Chapter 1 : The Lesson

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko nga ginawang problema nang minsan na sinubukan kong tingnan ang future ko by looking through the mirror. Wala akong nakitang future nang titigan ko ang mga mata ko. But I didn't bother at all. Siguro nadismaya lang ng kaunti.

Hindi ko pwedeng makita ang future ko. Unfair.

Bakit kaya?

Pero ayos na rin 'yon, hindi ko malalaman kung paano at kailan ako mamamatay.

"Today, our lecture for technological science discoveries one, are the five possibilities on when and how our planet Earth will die. Marami tayong madadaanan na fields sa topic na ito. It could include history, and some phenomenons," panimula ni Sir Jim.

Lahat ay tahimik, para ngang walang humihinga. Ang weird nga eh. Hindi naman terror si sir Jim. Sabi ko nga, siya ang kindest professor ng university. Tingin ko kaya natahimik ang lahat ay dahil sa magiging lesson namin para sa araw na 'to. We have two hours for this class and a compelling topic to waste it on.

"Again, we have five possible endings," saad ni Sir Jim. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa isa't-isa habang nasa likod niya ito pareho at naglalakad siya sa aisle. "These possibilities are from different beliefs of different people. Kumbaga, kinuha lang natin ang top five na pinakatingin nilang posibilidad ng pagguho ng mundo, the most possible ones in each category. It means, hindi exactly ito ang magiging dahilan kung bakit matatapos ang buhay ng Earth. Para lang itong ideas, depende sa field na pinanggalingan ng possibility," dagdag ni Sir Jim.

Lahat ay nakatutok dahil sa paksa at hinihintay ang susunod na sasabihin niya.

"Fi—"

Hindi natuloy ni Sir Jim ang sasabihin niya nang may kumatok sa pintuan. Bumukas ito at bumungad sa amin ang hinihingal na si Sir Moriya. Pawis na pawis siya at halatang tinakbo niya ang daan papunta rito sa room.

"Yes, Professor Moriya?" Nakangiting tanong ni Sir Jim.

"Pinapatawag ka po ni Ma'am Velanie sa office. Ikaw na lang po ang wala para sa faculty meeting. It's important, I presume? Hindi naman nagpapatawag si Ma'am Velanie ng urgent meeting kung hindi importante," saad ni Sir Moriya.

He's a Mathematics Professor in Cessation High. Hindi naman siya terror. Balance ang attitude niya. May oras na seryoso siya, at may time rin naman na kwela siya. Katunayan, isa siya sa pinakamatagal nang nagtuturo rito. Pero ilag pa rin ang mga estudyante sa kaniya.

"Okay. Class, wait for me. Hindi naman siguro aabot ng next subject ninyo ang meeting. Behave," nakangiting bilin ni Sir Jim bago lumabas at sabay na naglakad kasama ni Sir Moriya.

"Tungkol saan naman kaya ang pagmi-meeting-an ng faculty?"

Halos lumundag ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat nang tabihan ako ni Midori. Ang kaibigan ko simula first year high school.

Halos anim na taon na kaming magkaibigan. At sanay na rin ako sa pagiging kalog niya, at paminsan-minsan na pagiging weird. Gaya ng bigla-bigla rin niyang pagsulpot lalo na kapag late siya sa klase, tulad ngayon. Halatang galing siya sa likod na pintuan at pasimpleng pumasok para hindi mahalata na late siya sa first subject ngayong umaga.

"Nakakagulat ka naman," sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko. Hindi ko siya tiningnan.

Ayoko na makita ang future niya. The last time I saw it, nakita ko na mamamatay ang father niya. Sinabi ko sa kaniya 'yon. Pero hindi siya naniwala noon sa babala ko na masasagasan ang papa niya at 'wag na palabasin pa ng bahay sa gabi kung kailan siya mamamatay. Second year high school kasi kami no'n, at tinawanan lang niya ako no'n dahil akala niya nagbibiro ako. I hope I was joking too.

Ilang linggo lang matapos kong sabihin sa kaniya na mamamatay ang papa niya sa isang car accident, namatay na nga ito. Nabangga ang sinasakyan nitong kotse.

Simula noon, naniwala na siya sa kakayahan ko. Though she found it strange at first, so was I.

"Oh come on, Niana. 'Wag ka na nga magbalik-tanaw," saad ni Midori while waving her hand in the air and making irritating gestures. Sinasalansan niya ngayon ang mga libro at notebook na nasa table niya.

She also has a sixth sense. Recently lang niya na-diskubre and it's cool yet quite hostile.

"Midori, ilang beses ko ba sasabihin na 'wag mo gamitin sa akin ang mind reading mo?"

"It's not mind reading. Naririnig ko lang ang thoughts mo kahit ayaw ko. Remember, my hearing sense is sensitive," pagtatama niya.

Naalala ko bigla na kahit malayo ang isang tunog mula kay Midori, naririnig pa rin niya 'yon. What more sa mga thought ko eh sobrang lapit ko lang sa kaniya. Sobrang kakaiba talaga ng sixth sense niya, parang enhanced hearing. Para na rin tuloy mind reading. Pero sabi niya, limitado ang kaya niyang marinig.

Bumukas ang pintuan at niluwa nito si Sir Jim. Nakangiti pa rin siya kahit pawis na ang mukha niya. Pinunasan niya iyon gamit ang kaniyang panyo na galing sa bulsa niya.

"Okay now, let's start," said Sir Jim. Napaayos muli tuloy kami nang pagkakaupo. "The first possibility of the Earth's end is based on Science. It will happen next year. Tama. Year 2019, an asteroid simply named as Brobdingnagian, which means marked with tremendous size, will fall into the Earth."

For the third time this day, bigla akong nahilo.

Pero mas malala ito. Hindi ito katulad nang kanina pagpasok ko sa loob ng room.

Muli akong napapikit dahil parang may binubuhol na ugat sa ulo ko. Hindi ko alam kung anong gagawin para humupa ang sakit. Kasabay pa nito ang mga imaheng mabilis na rumerehistro sa isipan ko.

An ash colored asteroid.

Massive fire.

Screaming people.

Pakiramdam ko nawalan na ako ng malay. Para akong nasa harap ng projector. Nakakahilo. Nakakasuka.

Pitch black. Emptiness.

Kahit imulat ko nang husto ang mga mata ko, ito lang ang nakikita ko.

Not until a glimpse of light started to show.

Noong una isa lamang ito. Hanggang sa dumami ito nang dumami.

At nang lumiwanag na, hindi ko na alam kung saan ako napunta. Ang alam ko lang, hindi na ako naka-upo sa classroom namin at wala na ako sa klase namin.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon