag hahanap ka ng jowa ihanap mo din ako ah?) Ayoko nga!

So ayun dahil weekend ngayon tambay lang kami ni Kamby sa bahay dahil hindi naman kami palagala no.

Kasalukuyan kami ngayong nanonood ng paborito naming palabas! ano pa nga ba edi SPONGEBOB! Wala si Mama simula kagabi dahil pinuntahan daw niya si Papa sa Korea, hindi nadin siya nakapagpaalam dahil urgent daw kaya kaming dalawa lang ni Kamby yung nandito. Buti nga wala si Mama eh at hindi kami napagalitan.

Nang magpatalastas na pumunta muna ako sa kusina para sana kumuha ng makakain dahil anong oras nadin pala, hindi padin kami nag-aalmusal dahil wala namang marunong magluto sa amin nagkataon pa na nagday-off si Manang Virgie kaya walang magluluto sa amin.

"Kamby! wala nang laman yung ref!" :( Kung kailan nagugutom ako dun pa nawalan ng laman yung ref! si mama talaga bakit hindi niya sinabi?!

"Teka lang patapusin muna natin to! bago tayo bumili sa labas." wala eh peyborit namin yan kaya walang makakapigil samin.

Nang matapos ang pinapanood namin, dali dali akong nagpalit ng leggins dahil ayoko namang lumabas ng nakashort eh, ganun din yung ginawa ni Kamby.

At dahil nga wala namang marunong magdrive saming dalawa, pinili nalang naming dalhin yung mga bike namin dahil malapit lang naman dito yung Convenience store kung saan kami bibili.

May basket naman to kaya ayos lang, para hindi nadin kami mangawit sa kakabitbit.

Kumuha kami ng isang cart na ngayon ay tulak-tulak ni Kamby, ako naman ay kuha lang nang kuha kung anong makita ko, napili kong lagpasan yung meat section dahil kahit gusto kong kumain ng karne eh wala namang magluluto -_- buhay nga naman.

Iniwan ko muna si Kamby na kasalukuyang kumukuha ng mga chips at kung ano-ano pa dahil pupunta muna ako sa bandang dulo kung saan naroroon ang mga gatas, kahit 15 years old nako umiinom parin ako ng gatas no!

Hanap....

Hanap....

Tingin sa kanan.....

Tingin sa kaliwa.....

Hanap......

Lakad.....

Tingin sa taas....

O.o Anong akala niyo sakin matangkad na pwede yang abutin?!

Nasa taas kasi yung mga gatas na as if naman ay maabot ko?! duh hindi ako si Darna o kaya si Wonderwoman no! Wala naman din akong star na suot at lalong-lalong hindi ako nakapanty tulad nila.

Tumingin-tingin naman ako sa paligid para sana magpatulong pero wala akong nakikitang tao dito! anong klaseng tindahan to?!!!

May nakita naman akong monobloc chair sa bandang side kaya kinuha ko iyon at ipinuwesto sa tapat kung nasaan ang gatas. Tumuntong nadin ako dun kaya lang hindi padin abot :( Ma naman! bakit hindi mo naman ako pinagkuha ng height noong ipinanganak mo kame? kahit nagtakas kalang sana ng ilang dangkal eh!

***

Shan's Point of view:

Nandito ako ngayon sa Convenience store malapit lang sa village namin dahil ako ang nautusan na bumili ng gatas ni Shaneen -_- nung una aangal pa sana ako dahil ang sakit pa ng pisngi ko! lintik na Sheyn kasi yun eh! Ni hindi man lang tumalab yung pain reliever na binigay niya! tsk

Nasan na ba kasi yung gatas?

Paikot-ikot nako dito sa loob wala padin ang makitang gatas. (bakit kaya hindi ka magtanong no? anong silbi ng bibig mo?) Oo nga no?! tanga tanga.

Nakita ko naman si Manong guard at agad na tinanong kung nasan yung mga gatas at ang sabi niya ay nasa bandang dulo daw ito.

Naglakad narin ako papunta don para makuha ang dapat kunin! Gatas lang naman kasi ang pakay ko dito ewan koba dun sa kapatid ko -_- nadaan ko pa nga si Shawn na bumibili din dito eh mukhang kasama niya ata yung kambal niya. Tsk!

Pagdating ko don may nakita akong babae na mukhang pilit inaabot yung gatas, ganung gatas din ang kailangan ko! nakatuntong na siya sa monobloc chair kaso hindi padin abot! ngek~ lumapit naman ako don para sana abutin din yung gatas kaso hindi ko din pala abot, hinintay ko nalang yung babae na matapos dun sa upuan para sana ako naman ang next kaso may nangyari ang hindi inaasahan!!

Nahulog siya?!!!

Oo nahulog siya?!!!

Kaso hindi siya yung nasaktan!!

Ako!!! Ako yung nadaganan!!

***

Sheyn's Point of view:

Letsugas na buhay to oh!  bakit ba kasi ang taas? hindi ko pa din kasi maabot yung gatas hanggang ngayon eh!

Kontin nalanv Sheyn!! Konti nalang!

Then Boom!!!

Nakuha ko na yung gatas at the same time nahulog din ako!

Pero bakit hindi masyadong matigas yung binagsakan ko? Oo imposible naman kasi na ganito katigas yung sahig diba? eh nakatiles to!

Pagtingin ko naman, hindi pala ako sa sahig bumagsak?!!!!! sa tao! sa tao! oo sa tao! sinabi kobang sa tao?! basta sa tao!

O.o tapos yung posisyon pa namin ay nakapaibabaw ako sa kanya! Sino to?!

Hindi ko na pinansin kung sino siya at dali-dali nang umalis dun! nakakahiya! baka kapag nagtagal pako don sabihin niya minamanyakan ko siya! Over my dead and sexy body? No way!

Mabilis ko din naman nahanap si Kamby at inferness nabayaran na niya yung mga pinamili namin kanina bale etong gatas nalang ang babayaran ko.

Pagkabayad na pagkabayad namin humarurot nakami palabas, nagtaka pa nga si Kamby dahil hinila ko siya kaso wala akong time para magpaliwanag! nilagay na namin dun sa basket yung dala namin at nagpedal na pauwi.

Whoo~ muntik nako dun ah?

"Bakit kaba kasi nagmamadali?" tanong ni kamby sa gitna ng pagpepedal namin.

"A--hhh ehh na--gugutom na kasi a-ko eh.!" gandang palusot! benta din naman dahil hindi na siya nagtanong pa! Ayoko namang sabihin na nakadagan ako ng tao dun sa tinadahan!

***

Meanwhile...

Shan's Point of view:

Nakatulala padin ako kung saan ako natumba at nadaganan. Ewan ko din kung bakit, bigla nalang kasing nagslow motion ang buong paligid at ang bilis din ng tibok ng puso ko! Anong nangyayari sakin? At sino yung babaeng yon?

AUTHOR'S NOTE:

Ehem~

I Belong To Section 4FTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon