"Titigan mo na lang ba ako? Tinatanong kita!"

Napayuko ako. Ano ba kasing gusto niyang malaman?

"Ano ba kasing gusto mo?"

"Nasaan ang mga magulang mo? Bakit ka nila hinayaan na makipaglive-in sa lalaking yon?"

Napayuko na naman ako.

"Dalawang taon na silang wala! 18 pa lang ako ng pareho silang maaksidente,nalunod ang ferryboat na sinakyan nila."Nanubig na naman ang mata ko ng maalala ang pangyayaring iyon sa buhay ko. "Naiwan akong mag-isa. Mabuti na lang nandiyan si Cade,kapitbahay namin siya at matalik na magkaibigan ang mga magulang namin. Sila ang tumulong sa akin para mahanap ang katawan ng mga magulang ko. Hanggang sa pinaalis ako sa bahay na tinutuluyan namin,hindi ko na kasi nabayaran,kaya kinupkop ako nina Cade"

Kita ko ang pagkuyom ng kamao niya. Galit siya.
I know it!

"Bakit sa lalaking yon kapa nakitira?"Madilim na naman ang aura ni Halimaw.

"Wala na akong mapuntahan,gulong-gulo na ang isip ko that time,di ko alam gagawin ko!"Naiiyak na wika ko."Wala kaming mga kamag-anak dito. Saan ako titira sa lansangan?"

"May nangyari na ba sa inyo that time?"

Namutla ako dahil sa tanong niya,ayokong sagutin. Private na yon dapat!

"Sagutin mo ako?"Sabi niya sabay hampas sa mesa.

Napaiktad ako.

Saka marahang tumango!

"Dammit! I knew it!"Galit na galit siya. Kinuha niya ang phone,saka may tinawagan."Beat that bastard,wag nyong titigilan hanggat di nalumpo!"Puno ng puot na wika niya.

"Anong ginawa mo kay Cade?"Nahihintakutang tanong ko.

"Dapat lang yon sa kanya! Shit! Bakit mo hinayaan na gawin niya yon sayo? Ginusto mo rin?"Punong-puno ng puot ang mga mata niya.

Hindi ko alam kong paano ko sasabihin sa kanya,baka mas lalo siyang magalit at mapatay na niya si Cade kapag nalaman niya na pwenersa ako ni Cade sa umpisa.
He took advantage of my innocence.
Ako naman si tanga hinayaan ko na lang siya,kasi nga bilang bayad na lang sa utang na loob ko sa pamilya niya.

"Tell,me,what happened?"Sigaw na naman niya. Bat ba siya sigaw ng sigaw madaling araw na kaya!

"Ginusto mo din ba? Kusa ka bang bumukaka sa kanya ha!"Alam ko kung gaano na siya kagalit."Answer me,wag mong ubusin ang pasensya ko!"

"Noong una,pwenersa niya ako pero kalaunan nakasanayan ko na rin!"Nakayukong wika ko. Yon ang totoo,kalaunan hinayaan ko na lang siya.

"Dammit it!"Akmang tatawag na naman siya ng pigilan ko.

"Tama na!"Nagmamakaawang wika ko sa kanya. "Tama na please,kasalanan ko din naman dahil hinayaan ko siyang gamitin ako!"Naiiyak na ako,dala na rin siguro ng matinding takot sa kanya.

"Alam mo bang gusto ko siyang patayin!"Nangangailiting wika niya. Buong tapang kong sinalubong ang mga mata niya.

"Tama na,wag mo na siyang saktan,malaki ang utang na loob ko sa kanila."Napahikbi na ako.

"Shit,dahil may utang na loob ka,ginawa mong pambayad ang katawan mo ha! Hindi mo man lang ba naisip,what if hindi si Cade ang mapapangasawa mo,ano pang maipagmamalaki mo? Ee binigay mo na kay Cade na dapat doon lang yon sa lalaking mapapangasawa mo!"

I wiped my tears ng marinig ang sinabi niya. Gago ba siya?

"Gago ka pala ee! Diba nga magpapakasal na kami? Malapit na kaming ikasal! Siya lang naman ang lalaki sa buhay ko. Hindi ko naisip na may iba pang darating. Si Cade lang naman ang gusto ko!"

"Fuck!"Pulang-pula na ang pisngi niya tanda na galit na galit na siya.

"Hindi ko naman alam na mangyayari to,hindi ko naman alam na magbibiro ang tadhana! Na darating ka sa buhay ko!"Takot ako sa kanya,pero nataasan ko pa rin siya ng boses.

"Damt,it! Magbabayad ang Cade na yon!"

"Please nakikiusap ako,please lang,wag mo na siyang saktan!"Kahit papano mahalaga pa rin siya sa akin.
Pareho lang kaming biktima dito.

"Ayaw ko ng iniisip mo siya,Samaya! Kalimutan mo na siya! Akin ka na ngayon kaya wag na wag kang magkakamaling galitin ako. Isa ka na sa mga babae ko ngayon,wala ka ng karapatan sa buhay mo! Ako ang magsasabi kong hanggang kailan pa kita balak na buhayin!"

"Bakit ka ganyan? Bakit ang sama mo!"

"Dahil gusto ko! Masaya akong nakapanakit ng mga taong salot na ng lipunan! Tanga ka ba,nalulong sa bisyo ang lalaking yon,kaya siya nagkautang sa akin!"

"Anong bisyo?"Wala akong alam sa sinasabi niya.

"Nalulong siya sa sugal at drugs!"Matipid na sagot niya.

"Drugs?"Nawindang ako sa nalaman. Bat diko nahalata?
Ang galing niyang magtago.

"Oo,drugs!"

Napaiyak na naman ako,ang dami kong di alam. Ginawa niya akong tanga.

Nagpapakahirap pa naman akong mag-ipon para sa kasal namin,pero anong ginawa niya?

Ang simpleng hikbi ay napalitan na ng malakas na iyak!

Hindi ko matanggap na niloko ako ni Cade,ang sakit!

Ang sakit!
Minahal ko siya!
Pero siya?
Ni hindi ko man lang naramdaman na minahal niya din ako.😢

"Tama na!"Madiing utos niya."Nandito na ako,ako ng bahala sayo,Samaya!"

Nag-angat ako ng tingin,gusto kong makita kong seryoso ba siya sa sinabi niya.

"Nagbibiro ka lang diba?"

Umiling siya."No,I am not! Im deadly serious,Samaya. I will take care of you! Kalimutan mo na ang lalaking yon kong gusto mo pang mabuhay!:

Ayan na naman siya,gumaan na sana pakiramdam ko.
Pero nawala na naman dahil sa sinabi niya.
Ang hilig niyang manakot!

Inismiran ko lang siya,"Ang hilig mong manakot!"

"Sinasabi ko lang sayo ang mga kaya kong gawin!"

Natahimik na lang ako,ayaw ko na siyang patulan masyado ng masakit ang mga nangyayari.😴

Owned By A Heartless Gangster(The Gangster Obsession) #Completed #Obsession_2Where stories live. Discover now