Chapter 12

0 0 0
                                    

=Kinabukasan=

Alex's POV

Kaagad ako nagtungo sa OB para magpacheck up. Hindi ako kampante sa result na lumabas kanina umaga sa pregnancy test ang result kasi positive. Kung talagang positive ang result hinding hindi ako lalapit kay Xander akin lang itong anak ko at sisiguraduhin ko hindi nya makikilala ang g*go nyang ama.

Hindi ako mapakali habang hinihintay ko ang result ng mga tests. Maya-maya pa'y lumabas na ang doktor mula sa laboratory dala nya ang mga test results ko.

"Ms. Alex ito na po ang result ng mga test mo at based sa result you are 4 weeks pregnant congrats.. May mga reseta ako ibibigay sayo para sa vitamins nyo mag-ina." - doktor

Speechless hindi ako nakareact sa sinabi ng doktor mixed emotion nararamdaman ko saya dahil may munting anghel na nasa loob ng tyan ko inis dahil timing na di kami ayos ng magaling nyang ama. Wooh relax Alex kaya mo ito mag-isa na walang tulong nya hindi ko pwede sabihin kay Sam about sa condition ko knowing her kahit pinsan ko pa sya kaibigan naman nya ang mokong na yun tiyak madudulas siya sa g*gong yun.

Xander's POV

Agad ko pinuntahan si Sam sa bahay nya para kulitin ito nag-aalala ako kay Alex dahil sa nabanggit nito na magpapacheck up daw siya. Naabutan ko tulog pa ito kaya inalog alog ko siya sa kama.

"Ui gising Sam ano balita sa pinsan mo? Sinabi ba nya sayo kung ano ipapacheck up nya?" - Ako

"ano ba? Istorbo naman oh natutulog yung tao e!!!" - Sam

"Gising na kasi dyan ano na? Tumawag na ba pinsan mo? Kamusta na siya?" - ako

Agad naman bumangon si Sam at malamang sa malamang magiging beast mode na yan in 3...2...1...

"Peste naman buhay ito oh bakit ba kasi pinakilala pa kita sa pinsan ko gag*guhin mo tapos ngayon ako guguluhin mo para kamustahin siya???!!!" -Sam

"Hehe sorry naman nag-aalala lang ako sa pinsan mo e.. " - ako

"FYI mula kanina umaga hindi pa siya tumatawag tatawag yun kapag naisipan nya ok na? Pwede ka na ba umalis ng kwarto ko kasi ang laki mong istorbo e ginambala mo yung panaginip ko e alam mo yun nasa climax na ako kaso bigla ka sumingit... Syupi na.." - Sam

Agad ako lumabas ng kwarto ni Sam mahirap na baka mabato pa ako ng kung ano bagay na madampot nya brutal pa naman itong babaeng ito naexperience ko na mabato nito ng notebook nya di lang yun ordinary notebook yung may hardbound cover pa sapul sa mukha mga dre.

Hay kamusta na kaya siya? Hindi ako mapakali hanggat di ko nalalaman kung ok na sya.

Sam's POV

Hay buhay tell me guys paano ba ako napasok sa ganitong kagulong situation ng kaibigan ko at pinsan ko? Ang gulo gulo nila promise... Anyways since mabait ako kaibigan at pinsan kailangan ko tawagan si Alex para sa ikatatahimik na rin ng kaibigan ko.

Dialling Alex's number....

Phone conversation

Alex: Hello?
Me: Hello bruha kamusta? Asan ka ngayon?
Alex: ah... Eh... Nasa mall tama nasa mall may binili kasi ako books.
Me: Ah ganun ba? (May mali sa sinasabi ni Alex) e ano yung sinabi mo kahapon na magpapacheck up ka?
Alex: Ah wala yun bigla kasi sumakit likod ko you know my situation diba?
Me: Sure ka yun lang yun?
Alex: oo ui cous I have to go na I need to go to rest room bye cous I love you..
Me: Ok ingat ka..

End of phone conversation

At sunod ko naman tinawagan Si Xander. Yung totoo ano role ko dito call center agent?

Phone conversation:

Xander: Hello? Kakahiwalay lang natin miss mo na agad ako? Kanina sinusungitan mo ako..
Me: Buwisit miss mo mukha mo buwisitin mo pa ako di ko sasabihin sayo na nakausap ko na si Alex e..
Xander: Talaga... Talaga? Ano sabi? Kamusta na siya? Tinatanong ba ako sayo? Ui
Me: kapag makita kita babatukan kita e isa isa lang tanong ah ok wala naman kinamusta ko lang siya then tinanong ko kung asan siya..
Xander: Asan daw siya? Asan?
Me: Isa pa talaga Xander hindi ko na itutuloy yung sasabihin ko...
Xander: Sige na sige na ituloy mo na sorry naman naexcite lang..
Me: Nasa mall daw siya ngayon may biniling books then tinanong ko about sa sinasabi nyang check up..
Xander: oh bakit daw siya nagpacheck up?
Me: Kulit mo ah e pinacheck lang daw nya yung likod nya yun lang... Then about sa tanong mo kung hinahanap ka ba nya? Sorry dude pero hindi e ni bakas kung may balak ba siya magtanong about you wala e mukhang nasagad mo pasensya ng pinsan ko brod.
Xander: Ah ganun ba mukhang tama ka nagalit ko siya ng husto. By the way kita tayo mamaya may padespidida ako 2-3 weeks from now flight ko na papuntang SG hindi ko pa nasasabi sa pinsan mo about sa pag-alis ko.
Me: Yan tayo e kailan mo sasabihin kapag mismong flight na ganern?
Xander: oo? Para alam mo yun pupunta siya sa airport tapos pipigilan nya ako umalis.
Me: alam mo wag ka masyado nanunuod ng drama ah lakas mo mag-imagine dude tingin mo sa sobrang galit nya sayo gagawin nya yang imagination mo? Hanggang imagine ka na lang brod.
Xander: Ang harsh mo sa akin noh sige na bye na muna kita kits tayo mamaya.
Me: Chow

End of Phone Conversation

Nakakaloka ang mga ganap sa dalawang ito gosh.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: May 15, 2018 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

My Online ExNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