Chapter 38: Masquerade Party

Start from the beginning
                                    

May narinig akong mga nag-uusap habang palapit kami sa natatanaw kong sofa. Bumungad sa akin ang dalawang tao na natigilan sa pagdating namin.

Sila iyong nag-ayos sa akin noong birthday date namin ni Callie. Tumayo sila sa pagkakaupo at nakangiting humarap sa amin. Napansin ko sa paligid ang mga pamilyar na kagamitan. Mukhang may mangyayari na naman na hindi ko inaasahan.

"You think I sh-OH MY GOSH!"

May isang babae na lumabas mula sa isang kwarto may hawak syang dress at natigil iyon sa ere kasabay ng pagtili nya habang nakatingin sa amin ni Callie. Mabilis nyang inihagis sa pinakamalapit na sofa ang hawak na dress at lumapit sa amin.

"My Gosh Kuya! You actually brought her!"

Nanlaki ang mata ko dahil nakalapit ito ng mabilis sa akin at hinawakan ang magkablia kong kamay. Napatingin ako kay Callie. Kuya? Sya yung nakababatang kapatid ni Callie na naikwento nya dati.

"Hi! I'm Charlene. Oh my God. Can I call you Ate? You're my ate naman diba since you're--"

"Charlene, Stop! You're scaring her."

Natigilan naman yung Charlene pero hindi sya bumitaw sa pagkakahawak ng mga kamay ko.

"Oopss Sorry, Kuya. I'm just happy to finally meet her. Meg and Helga's right, she's simple pero ang pretty nya."

Nakangiti nitong sabi sa akin. Medyo nailang ako sa pagkakatitig nya sa akin kaya muli akong bumaling kay Callie. Mukhang napansin naman nya iyon kaya mabilis nyang inagaw ang kamay ko sa kapatid nya.

"Enough, Charlene. You're scaring her."

"Kuya! I'm not!"

Pasigaw na reklamo ng kapatid nya.

"Ayos lang Callie."

Bumaling akong muli sa kapatid nya at nginitian sya.

"Hi. Nice to meet you. I'm Venia."

"Nice to finally meet you Ate Venia."

Magiliw nyang bati sa akin. Malaki ang ngiti nito na umaabot hanggang sa kanyang mata. Halatang halatang napakasaya nya.

Maganda ang kapatid ni Callie. Maputi sya ay may magandang mukha. Halos magkasing tangkad kami. At mukhang hindi naman nagkakalayo ang edad ko sa kanya. Mahaba ang straight nyang buhok. Hindi sila halos magkamukha ni Callie. Kahit sa simpleng pananamit nya pero base sa mukha at kutis, halatang anak mayaman ito. Mas lalo tuloy akong nailang. Apat ang babae sa kwartong ito at kung magraranking ngayon ay halos hindi ako deserving sa huling pwesto at mas mababa pa.

"I think we should start preparing."

Narinig kong banggit ng isa sa mga babae noon. Nakita kong napatingin sya sa relo nya. Tumingin dito si Callie at tumango. Muli syang humarap sa akin.

"I'll leave you to them for now but I want you to trust me on this. Okay?"

Naguguluhan man ako sa nangyayari ay tumango na rin ako. Ngumiti naman sya bago ako binigyan ng halik sa noo. Narinig ko pang humagikgik si Charlene sa gilid.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now