Chapter 9

1 0 0
                                    

Still Someone's POV

Kahit gustuhin ni Xander na kumawala kay Alex ay hindi nya magawa dahil sa higpit ng pagkakayakap nito dito kaya kahit ano self control ang gawin nya hindi nya magawa dahil si Alex na rin ang gumagawa ng way para may mangyari sa kanila. Kaya nangyari ang di dapat mangyari.

[author's note: Sorry pabitin wala kasi sa plot ng story ko ang rated SPG ✌]

Kinabukasan:

Unang nagising si Alex na napaaray sa sobrang sakit ng ulo nya dala ng hang over nya at mas naweirduhan din sya ng maramdaman nya makirot din ang ibabang bahagi ng katawan nya kaya agad sya napasilip sa ilalim ng kumot na ikinagulat nya dahil napansin nya wala na siyang suot na kahit anong damit kaya kaagad siyang napalingon sa tabi nya at ang mas kinagulat nya na ang katabi nya ay si Xander na mahimbing pa rin ang tulog at bahagya pa itong yumakap sa kanya kaya hindi siya agad nakakilos. Gusto nyang sumigaw pero ayaw naman nya mapahamak si Xander dahil sa pagsigaw nya kaya nagdecide na lang siyang matulug tulugan.

Xander's POV

Pagkadilat ko ng mata ko ang ganda ng bumungad sa akin ang mukha ng taong mahal ko. Nasa katinuan pa ako kagabi kaya aware ako sa nangyari sa amin dalawa kahit hindi planado ito atleast may maganda akong alaala babaunin sa paghihiwalay namin at kung may mabuo man sa pangyayaring ito, sa pagbabalik ko full support na ako sa magiging anak namin. Pero kailangan ko pa rin gawin ang plano ko para na rin sa future namin dalawa.

Hinalikan ko siya sa noo at kagaad ako bumangon at nagbihis hindi nya ako pwede maabutan na nasa tabi nya dahil tiyak ko magpapanic ito pero paano kung paggising nya mapansin nya na nakahubad sya? Isip Xander... Alam ko na dahan dahan ko na lang siya bibihisan na hindi siya nagigising. Sorry Alex pero kailangan kita bihisan don't worry hindi ako titingin sana lang tama yung pagbihis ko sayo.

Alex's POV

Nagtulug tulugan pa rin ako habang ramdam ko binibihisan ako ni Xander alam ko ayaw nya ako magpanic kaya nya ginagawa ito. Sana lang walang mabuo sa nangyari sa amin hindi sa hindi pa ako ready ayaw ko lang siya ipressure if ever na may mabuo nga hindi ko kasi ugali yung namimilit ng tao.

Fast Forward (After 1 month)

Author's POV

Maagang nagising si Alex dahil ngayon ang araw ng binyag, nasa probinsya pa rin sya sinadya nya na habaan ang vacation leave nya 1 month ang nileave nya sa opisina para makapag pahinga siya pero paminsan minsan kapag nasa kwarto sya gumagawa pa rin siya ng mga reports para sa pagbalik nya hindi sya matambakan ng trabaho. Maaga sya naligo at habang nagtotoothbrush sya umagaw ng pansin sa kanya ang stock nya ng napkin sa cabinet ng CR kaya kahit may nakasalpak pa na toothbrush sa bibig nya e agad agad sya lumabas ng kwarto para kunin nya ang cellphone nya na may tracking app para sa monthly period nya. At doon lang nya napagtanto na isang buwan na siyang delayed. Gusto nya magpanic pero napagdesisyunan nya wag na muna hanggat di pa sya nakakasiguro. Kaagad sya nag-ayos para makapaghanda para sa binyag napagpasayahan nya rin na ibalik ang pagiging palaayos sa sarili.

Dumating ang oras ng binyag bukod tanging si Alex ang katukatulong ni ate Gelli sa pag-aasikaso ng binyag dahil ang asawa nito ay nasa abroad at hindi nagawang makauwi dahil hindi pinayagan ng amo dahil kakabalik balik lang nito sa work last month. Naging abala si Alex mula sa pag aasikaso ng mga upuan at lamesa pati sa pagdecorate ng lugar at mga souvenir kaya laking pasalamat sa kanya ni Gelli dahil kung hindi dahil sa tulong ni Alex baka nahirapan na ito sa pag asikaso ng binyag ng anak. Sinadya ni Alex na iwasan si Xander mula nung may nangyari sa kanila aware si Alex na alam ni Xander ang nangyari dahil sa gising na siya nung umalis ito, at mas lalo siya naiinis rito dahil parang wala itong plano kausapin at umamin tungkol sa nangyari sa kanila at ang mas lalo nya kinakabahala kung tama ba ang kutob nya sa natuklasan nya kanina umaga. Napagpasyahan nya na bumili ng pregnancy kit bukas para malaman kung tama nga ba ang kutob nya.

