Chapter 5

5 0 0
                                    

Still Xander's POV

This is it magkikita kami ni Alexandria para makabonding kami kahit papaano kailangan ko magpapogi.

Bigla nagvibrate phone ko si Alexandria nagtext.

Alexandria: San ka na? Okay lang ba kasama ko yung mga pamangkin ko? Pati yung isang pinsan ko si James naiwan kasi ipapasyal daw ni Sam

Badtrip naman nanadya ba si Alex? Bakit kasama mga bata paano ako makakabawi sayo?

Alex's POV

Sinadya ko isama ang mga bata alam ko may weird sa kinikilos mo Xander.

Ang tagal naman dumating nun talo pa ako kung kumilos.

Naramdaman ko na lang nagvibrate phone ko pagcheck ko si Xander tumatawag.

Xander: Hello san kayo banda sorry ngayon lang ako may inayos pa kasi ako
Me: Okay lang andito kami sa may timezone san tayo magkikita san ka banda?
Xander: puntahan ko kayo jan wait lang.
Me: Okay

Call ended

Maya-maya lang nakita na namin sya hingal na hingal mukhang tumakbo ang mokong hmm 1 point effort nakabawi sa strike 1 nya kahapon syempre di counted yung concern nya sa akin yesterday nung sumakit ulo ko di naman sya nahirapan doon e.

"Kanina pa kayo sorry talaga ah so tara libot tayo?" - sya

"Okay mga bata tara libot daw tayo sabi ni kuya nyo" - ako

Agad naman kami naglibot nauuna maglakad sa amin mga pamangkin ko at pinsan ko siguro binibigyan kami ng moment dalawa ito naman katabi ko di ko alam kung pinapakiramdaman ba ako or what kaloka di mapakali ni di man lang magpaka boyfriend yung totoo boyfriend ko ba ito? Maya-maya lang naramdaman ko na lang na bumulong sya sa akin.

"Di ba sila mauuna umuwi? You know para makapag moment tayo dalawa dito sa mall" - sya

Nakaisip ako ng idea agad ako lumapit sa pinsan ko at mga pamangkin ko.

"Guys may sasabihin daw si Xander" - ako

Napansin ko naman pinagpawisan sya ng malamig yung totoo ang lamig naman dito sa mall.

"ahmm ate , mga bata pwede ba kami humiwalay sa inyo you know bonding lang kami dalawa ihahatid ko siya sa inyo mamaya 6 pm"- sya

" bakit pa kayo hihiwalay sa amin? Pwede naman namin kayo kasama ni tita Alex" -chloey

"ahmm mga bata tara na hiwalay muna tayo kila tita nyo nakalimutan ko maggogrocery pala ako samahan nyo ako dali tapos bili tayo ice cream" - Ate Jamie

Sabay kindat sa amin ni ate Jamie haha nagets agad nya gusto ipahiwatig ni Xander.

Kaagad naman kami humiwalay sa kanila una namin pinuntahan food court at ang mokong ang inorder lang sa amin fried siomai pero ilang sticks naman kaso di ba sya nakakahalata kailangan ko ng kanin dahil di pa ako naglalunch waah gusto ba nya ako magdiet kasi natatabaan sya sa akin ngayon?

Magkatapat kami ng upuan, maya- maya lang habang pasubo na ako ng siomai nanotice ko bigla nya sinundan ng tingin yung babaeng dumaan sa gilid namin kaya nagstay yung stick ng siomai na kinakain ko sa bibig ko sabay taas ko ng kilay sa kanya nakahalata ata sya sa tingin ko kaya umayos sya ng upo at tingin. Ikacount ko ba ito as strike 2 kahapon ka pa Xander.

"Ang puti nya noh? Siguro nag guglutah yun." - sya

Seriously? Kaloka dapat na ba ako magduda sa pagkatao nitong kasama ko kaloka sya lang bukod tanging lalaki na may sinundan ng tingin na babae tapos bigla hirit nag guglutah? Matanong nga mamaya si Sam.

Hindi na kami ulit nagkibuan sa halip pinagpatuloy na namin yung pagkain. Kaagad sya natapos kumain tapos binigay na nya sa akin lahat ng food ano gusto nito palabasin na matakaw ako insulto ito ah.

Xander's POV

Sablay ka naman Xander nakaka ilang strikes ka na sa taong mahal mo ang balak mo lang ngayon ay mag kamoment kayo diba di mo muna siya ididisapoint sa mga kagaguhan mo? Hay kinakausap ko na naman sarili ko. Pagkatapos namin kumain naglakad lakad kami then ako na nag open ng topic.

"Kamusta kayo ni Mikaela? Madalas sya magmessage sa akin kinakamusta nya tayo sabi ko going strong tingin ko balak nya ako ligawan then sabi nya sa akin kinoconvince ka nya sumali sa pagent sa office nyo kaso ayaw mo daw lalo na may swim suit competion yun bakit nga pala di ka sumali?." - ako

"Oh talaga? Echoserang palaka talaga yung bruhang yun tingin mo makakasali ba ako ng contest na ganito itsura ko?" - alex

"Oh bakit? Ang ganda mo kaya saka di ka naman ganun kataba ah wait lang bakit gumanyan katawan mo if you dont mind ang alam ko body conscious ka ano nangyari?" -ako

"trip ko lang maiba lang gusto ko tanggapin ako ng ibang tao kung ano yung nakikita nila sa akin di yung iinsultuhin ako na akala mo perfect sila thats all" - sya

"Ah okay tara doon pasok tayo sa boutique may titignan lang ako" - ako

Agad ako pumasok sa loob na di ko nanotice agad na naiwan ko pala sya sa labas na di man lang sya inalalayan hay naku Xander sablay ka naman pagdating sa kanya ungentleman mo dude.

Alex's POV

Kaloka iwan ba ako dito? Gentleman nya grabe at ang nakakabuwisit na mga sales lady kung kiligin at magpacute kala mo di nakikita na may kasama yung tao hello girlfriend over here saka di lang siya yung customer bakit naghahatakan kayo para iassist yung boyfriend ko? At ito naman magaling kong boyfriend walang kamalay malay sa paligid.

"Hi Sir may nagustuhan po ba kayo sa mga yan we can help you with your size" - sales lady 1

"ahmm hindi tumitingin lang ako para pagbalik siya na lang bibili for me" - sya sabay turo sa akin ang sama magsitingin sa akin ng mga sales lady narinig ko pa bumulong yung isang sales lady.

"sino kaya yang girl? Mukha siya julalay ni Sir Pogi" -sales lady 2

"excuse me? Kung bubulong ka miss about sa akin make sure di ko maririnig ah" - ako

"Ahmm miss paki tawag manager nyo ayaw ko lahat iniinsulto nyo girlfriend ko" - sya

Lahat kami shocks sa sinabi ni Xander lalo na ako for the 1st time dinepensahan ako ni Xander at sinabi nya girlfriend nya ako kikiligin na ba ako? Si Ate girl naman bigla namutla.

"Sorry Sir we dont know na girlfriend mo pala sya kala namin julalay mo kasi yung suot nya pambahay lang" -sales lady 2

Aba sobra na ito ah sampal ko kaya dito mga ootd ko kung hindi lang ako nagpapatest kay Xander baka rumampa na ako sa harap nito.

"Porket naka pambahay lang huhusgahan nyo na agad pinagbigyan na kita miss sa una mong pang iinsulto sa girlfriend ko sinundan mo pa ng isa pa Miss sinabi na paki tawag manager nyo di ba kayo tinuturuan ng manners dito kung paano pakitunguhan ang mga customers nyo?" - sya

Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Maya-maya lang may lumabas from office yun ata manager nila infairness ang gwapo.

"oh Xander what brings you here? At sino siya pinsan?" - Manager

Wait tama ba rinig ko magpinsan sila?

"Kaya naman pala walang modo yung empleyado wala din kasi modo yung manager" - Xander

"Chill insan wala pa ako ginagawa nagagalit ka agad sa akin" Manager

"Tara na Alex baka makasapak pa ako dito" - sya

Kaagad ako hinatak palabas ni Xander.

"Aray ano ba Xander nasasaktan na ako sa pagkakahatak mo" - ako

"Sorry naiinis lang ako sa pang iinsulto sayo ng sales lady dumagdag pa yung pinsan kong mayabang na yun." - sya

"Oo andun na ako pero tama ba hatakin mo ako?" - ako

Kaagad ako nagwalk out pero kaagad naman nya ako sinundan.

"Uuwi na ako nawalan na ako ng gana mamasyal" -ako

"okay fine hatid na kita" - sya

Kaagad kami sumakay ng tricycle di nya kasi dala kotse nya.

My Online ExWhere stories live. Discover now