Pangatlo

111 8 0
                                    

End.
Written by RIP
Chapter 3
~~~~

3rd Person POV

Gaya ng sinabi ng papa ni Jupiter lumapit siya sa babae na naka wheelchair halatang nagulat naman si Venus sa pag lapit ni Jupiter at nailang na iniwas ang paningin nya sa binata

"H..hi"nahihiyang wika ni Jupiter sa babae

Huminga ng malalim si Venus at tinignan ang binata na naka tayo sa harap niya

'Mga paa... Buti pa siya nakakalakad'

Tumingin si Venus sa paa ng binata saka binalik ang tingin sa mukha ng binata

"Hi.....anong...anong pakiramdam nang nakakalakad?"tanong ni Venus sa binata bigla namang nabuhayan ng loob si Jupiter at umupo sa harap ng dalaga para mapantayan ito

Ngumiti ang binata saka tinignan ang paa ni Venus

"Bago ko sagutin ang tanong mo.....anong sakit mo?"tanong mg binata nag iwas ng tingin si Venus at huminga ng malalim

"Ang ibig kong sabihin hindi kasi halata sayo na may kapansanan ka para ka lang naka upo sa wheelchair"sabi ng binata

Ngumiti ang dalaga sa sinabi ni Jupiter
Pero hindi niya sinagot ang binata

"Alam mo may sasabihin akong sekreto sayo....oo masayang mag lakad at nakakatapak sa lupa pero alam mo nakakalungkot din"sabi ni Jupiter agad namang napalunok ang dalaga

"Bakit naman?"tanong nito

"Kasi alam mo kahit na nakakalalad ako sa lupa...hindi ko magawang basain ang sarili ko gaya ng mga normal na tao"malungkot na wika ng binata bigla namang naalarma ang dalaga at dali daling hinawakan ang kamay ng binata

Nagulat naman si Jupiter sa pag hawak ni Venus Sa kanyang kamay agad na bumilis ang tibok ng puso ng binata sa ginawa ng dalaga

"Pasensya na naitanong ko pa yun...naiinggit kasi ako na kayo nakakalakad ako hindi...pero anong ibig sabihin ng sinabi mong hindi mo magawang basain ang sarili mo?"tanong ng dalaga

Ngumiti ng malungkot ang binata at tumingin sa dagat

"Kapag nabasa ako....mamamatay ako"

0___0 agad na nanlaki ang mga mata ng dalaga

"Ha...ah eh...pasensya na natanong ko pa pero imposible naman ata non kasi alam mo napapawisan ang lahat ng tao hindi ka ba naliligo? Hindi ka naman mabaho imposible naman ata at isa pa umiinom ka ng tubig umiiyak din pano yun?"sunod sunod na tanong ng dalaga natawa naman ang binata at hinawakan din ang kamay ng dalaga nakaramdam naman ng ilang ang dalawa

"Ewan ko eh kapag malungkot ako at gusto kong umiyak walang luhang pumapatak sa akin kapag naman madami akong ginagawa dapat pag papawisan ako pero hindi hindi ako pinapawisan gaya niyo nakakaramdam lang ako ng init ng katawan at hindi ako nakakaramdam ng pagka uhaw at simula pagka bata ko hindi pa ako naliligo ewan ko ba hindi rin ako bumabaho kahit hindi ako naliligo"pakiwanag ng binata

"Ang...cool"komento ng dalaga

"Ikaw ano bang nangyare sayo at naka wheelchair ka?"tanong ng binata napa buntong hininga ang dalaga

"Tutal nasabi mo na ang sekreto mo ako naman ang mag sasabi ng sekreto sayo"wika ng dalaga at biglang nalungkot

"Ang totoo niyan nakakalalad naman talaga ako"

~~~~

Tweet me @WoohyunieMe or @redious_in

EndWhere stories live. Discover now