Xander's POV

Parang may mali sa kinikilos ni Alex ngayong araw na ito kung tama ang hinala ko parang iniiwasan nya ako may alam kaya siya sa nangyari sa min? Pero parang imposible kasi himbing ng tulog nya nung umalis ako at binihisan ko naman sya pero alam ko magdududa siya siyempre paggising nya makakaramdam sya na may mali sa pakiramdam nya. Hay ano ba ito mga iniisip ko. Lalapitan ko ba siya o hindi? Isip Xander... Sige na nga lalapitan ko na. Ilang hakbang pa lang ako ng mapansin ko may lumapit sa kanyang lalake teka di ko kilala kung sino ito aba loko ito ah ano right nya lapitan girlfriend ko... Nakakapang init ng ulo.. At talagang nakangiti pa siya sa lalaking ito ano gusto nya palabasin sa kin ngayon?!

"Selos? Ikaw kasi e ilang beses na kita niwarningan pero di ka nakikinig sa akin? By the way wag ka magalit sa pinsan ko di yan nagloloko ako lang nagpakilala sa kanya sa lalaking kausap nya ngayon don't worry new friend lang yan ng pinsan ko or pwede rin future boyfriend once na umalis ka na at tuluyan mo na sya iwan. I told you diba kami na bahala sa kanya na sisiguraduhin ko makakamove on sya sayo tsk ikaw kasi mas gusto mo siya iwan diba ngayon paunti unti mo na makikita ang result ng ginagawa mo goodluck friend..." -Sam

Umalis agad si Sam na hindi hinihintay response ko sa mahabang litanya nya aba loko ito ah kaibigan ko ba ito? Maya-maya pa'y hindi na ako nakatiis nilapitan ko agad si Alex at yung g*gong lalaking umaaligid sa kanya siyempre hindi ako papayag may umaaligid sa girlfriend ko noh agad ko siya inakbayan kita ko naman ang pagkagulat sa kanilang dalawa.

"Hey beb miss me? Sino itong kausap mo? Nawala lang ako sandali lumalandi ka na agad? Excited lang palitan ako?" -ako

Naramdaman ko na lang na parang humapdi ang pisngi ko.

"How dare you to judge me? Kapal din naman ng mukha mo para sabihin yan? FYI nakikipag usap lang ako sa new friend ko masama ba yun? He volunteer na samahan lang ako habang yung "boyfriend ko raw" ay biglang nawala habang andito pa ako sa palawan kung lumapit ka lang para insultuhin ako pwede ka na umalis and oh by the way just to inform you by tomorrow babalik na ako ng Manila hindi ko na sasabihin sayo kung ano oras ang alis ko dahil diba wala ka naman pakialam? Enjoy the party my dear ex" - Alex

Shocks sumobra ako ng sinabi tanga mo Xander ikaw na nga nanakit sa kanya ikaw pa may ganang insultuhin sya tanga! Masyado ako nadala sa sinabi sa akin ni Sam kanina kung pwede ko lang ibalik yung oras di ko sasabihin ang mga masasakit na salita sa kanya.

Alex's POV

Sumosobra na siya tama ba insultuhin at ipahiya ako sa maraming tao? Ang kapal ng mukha niya para ijudge ako. Hindi ko namamalayan naiiyak na pala ako dito ang sakit kaya ng mga sinabi nya. Nagsisisi ako na pumayag ako na iset up sa g*gong yun na nahulog ang loob ko sa kanya.

Hindi ko namamalayan na lumalayo na pala ako sa venue at hindi ko napansin na nakasunod pala sa akin si James na kaagad yumakap sa akin dahil siguro nakita nya ako umiiyak.

"Hey beshie what's wrong? Bakit ka umiiyak? Tell me sino nagpaiyak sayo? Si Xander ba?" - James

Hindi ako kumibo sa halip lalo ako napahagulgol nung marinig ko ang pangalan ng g*gong yun.

My Online ExWhere stories live. Discover now